Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga ay sinulat  ni Jack Alvarez, isang OFW na nakabase sa Saudi Arabia.
Kinuha ko ang librong ito sa NBS, randomly at akala ko, yung usual na makabagbag damdaming kasaysayan na naman ng mga OFW na overly-dramatic at kung anek anek pa ang mababasa ko. Pero mali ako.
Nagulat ako sa mga kwentong tumambad sa akin nung mabasa ko ang librong ito.
Ang sabi sa likuran ng libro ay confession daw ito ng may akda at kung totoo man ang lahat ng mga kwentong nasa loob ng librong ito ay saludo ako kay Jack Alvarez. Una, dahil sa tapang niyang harapin lahat ng mga hinarap niya sa Saudi, ultimo pagkakakulong ng ilang araw at pangalawa, dahil sa tapang niyang ihayag ang mga sensitibong parte ng buhay niya.
Para sa mga nakapagtrabaho sa Gitnang Silangan, kahit pa hindi talaga sa Saudi, basahin niyo ito. Paniguradong kahit isa sa mga dagling kwento ni Jack Alvarez ay makakarelate kayo.
At kung hindi man kayo makarelate dahil hindi niyo naranasan ang kahit isa man sa mga kwento niya, maaliw naman kayo sa pagbabasa dahil sa husay ng pagkakasulat niya ng mga isyung kinakaharap ng mga OFW na minsan ay pinipikitan na lang natin ng mata, mga isyung pabulong lang natin minsan kung pag-usapan at mga isyung minsan ay ating tinatakasan.

I’d love to hear from you!