Banyo Kings

Nitong huling bakasyon ko, dinalaw namin ni Erpats at ni Hubby yung lupang nabili ko na kasing laki lang halos ng paso.

Habang tinitingnan namin yung lupa ay nangangarap kami na sana matayuan na ito ng bahay dahil tumataas na yung mga talahib at namumunga na yung ilang papayang itinanim ng mga future kapitbahay ko.

Habang nagda-day dream kami ay lumapit sa amin ang isang manong na nagpakilalang si Roger (na tatawagin kong Ka Roger) at tinanong kung sa amin daw ba yung bakanteng lupang katabi ng bahay nila.

Nung kinompirma namin na kami nga ang magiging kapitbahay niya ay agad niyang sinabing naku patayuan mo na ng bahay ‘yan at tumataas ang presyo ng materyales. Maghanda ka na din ng mga 2M.

Agad-agad ibinida ni Ka Roger sa amin kung magkano ang nagastos n’ya at kung gaano karaming kwarto at banyo meron siya.

Iyan, apat ang banyo niyan! Bawat kwarto may banyo! ika ni Ka Roger.

Nung marinig naming mag-asawa ‘yan, nagkatinginan kami at natawa. Sa isip ko, patay na, makakahanap ng katapat sa kwentuhan si Erpat.

At hindi nga ako nagkamali.

Tama ka naman, sabi ni Erpats kay Ka Roger. Mahirap kasi pag malaki pamilya mo tapos kaunti ang banyo. Nag-aantayan sa umaga. Kami nga tatlo na yung banyo, pinagawan ko pa sa labas ng isa pang paliguan lang. (Yung totoo, 2 lang banyo namin sa bahay + isang extrang paliguan ha ha).

Hindi na nakatiis pa si Ka Roger at inaya kami sa bahay para ipakita niya ito. Nagulat nga ako dahil perstaym pa lang namin nagkita pero talagang inaya niya kami sa kanilang bahay (pano kung modus operandi pala kami ha ha ha).

Infairness kay Ka Roger, maganda ang loob ng bahay niya pero hindi ko maisip kung paano nagkasya ang apat na kwarto sa 60sqm na lote plus parking pa, kahit pa 2 storey ito.

Ibinida ulit ni Ka Roger na malaki ang nagastos niya talaga noong unang batch ng pagpapagawa niya kasi iba yung kontraktor. Nakatipid daw siya ng kaunti nung yung anak na n’ya yung kontraktor.

At dahil naibida ni Ka Roger ang propesyon ng kaniyang anak, sa kung papaanong paraan ay naisingit naman ni Erpat na ako ay isang OFW.

Aalis na ‘yan uli sa Martes  pabalik ng Maldives, ika ni Erpats.

Ah ganun ba? Sagot ni Ka Roger. Saan ba yung Maldives?

At ako na ang nagpaliwanag dahil alam kong hindi alam ni Erpats kung nasaan ba talaga ang Maldives at nagpaalam na din ako dahil hindi matapos tapos ang pagbibidahan nila kung hindi kami aalis.

Pagkaalis na pagkaalis namin ay natawa ako ng malakas at sinabi kay Erpat, siguro Bisaya din yun, parehas kayong mayabang eh (no offense sa mga friends kong Bisaya – internal biruan lang namin yun ni Erpats).

Pero kahit na parehas medyo palabida si Erpats at si Ka Roger, natawa ako at natuwa dahil hindi dalawang mayabang na tao ang nakita ko sa kanila kundi dalawang amang parehas na ipinagmamalaki ang kanilang mga anak.

Para lang silang dalawang amang umattend ng recognition day ng mga anak na nagbibidahan kung kaninong anak ang nakatanggap ng mas maraming medal.

15 responses to “Banyo Kings”

  1. Ang sweet lang ni erpats mo huh. 😀

    Liked by 2 people

  2. That’s why when my parents bought our house here in the US, they saw to it we had no Filipino neighbors.

    Liked by 2 people

    1. ha ha…but back home I don’t really have a choice ha ha ha

      Liked by 1 person

      1. The deal with Filipino neighbors is this…. if you bought a 46 inch TV, they’d buy a 52 inch one…. if you bought a brand new Honda, they’d buy a BMW…. and more often than not, we don’t even know how they can even afford such materialism.

        Liked by 1 person

        1. Hahahaha that’s so true

          Like

  3. Uyyy..ako nga lupa sa kuko. Hihi! 😀

    Liked by 2 people

    1. Grabe naman yung lupa sa kuko hahahahah

      Liked by 1 person

  4. Hahaha! Normal lang sa magulang ang “ibida” ang anak syempre… lalo na pag pinaghirapan nila ang pagpapa-aral ng kanilang mga kids. Uy, sa maldives ka pala… saan nga uli ang maldives? Joke lang! Hehehe!

    Liked by 2 people

    1. Hahahahha oo nga Sir eh kaya masaya din ako sa pagbibida ni erpats haha….
      Sir naman…andito lang ang Maldives sa Indian Ocean hahahaha

      Liked by 1 person

      1. Hehehe! Akala ko, prutas yun. Joke only!

        Liked by 1 person

  5. Fathers be like 🙂

    Liked by 1 person

    1. You know it bruh haha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: