Palengke Chronicles 9: Spaghetti Strap

Lumapit sa akin si Buding kanina na kumakanta ng ay mas, ay mas, ay mas inkris may bas habang parang bibe na pinapagaspas yung pakpak.

Kako, ‘nak sa’n mo na naman natutunan ‘yan?

Kay Ate Sione po, sagot naman n’ya habang patuloy pa rin ang pagkanta ng ay mas inkris may bas.

Pati ba naman ehersisyong pampalaki ng boobs ay tinuturo nila Sione sa anak ko? At ano na naman bang pauso ito? Kaya naman para malaman ko, matapos mananghalian ay nakiusyoso ako kila Sione at sa mga girls dahil nag-uumpukan sila’t mukhang may bagong pinagkakaguluhan. Alam n’yo naman dito, napakabilis mauso ng mga bagay-bagay.

Nakita kong kumakanta si Sione ng ay mas inkris may bas habang parang bibe na pinapagaspas yung pakpak. Nagtatawanan namang nakikigaya yung ibang mga tindera. Pero may napansin din akong kakaiba kay Sione.

Lumapit ako sa umpukan ng mga girls.

Kako, hoy Sione, bakit naman nageehersisyo kayo ng ganyan sa harap pa ni Buding? Nakokopya tuloy.

Hindi ho namin siya tinuruan ah, siya lang yung gumaya na lang, sagot naman n’ya.

Yung anak ko pa ‘yong nasisi nila ‘no? Pero bukod pa d’yan, di ko talaga natiis na punahin ang suot ni Sione.

Kako, Sione aba at naka spaghetti ka ata ngayon?

Ngumiti lang si Sione at tinaas ang kanang kilay. Biglang nagsalita si Cheenee.

Ate Mertha, di mo ba napansing napakaputi ng kilikili ni Sione? Kaya nga keri na niyang mag spaghetti ngayon. 

Aba, napatingin ako sa kilikili n’ya at oo nga. Mala porcelana sa puti. Ano kayang ginawa niya?

At ano naman ang pinahid mo riyan para pumuti? Tanong ko kay Sione.

Ngumiti ulit siya at tinaas ang kanang kilay. Tawas lang ‘yan Ate Mertha,  ang sabi niya habang ginagalaw galaw ang balikat n’ya tulad sa commercial ni Alice Dixon habang sinasabi ang linyang I can feel it.

Asus, sagot ko habang nanliliit ang mata ko. Di ako naniniwala. Kahit pa tawas lang ang gamitin eh mangingitim ang kilikili kapag binubunutan ng buhok. Malamang may hokus pokus na ginawa itong si Sione.

I smell something fishy.

Minatyagan ko at ilang araw nga talagang puro mga de-spaghetti strap ang damit ni Sione. At talagang pinagtataasan niya pa ang kamay at braso habang nanuningkit ng mga panindang damit.

Sa isip-isip ko, malalaman ko din ang hokus pokus mo. Imposibleng tawas lang ang ipinahid mo.

Kinabukasan ay hindi pumasok si Sione dahil daw magbebeach sila sa Batangas at dalawang araw daw sila doon. Pinakita niya pa sa amin yung mga two piece na isusuot niya. Kaya pala nagpaputi ng kilikili at nagpapalaki ng boobs. Magtwo-two piece pala.

Hmmmm I smell something fishy. Muli ay nanliit ang mga mata kong katulad ng kay Maricel Soriano pag nagtataray.

Limang araw na ang nakalipas bago muling pumasok si Sione.

Naka long sleeve si Sione kahit sobrang init. At hindi na siya kumakanta ng ay mas ikris may bas.

Hindi ako nakatiis kaya nagtanong ako, oh Sione, asan na mga spaghetti mo? Bakit naka longsleeves ka?

Sagot n’ya eh, medyo na sunburn ho kasi ako. Sabay tumalikod na siya at nagtupi ng mga paninda. Duda pa rin ako sa sagot n’ya, kung na sunburn ang mga braso niya, bakit amputi pa rin ng mukha n’ya.

Hmmm, I smell something fishy. Muli ay nanliit ang mga mata kong katulad ng kay Maricel Soriano pag nagtataray.

Ilang araw pa ay hindi na naka longsleeves si Sione, naka tshirt na lang. Walang bakas ng sunburn ang mga braso n’ya.

Maya-maya ay nakita kong patakbo takbo si Buding at pari’t parito habang kumakanta ng ay mas inkris may bas, ng biglang may narining kaming tili. Hinanap namin kung saan nanggaling ang tili at nakita namin si Sione at ang anak kong nakatitig lang sa kanya at gulat na gulat dahil sa lakas ng tili niya.

Ansakit Buding, sabi ni Sione sa anak ko habang magkakrus ang mga braso niya at sapo ng mga kamay niya ang kilikili niya.

Nangingilid ang luha ni Sione kaya halatang nasaktan siya. Tinanong ko si Buding, kako, ‘nak anong ginawa mo? Bakit nasaktan si Sione?

Nikiliti ko lang kilikili n’ya eh, sagot naman ni Buding.

Wag mo na ulit gawin ‘yon, sabi ko kay Buding.

Isang hiwaga pa rin sa akin kung paanong pumuti ang kilikili ni Sione at kung bakit ayaw na niya itong ipakita ngayon at kung bakit ito masakit. Ano kaya ang nangyari?

Ilang araw pa ang nakalipas ay hindi na naungkat pa ang tungkol sa kilikili ni Sione at nakalimutan na ang kantang ay mas inkris may bas.

Isang matumal na hapon habang nakikipagkwentuhan sa akin si Cheenee, may isang mamang naglalako ng mga nail cutter, nipper at tawas. Inaalok ako ng mama ng super tawas pero hindi naman ako gumagamit no’n kaya itinuro ko si Sione para s’ya ang maalok tutal s’ya naman ang gumagamit ng tawas.

Natawa bigla si Cheenee. Tinanong ko kung bakit.

Hindi naman talaga gumamit ng tawas si Sione para pumuti yung kilikili n’ya.

Kako, eh naku, ganun ba? Gustong-gusto ko na malaman kung ano ba talaga ang sikreto ni Sione pero nagtitimpi lang ako at nagpapasimple. Inantay kong si Cheenee ang magkwento sa akin kahit atat na atat na ako sa chika.

Pinahidan n’ya ng Maxifeel yung kilikili n’ya kaya pumuti ora mismo. Kaso may problema, sabi ni Cheenee at huminto saglit at sinilip kung may ibang taong malapit sa amin na makakarinig.

Luminga linga kaming dalawa at lumapit ng kaunti sa akin si Cheenee at pabulong na sinabi, nasunog yung kilikili niya nung maligo s’ya sa dagat. Tumawa ng mahina si Cheenee matapos sabihin iyon.

Sinasabi ko na nga ba. I smelled something fishy. Muli ay nanliit ang mga mata kong katulad ng kay Maricel Soriano pag nagtataray.

14 responses to “Palengke Chronicles 9: Spaghetti Strap”

  1. What are MaxiFeel and tawas ?

    Liked by 1 person

    1. Hahaha Ren it is actually Maxi peel…the liquid whitening…something….used for the face…and tawas….ha ha…ancient version of deodorant…it looks like fine salt or some people said tawas looks like shabu haha

      Liked by 1 person

      1. Aysabaw, I noticed there were so many products with whitening ingredients in it. Can I assume Filipinos prefer white skinned people ? I guess if I’m there, I’d be what you call a morena , and nobody will get attracted to me, he he.

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha ALMOST all products has whitening ing…..of course everyone wants to be white skinned back there except a few (like me) lol

          and yes you are a morena haha

          Like

  2. Oh my goodness naman din talaga si Maxifeel ano. HAHA ayan kasi. 😀

    Liked by 1 person

    1. Hoy wag ka…may gumawa nyan sa tunay na buhay….hahahahahah

      Like

      1. HAHAHA sa tingin ko nga rin eh. Para may nabasa ako or napanood na video na inadvise niyang gumamit ng astringent para pampaputi ng kili-kili. 😀

        Liked by 1 person

  3. kawawang Sione!!! hahahaha. ako din adik sa pampaputi kaso di na ko tinatablan gawa ng lagi din akong bilad sa araw. hayyy.

    Liked by 1 person

    1. Hahaha ako naman matagal na sumuko sa pangarap na pumuti pa ang kilikili hahahahaha

      Like

  4. Yay! Finally dinala mo ulet kami sa palengke bro. Been sleeping under a rock di ko nalaman may Buding Chronicles entry ka na pala haha 🙂

    Liked by 1 person

    1. Hoy hahahah bruh natulog ka na sa pansitan hihihi

      Liked by 1 person

  5. Paki follow din po ako. Salamat

    Like

  6. […] Palengke Chronicles 9: Spaghetti Strap […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: