Kanina lang habang ako ay nakatambay sa palengke, nanakawan yung isang tindahan. Nagulat kami nung biglang tumakbo si mamang tindero (na may katandaan na) palabas ng tindahan niya. Hinabol niya pala yung mga magnanakaw.
Nakiusyoso naman ako sa mga pangyayari. Nakita ko ngang hanger na lang ang natira sa display ng kaawa-awang si Manong. Natangay ang t-shirt. Hinabol niya ang mga binatang kunwaring nagtitingin at nagtatanong ng presyo pero ng maabutan niya ang mga ito ay sila pa ang matapang na nagtaas ng mga kamay at nagsabing ”kapkapan mo pa kami wala kaming kinuha” dahil pinauna na nila ang repapips nilang may tangay ng t-shirt.
Matindi ang effort ng palengke gang na ito para makapangupit ng isang tshirt. Mula umaga pa pala ay nagmamatyag na sila at nagtatanong na kuno kay Manong ng presyo. Padaan-daan, pabalik-balik, nagyoyosi at patingin-tingin kuno sa iba pang mga tindahan.
Mga bandang hapon na sila dumale at talagang tyinempuhang sarado na yung katapat na tindahan ni Manong para walang makapansin.
Nakakapanggigil ang mga ungas na ito. Naturingang mga bata at malalakas pa ay ayaw magsipagbanat ng buto. May mga diskarte naman pero ginagamit sa kasamaan.
Nakakainis.
4 responses to “Eh Ayaw Nilang Magbanat ng Buto”
Nakakalungkot at nakakabv yung mga ganto. 😦
LikeLiked by 1 person
totoo, pero ang hirap gamutin ng sakit na ito
LikeLiked by 1 person
sigh…yun lang ang masasabi ko. i’ve also seen worse. yan din
LikeLiked by 1 person
Nakakalungkot lang
LikeLike