Walang Pamagat

Ikaw

Ang tinig

Na naririnig

Kapag ang mundo’y nangingimi

 

Ikaw

Ang katahimikan

Na nangingibabaw

Sa mundong magulo at puno ng digmaan

 

Ikaw

Ang ilaw

Na s’yang tanglaw

Sa gabi ng kadiliman

 

Ikaw

 

Ikaw na nand’yan

Kapag ako’y sumusuko na

Kapag lahat ng laban

Ay natalo na

Ikaw ang nagsasabing

Tama na

Pwede ka ring sumuko

May hangganan din ang iyong kalakasan

Ikaw na nand’yan

Pag ako ay napaligiran

Ng kahihintakutan

Kapag lahat ng luha

Ay wala ng mapaglagyan

Hindi ko kailangan

Na ako ay iyong protektahan

Ang kailangan ko lang

Ay marinig

Ang tinig mo

Na nagsasabing

Tahan na,

ang lahat ng ito ay mayroon ding hangganan

 

Author: aysabaw

Aysa is a stubborn island girl, drinking more than 3 cups of coffee a day, swimming with the reef sharks, turtles and parrot fishes almost everyday. If she is not reading her books, writing something comical, leaving rubbish comments on your posts or strumming her guitar, then she's up to some mischief.

8 thoughts on “Walang Pamagat”

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.