Hindi ko malaman
kung paano ilalarawan
At hindi ko maisip
Kung saan aapuhap
Ng tamang salita
o kaya ay tugma
na sasapat
sa iyong taglay
na katangiang patuloy
na sa aki’y
bumibighani
ang damdamin ko’y
lubos ang pag pagpuri
iyon lamang ang maaari
at ang aking pagtangi.
Araw- araw ako’y nagpupunyagi
Kapag nasisilayan kang maigi
Araw-araw
Umiibig
Umaasa
at umaasa pang muli
Na sana
sa pagdating
ng panibagong bukas
Ika’y masilayang muli,
at ika’y manatili.

I’d love to hear from you!