Indak

Sa saliw ng musika

At ihip ng malamig na hangin

Sa mainit na gabi

Dala ng walang katapusang tag-araw

Ako ay nahuhumaling

Sa aliw na hatid

Ng kumpas ng iyong malakandilang kamay

At pagikot ng katawan.

Paraluman ng pag-indak,

Anghel na nagdala sa akin ng galak.

 

Ang tunog ng tambol

Ng musika ng kalikasan,

Ng mga dahon at kuliglig,

Ay nagsasabing atin ang gabi.

 

Sa bawat ngiti

Halakhak

Pagtitig

Sa bawat paghawi ng buhok

At paghabol sa hininga

Sa saliw ng musika

Na dala ng tahimik na wika

Ng mga bituing maningning

Sa madilim kong kalawakan

Parang ayaw ko na

Ang gabi ay matapos pa

Parang ayaw ko na

Ang musika ay matapos pa

10 responses to “Indak”

  1. 😍😍😍 nakakainlaaaaab 💓

    Liked by 1 person

    1. Wahahaha 😄😄😄😄 hoy patatas…sinuplong mo ko kay laagan ah…nahanap na nya ko

      Liked by 1 person

      1. Hahahahahaha…hindi ha.. Dakila lang talaga siya magaling maghanap. Bwahahahaha

        Liked by 1 person

        1. Aba eh napakadakila naman 😃😄😄😄

          Like

    1. Haha salamat…dadalaw ako sa site mo soon…kuracha lang talaga as of now…..😄😄😄

      Liked by 1 person

      1. Naku kering keri. Namimiss ko ang Maldives sa Insta. Hahaha.

        Liked by 1 person

        1. Ha ha ha kahit insta di na ko makapagpost hahahaha

          Liked by 1 person

  2. Indak. Uso sa club namin yan. hahaaa. Nice work bro. Pag di ka na busy post ka ng mga funny anecdotes mo jan okay? Have a great day 🙂

    Liked by 1 person

    1. ha ha malamang pati ikaw ay napapaindak…ha ha ha..kelangan kong ayusin buhay ko este sked ko pala para makapagsulat LOL

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: