Habang ang mundo’y nahihimbing
Di na kita gigisingin
Pagka’t luha ay aanhin
Umaga’y pangitiin
Isang dipa ang bitbit
Buong buhay nakasabit
Hahawakang mahigpit
Larawan mo aking kapit
Kung ang paglaya mong minimithi
Sa paglisan ko makakamit
Hayaan mo
Liparin ko ang langit
Sa bawat hakbang palayo
Humihikbi ang langit
Pangarap mo’y aabutin
Lahat ay aking kakayanin
Sa pagsapit ng gabi
Sa mga tala sumisilip
Hahaplusin ang iyong pisngi
Kahit sa panaginip
***
Isang orihinal na komposisyon. Pakinggan dito
I’d love to hear from you!