Mundong hindi patas, maraming tanong at mga sagot at ang mga henyo sa social media

“She has been there for less than a month, and now she’s coming home in a coffin,” policy center president Susan Ople said in a statement. “We cannot just brush her death aside, as just another news report, or an added number in an endless string of welfare cases.” – Article here.

Siguro naman, kung matagal na kayong naliligaw sa aking blog, alam na alam niyo na siguro ang stand ko pagdating sa pagpapadala ng mga kababayan natin para maging kasambahay sa Gitnang Silangan lalong lalo na sa Saudi. Ilang beses na ako nagpost tungkol dito. Sa mga kababayang napapahamak, sa mga organisasyon sa Pinas na hinihimok pa ang mga Pinay na maging kasambahay sa ibang bansa at yung mga labor attache pa mismo na umaabuso sa mga kababayan nating humihingi ng tulong.

May nabalita na namang kababayan natin na dumating sa Riyadh nung 28 ng July, at wala pang isang buwan ay ginahasa ng amo, naconfine, at tuluyang binawian ng buhay nung atakihin sa puso matapos makita ang amo niya sa ospital. So obviously, matinde-tinde ang pang-aabusong ginawa sa ating kababayan.

Pagpapadala ng mga kababayan para maging DH sa Saudi

Kung ako ang tatanungin, kung ako lang naman, alam ko na wala akong karapatan dahil di naman ako opisyal ng gobyerno at hindi naman ako naging kasambahay, pero kung ako lang naman, tutol ako sa patuloy na pagpapadala ng mga Pinay para maging DH sa Saudi o sa gitnang silangan. Hindi naman na lingid sa ating kaalaman kung gaano na karami ang mga kasambahay na naabuso sa gitnang silangan.

Nagkakaroon ba ng hustisya yung mga Pinay na umuwi ng bangkay?

Sa gitnang silangan, pinoprotektahan nila yung mga Arabo lalo na sa Saudi. Hindi ko alam kung gaano karaming Pinay ng nabigyan ng hustisya at hindi nabaliktad. Parang masakit lang sa kalooban kung malalaman natin ang tunay na statistics nung mga nabigyan ng hustisya vs hindi nabigyan ng hustisya. Hulaan niyo na lang kung aling diyan sa dalawa ang may mas mataas na bilang.

Palitan daw ang mga tauhan sa Embahada

Solusyon ba talaga ito?

Walang kikitain ang ilang mga ahensya pag pinatigil ang pagpapadala ng mga DH sa Middle East kaya maraming hindi papabor sa ideyang ito.

Kasi sa processing pa lang ng papers at pagpapamedical at agency fees andami nang kumikita. Tututol ba sila sa pagpapadala ng mga kababayan natin? Pakelam pa nila kung anong mangyari sa mga kabayan natin eh kung bayad na sila sa mga agency fees?

Hindi Fair kung pipigilan natin ang mga kababayan na umalis para magkasambahay sa Gitnang Silangan. Bakit mga propesyonal lang ang papayagan mangibang bansa? Wala bang fair chance yung mga ibang kababayan natin para mangibang bansa? Eh kung ang kaya lang nila ay maging kasambahay, bakit hindi papayagan?

Kung yung mga propesyonal ngang kababaihan sa Gitnang Silangan nababastos pa habang naglalakad sa kalsada, paano pa kaya yung mga nakatira sa bahay ng mga amo nila? May ibang bansa pa namang pwede nilang puntahan. Baka pwede namang alisin na ang gitnang silangan, o kahit Saudi na lang sa listahan ng mga pagpapdalhan natin ng mga kababayan natin.

Marangal ang maging kasambahay

Marangal po talaga at taas noo ako sa mga kababayan nating kasambahay. Pero sana isipin din natin na hindi lang yun ang dapat iconsider dito, yung safety din nung tao.

One off Incident Lang Yan

Matatawag bang one off incident ang mga ganito? Marami daw kasing yumaman sa pagiging kasambahay. Marami naman talaga, yung mga nagkasambahay sa Europa, sa Canada at sa Amerika. Meron din namang yumaman sa Gitnang Silangan, yung mayordoma ng isa sa mga Sheikha (Prinsesa) ng Dubai.  At marami naman daw mga kasambahay ang napabuti ang lagay sa ibang bansa.

Pero kung sa nanay mo o kapatid mong babae nangyari ‘yan. Kung may isang daang kasambahay sa gitnang silangan at yung siyam na pu’t siyam ay safe and sound habang yung isang naabuso ay yung nanay mo o kapatid mong babae, papayag ka bang masabihan na one off incident lang iyan?

Social Media

Sa bawat isyung lumalabas, maraming mga henyo ang naglalabasan sa social media. Isa sa mga pinakamatinding opinion na nakita ko ay  ‘kung wala daw bang gagawin tungkol dito sa kasong ito si Pres. Duterte. Puro drugs lang daw ba ang aatupagin niya?’ Kayo na ho ang humusga.

Meron pang isang opinyon na, Wag niyong isisi sa pangulo ang pangbabastos ng mga ibang lahi sa mga pinay na andito sa ibang bansa po!!!!! Tingnan ninyo kapag makasuot ng mga damit wagas….Ayan ang isang sinabi noon ng pangulo wag magsuot by damit na halos kita na lahat Lalo na pag lalabas k – clap clap clap. Ang husay ng reasoning.

 

Kung ako ang tatanungin, hindi pa rin magbabago ang stand ko sa isyu na ito. Tutol ako sa pagpapadala ng mga kababayan para maging DH sa Gitnang Silangan lalo na sa Saudi. Pero dahil ang boses ko ay boses ko lang naman at hindi kumakatawan sa karamihan, wala akong magagawa kundi mag rant dito sa mumunti kong blog.

12 responses to “Mundong hindi patas, maraming tanong at mga sagot at ang mga henyo sa social media”

  1. Sa kahirapan ng paghanap ng trabaho sa ‘Pinas, nagre-resort sa trabahong hindi angkap sa kanilang edukasyon at training ang marami nating kababayan. Masaklap na sitwasyon talaga! Bukod sa long-range wish na sana’y dumami ang local job openings, kailangan din dagdagan natin ang “amor-propio,” o mataas na regard sa sarili.

    Minsan ay namamasyal ako sa Greece kasama ang kaibigan kong Amerikana. May nakausap akong Pinay sa downtown Athens. Tanong niya sa akin kung amo ko raw ba iyong kasama kong puti. Sinermunan ko siya. “Hanggang diyan lang ba ang kaya nating trabaho? May graduate degree ako, at mas mayaman pa ako diyan sa kasama ko!” Tiklop ang gaga. (Sorry for my language; nakaka-inis kasi ang attitude.)

    Liked by 3 people

    1. Yun nga po ang problema. Walang masyadong local jobs din. Sana kung meron kahit maliit lang ang sweldo…at least hindi kelangan magpunta sa ibang bansa ganung hindi naman din kalakihan ang sweldo ng mga DH sa Saudi, prone pa sila sa pangaabusong sexual at pisikal.

      At tama po kayo, yung mga iba pag nakita lang na may kasama tayong puti, akala agad amo sila at tayo ang chimiaa.

      Like

  2. Naku naku naku marami talagang keyboard warriors na nagkalat lalo sa FB. E di meow 😺

    Liked by 2 people

    1. ha ha ha edi meow :p

      Liked by 1 person

  3. Dapat mabasa to ng DFA. Nakakalungkot minsan, ang daming bumabalik ng Pinas pero bangkay na ang dumadating sa kani kanilang tahanan.

    Liked by 1 person

    1. Hay Lai…alam naman na nila yan…pero hindi malaman kung anong aksyon ang ginagawa

      Liked by 1 person

      1. Sana nga ngayong time ni Tatay Digong maaksyunan na

        Liked by 2 people

  4. Sana itigil na lang, Aysa…Nag-aapoy ang puso habang binabasa ko to Aysa. At napapamura talagao ako…T*** I**, wag na ngang magpadala ng mga kababayan natin dito para mag-DH. Wag na!

    Liked by 1 person

    1. hay, what else can we say? alam na alam mo ang sitwasyon dyan…

      Like

  5. Haha, parang gusto ko na maging kasambahay. Lol.. Pa-follow naman ng isa ko pang blog: https://dreamsparksstaffingservices.wordpress.com/ .. Mwuaahh…Take care!!

    Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: