Bawat pamilyang Pinoy ata ay may kamag-anak na OFW.Β At kung titingnan ang kasalukuyang henerasyon, halos lahat ng mga kabataan na nasa edad 22 pababa, mga fresh grad, nasa college hanggang elementary ay sinuportahan ng mga magulang o kapatid na OFW. (Grabe, umimbento ng sariling survey).
Ang problema sa henerasyon ito, masyado silang napamper. Lahat ng luho ay naibibigay. Hindi nila kailangan pumila sa school registrar para magpapirma ng promisory note o hindi nila kailangang maglumuhod sa ibaβt ibang ahensya para lang mabigyan sila ng iskolarship. Bayad ang tuition on time at malaki ang baon nila dahil kaya naman silang bigyan nung mga sumusuporta. Imported lahat ng gamit at gadget. All the way ang luho.
Isa pang problema sa mga batang ito, porket hindi sila nahirapan sa paghingi sa mga magulang na OFW, akala nilaβy hindi rin pinaghirapan ang pagkita sa perang ito. Nagkakaroon sila ng nosyon na madali lang kumita sa ibang bansaΒ kaya’t ang nais nila pagkatapos mag-aral ay mag-abroad din.
Isang babae ang aking nakausap na dalawang buwan pa lamang nangingibang bansa. Gusto na niyang magresign sa kasalukuyang kumpanya at lumipat sa ibang kumpanya.
Ang babaeng ito ay lumaki sa marangyang buhay na ibinigay ng ama nilang seaman, at sa suporta ng kuya nitong OFW.
Nanawagan siya sa akin kung maaari ko daw ba siyang ipasok sa aming kumpanya dahil daw may mga isyu siyang kinakaharap sa kasalukuyan niyang kumpanya.
Sinagot ko siya. Magtiis ka muna diyan dahil sisiguraduhin ko sa iyong kung ano ang naeexperience mo dyan ay maeexperience mo din sa ibang lilipatan mo. Same shit, different place lang βyan.
Natawa ako sa sagot niya. Ate, I doubt. Kasi sa **** hotel sa Pinas ay hindi ko naranasan ito.
Sa hotel na sinasabi niya ay isa lamang siyang trainee kaya siguro Β hindi siya nagkaroon ng kung ano-anong isyu.
Gusto ko sanang maging sarkastiko pero bilang nakatatanda ay naisip kong suportahan na lang siya at imotivate.
Sinabihan ko siyang magtyaga. Believe me, kako, Iβm talking about 10 years of experience here. Β Hindi ko sinabi ‘yan upang magyabang kundi upang malaman niya Β na alam ko kung ano ang sinasabi ko dahil naranasan ko na rin ang mga nararanasan niya at hindi upang i-down lang siya lalo.
At parang nainis pa siya na imbes na tulungan ko siyang makaalis sa kasalukuyang kumpanya niya ay nakarinig pa siya ng payo na alam kong ayaw niyang marinig.
Hindi ko alam kung ano ba ang ineexpect ng isang taong gustong mag-abroad. Hindi yata malinaw sa maramiΒ na nag-aabbroad sila para magtrabaho at hindi para magbakasyon. Β At kasama sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay ang mga isyu sa trabaho at sa personal na buhay at ang hindi madaling pag-aadjust sa kultura ng ibang bansa at ganun din sa mga local na naninirahan doon.
At dahil hindi ko na laam kung ano pa ang sasabihin dahil alam kong naiinis na siya, sinabihan ko na lang na, welcome to the real world!
I’d love to hear from you!