Ang Problema Kasi…

Bawat pamilyang Pinoy ata ay may kamag-anak na OFW.  At kung titingnan ang kasalukuyang henerasyon, halos lahat ng mga kabataan na nasa edad 22 pababa, mga fresh grad, nasa college hanggang elementary ay sinuportahan ng mga magulang o kapatid na OFW. (Grabe, umimbento ng sariling survey).

Ang problema sa henerasyon ito, masyado silang napamper. Lahat ng luho ay naibibigay. Hindi nila kailangan pumila sa school registrar para magpapirma ng promisory note o hindi nila kailangang maglumuhod sa iba’t ibang ahensya para lang mabigyan sila ng iskolarship. Bayad ang tuition on time at malaki ang baon nila dahil kaya naman silang bigyan nung mga sumusuporta. Imported lahat ng gamit at gadget. All the way ang luho.

Isa pang problema sa mga batang ito, porket hindi sila nahirapan sa paghingi sa mga magulang na OFW, akala nila’y hindi rin pinaghirapan ang pagkita sa perang ito. Nagkakaroon sila ng nosyon na madali lang kumita sa ibang bansa kaya’t ang nais nila pagkatapos mag-aral ay mag-abroad din.

Isang babae ang aking nakausap na dalawang buwan pa lamang nangingibang bansa. Gusto na niyang magresign sa kasalukuyang kumpanya at lumipat sa ibang kumpanya.

Ang babaeng ito ay lumaki sa marangyang buhay na ibinigay ng ama nilang seaman, at sa suporta ng kuya nitong OFW.

Nanawagan siya sa akin kung maaari ko daw ba siyang ipasok sa aming kumpanya dahil daw may mga isyu siyang kinakaharap sa kasalukuyan niyang kumpanya.

Sinagot ko siya. Magtiis ka muna diyan dahil sisiguraduhin ko sa iyong kung ano ang naeexperience mo dyan ay maeexperience mo din sa ibang lilipatan mo. Same shit, different place lang ‘yan.

Natawa ako sa sagot niya. Ate, I doubt. Kasi sa **** hotel sa Pinas ay hindi ko naranasan ito.

Sa hotel na sinasabi niya ay isa lamang siyang trainee kaya siguro  hindi siya nagkaroon ng kung ano-anong isyu.

Gusto ko sanang maging sarkastiko pero bilang nakatatanda ay naisip kong suportahan na lang siya at imotivate.

Sinabihan ko siyang magtyaga. Believe me, kako, I’m talking about 10 years of experience here.  Hindi ko sinabi ‘yan upang magyabang kundi upang malaman niya  na alam ko kung ano ang sinasabi ko dahil naranasan ko na rin ang mga nararanasan niya at hindi upang i-down lang siya lalo.

At parang nainis pa siya na imbes na tulungan ko siyang makaalis sa kasalukuyang kumpanya niya ay nakarinig pa siya ng payo na alam kong ayaw niyang marinig.

Hindi ko alam kung ano ba ang ineexpect ng isang taong gustong mag-abroad. Hindi yata malinaw sa marami na nag-aabbroad sila para magtrabaho at hindi para magbakasyon.  At kasama sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay ang mga isyu sa trabaho at sa personal na buhay at ang hindi madaling pag-aadjust sa kultura ng ibang bansa at ganun din sa mga local na naninirahan doon.

At dahil hindi ko na laam kung ano pa ang sasabihin dahil alam kong naiinis na siya, sinabihan ko na lang na, welcome to the real world!

49 thoughts on “Ang Problema Kasi…

  1. Yon ang problems ngayon kasi Hindi naalintana ng nakakarami Saan galing ang kanilang luho. Subalit, Hindi ko kailan man naranasan ang magkaruon ng luho nong akoy nagaaral pa lamang pero nagpapsalamat ako kasi lumaki akong marunong sumikap sa buhay. Back to OFW life, I don’t know if I have right to speak kasi wala akong experience on that. In my own opinion, we go abroad or dito tayo sa pinas, same naman siguro na dapat mag sikap stay work ng todotodo. Ang naka diperensya lang siguro ay ang sahod at ang malayo ka sa pamilya. Kong ako sa kanya, sanayan nya nalang ang sarili nya sa kong anong trabaho na meron sya ngayon.

    Liked by 1 person

    1. Maswerte tayo na nakaranas na walang luho at natutong magsumikap.

      Lai, merong difference ang pagtatrabaho sa abroad at sa Pinas. Bukod sa sweldo at sa pagiging malayo sa pamilya, major issue ang pagaadjust sa kultura at sa mga tao. Minsan ang issue ng mga ofw ay hindi naman yung bigat ng work kundi yung hirap sa pakikisama sa iba’t ibang nationality lalo sa mga first timer 🙂

      Iba rin yung experience na pag nasa Pinas ka, kahit sobrang pagod galing work ay may dadatnan kang pamilya na sa ibang bansa ang dadatnan mo ay kwartong walang laman 🙂

      Like

  2. Dugtungan natin ng karagdagang isyu ang topic tungkol sa dalahin ng OFWs. Bakit matapos tulungan pag-aralin ang mga kapatid, pati anak nila ay gustong ipa-karga sa balikat ng nasa abroad? Wala na bang katapusan ang pagpasa ng obligasyon ?

    Liked by 1 person

  3. Ako, OFW baby pero hindi ako pampered kasi luring ang parents ko tsaka apat kami nag-aaral noon.
    Anyway, some lessons are best learned by experiencing them. Then you can say, “I told you so!” 😝

    Liked by 1 person

          1. nakakapanibago rin, parang hindi ko rin alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Sabagay kasi, noong umuwi ako, may baon akong sangkaterbang mga tao (iyong mga anak ko at asawa ko) na walang kamalay-malay sa buhay natin sa Pilipinas.

            Liked by 1 person

  4. NagpaSWS survey ka ba at may statistics nang laman ang post mo? Hahaha

    Ang saklap beh. Kapag talaga andito ka at ikaw mismo nakakaranas first hand, dun mo lang maiintindihan ang lahat.

    Liked by 1 person

  5. Galing mo mag-advise, Kapatid. Naalala ko tuloy nung nag-uumpisa pa lang ako. Halos mapaiyak ako sa pressure kasi 24 managers ang kailangan kong i-assist. Nung nasa Office of the Solicitor General kasi ako eh 1 boss lang ang pinagsisilbihan ko. Lalo akong napanot tuloy dahil diyan at muntikan na rin akong umuwi. Pero may tulad mo dito na nagtiyagang mag-advise.

    Dr. Job na tawag ko sayo ngayon. 😉

    Liked by 1 person

    1. wahahaha alin ba dyan ang advise? yung same shit, different places? ahaha

      Iba naman kaso mo Sir, kahit ako kung 24 managers ang i-aassist ko baka maiyak nako niyan…pero kung ang isyu lang naman kung bakit gustong umalis ng isang tao sa company ay dahil lang nachismis siya, hindi katanggap tanggap haha

      hindi bagay ang Dr. Job lol

      Like

  6. Napakatotoo niyan! Hindi man ako OFW, nakikita ko yung ibang nangingibang bansa na nasisilaw sa laki ng sweldo. Hindi rin kasi minsan naeexplain o nadedetalye sa kanila ang hirap. Na ang kagustuhan nilang magabroad e ganun din kagrabe ang kagustuhan ng mga OFW na umuwi. Akala nila madali at oo nga malaki ang sweldo pero sobra sobra din naman dapat ang kayod para makasweldo ng ganun. Kaloka!

    Liked by 1 person

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s