Hindi sa lahat ng panahon, tayo ay pinagpapala. Pero ganun talaga. Weder weder lang ‘yan.
Kung gaano nagcocoordinate ang kanan at kaliwang kamay ko sa pagtipa ng gitara ay ganung hindi nagcocoordinate ang mga paa ko sa pagsayaw.
Niyaya ako ni Diana na magzumba dahil kailangan daw niyang magpapayat. Pumayag naman ako dahil wala din akong exercise dito maliban sa paminsan-minsang pakikipaghabulan sa mga sapsap.
Mahilig din naman talaga si Diana magsayaw at talagang magaling siya kaya nagmumukha lang akong troll sa likod n’ya. Paboritong paborito niya ang Trumpets at sadyang napapalaban talaga ako sa Trumpets na ‘yan.
Dahil hindi ko magets yung ibang steps, pinapalitan ko yung steps ng running man dahil yun lang ang kaya ko.
Naalala ko tuloy nung grade 5 ako, nung kasagsagan ng pagsasayaw ng mga kanta ng BSB at Hanson at NSync at nakikisali din ako, uso eh. Sinabihan ako ng kaklase kong si Sheena na – ‘Aysa, pang folk dance ka lang.’
Masaket beh.
Kaya mula noon ay nawalan na talaga ako ng interes sa mga sayawan na iyan.
Pero yung totoo, meron bang folk dance na zumba? Kasi kung meron, baka dito ako mag-excel.
Meron din namang zumba dance na madali lang gayahin ang steps tulad na lang ng Daddy ni Psy na napakaraming talon kaya talon lang ako ng talon at mukha akong tipaklong at ang pinakapaborito kong Material Girl na talagang panalong panalo sa akin ang steps.
Kaya para sa mga tulad kong gusto mag zumba pero hindi magaling sumayaw, mag Material Girl na lang kayo.
Hingal na hingal si Diana bukod sa hataw na pagsasayaw ay dahil sa pagtawa sa mga troll steps ko.
#TiisGanda #ParaKayDiana

PS. di ako makapagsulat masyado kaka-troll
PS ulit. Gusto pa ni Diana mag Twerk It Like Miley. (Me: bigti)
Videos by LiveLoveParty.TV
I’d love to hear from you!