Don’t Touch My Birdie
Tuwing lumalangoy ako sa hapon ay nakikipaghabulan sa’kin ang mga sapsap na masarap sigangin. Pag wala naman ako sa tubig, maliliit na parrot naman ang humahabol sa akin.
Pakalat-kalat lang ang mga mini parrots dito sa amin. Minsan puti, minsan makulay. Dahil socialites ang mga parrots na ito, meaning, mahilig silang makihalubilo sa mga tao at palaging nakikipaglaro, naisip kong subukang patungtungin ang isang puting parrot sa aking kamay at kako, ‘picturan nyo naman ako para masaya.‘
Hindi ko akalaing clingy pala ang parrot na ito. Dumapo siya sa hintuturo ko at unti-unting lumakad paakyat sa aking braso at ng hindi n’ya na napigilan pa ang kagustuhang mapalapit sa akin ay lumipad na siya papunta sa akin at ako naman ay halos mamatay sa sindak si Barbara. Nagulat ako at nagtatatakbo. Feeling ko gusto n’ya lang pumatong sa balikat ko kaso lang ay hindi ako ready kaya nagulat ako. Hindi naman n’ya kasi ako ininform.
Kaya habang nagkakape ang mga staff sa aming canteen nung hapon na iyon ay nagkaroon ng sudden entertainment dahil sa habulan namin ng puting ibon na ito na mala Meteor Garden. Yung ibon si Xan Cai, ako yung bus na sinasakyan ni Dao Ming Xi.

Shaolin Soccer
Kahit ilang ulit ko na ito napanood ay panalong-panalo pa rin ito sa akin pero habang tumatagal ay nagkakaroon ako ng iba’t ibang pang-intindi sa palabas. Syempre, iba naman ang pangunawa ko nung una ko itong napanood kesa ngayon. Ngayon ko lang napansin sa palabas na ito ang mga taong eksperto sa pag-asa.

The Intern
Isa ito sa mga palabas na hindi ko papanoorin sa big screen, well, parang kahit online, hindi ito isa sa mga pag-iinteresan kong hanapin. Pero nung nagbukas ako ng TV kamakailan ay ipinalabas ito at pinanood ko naman.
Nalungkot ako sa palabas na ito.
Nalungkot ako na mag-isa na lang si Ben sa pagtanda. Nalulungkot ako habang inaantay niyang matapos si Jules sa trabaho at nung umpisa na wala siyang ginagawa dahil hindi siya ineemail ni Jules.
Basta nakakalungkot ang palabas na ito.

Duck Face at Rubber Duckie
Pwede ba? Sinong isa’t kalahating hindi matino ang sasakay sa rubber duckie habang nasa dagat? Kahapon lang ay may muntik na makarating sa kalagitnaan ng Indian Ocean dahil sa kabulastugang ito.
Isa pa sa mga kabulastugan ang pagduduck face sa litrato na huwag na huwag mo na uulitin please.

Gumamela at Saging
Isa sa mga hindi ko maintindihan sa mga pangyayari dito sa isla ay kung papaano namulaklak ng gumamela ang puno ng saging? Parte ba ito ng climate change? Kung hindi, ay sino ang may kagagawan nito?
Leave a Reply to renxkyoko Cancel reply