Kung Anu-Ano Lang

Don’t Touch My Birdie

Tuwing lumalangoy ako sa hapon ay nakikipaghabulan sa’kin ang mga sapsap na masarap sigangin. Pag wala naman ako sa tubig, maliliit na parrot naman ang humahabol sa akin.

Pakalat-kalat lang ang mga mini parrots dito sa amin. Minsan puti, minsan makulay. Dahil socialites ang mga parrots na ito, meaning, mahilig silang makihalubilo sa mga tao at palaging nakikipaglaro, naisip kong subukang patungtungin ang isang puting parrot sa aking kamay at kako, ‘picturan nyo naman ako para masaya.

Hindi ko akalaing clingy pala ang parrot na ito. Dumapo siya sa hintuturo ko at unti-unting lumakad paakyat sa aking braso at ng hindi n’ya na napigilan pa ang kagustuhang mapalapit sa akin ay lumipad na siya papunta sa akin at ako naman ay halos mamatay sa sindak si Barbara. Nagulat ako at nagtatatakbo. Feeling ko gusto n’ya lang pumatong sa balikat ko kaso lang ay hindi ako ready kaya  nagulat ako. Hindi naman n’ya kasi ako ininform.

Kaya habang nagkakape ang mga staff sa aming canteen nung hapon na iyon ay nagkaroon ng sudden entertainment dahil sa habulan namin ng puting ibon na ito na mala Meteor Garden. Yung ibon si Xan Cai, ako yung bus na sinasakyan ni Dao Ming Xi.

DSC04436
type na type akong habulin ng ibon na ito

Shaolin Soccer

Kahit ilang ulit ko na ito napanood ay panalong-panalo pa rin ito sa akin pero habang tumatagal ay nagkakaroon ako ng iba’t ibang pang-intindi sa palabas. Syempre, iba naman ang pangunawa ko nung una ko itong napanood kesa ngayon. Ngayon ko lang napansin sa palabas na ito ang mga taong eksperto sa pag-asa.

image: giphy.com

 

The Intern

Isa ito sa mga palabas na hindi ko papanoorin sa big screen, well, parang kahit online, hindi ito isa sa mga pag-iinteresan kong hanapin. Pero nung nagbukas ako ng TV kamakailan ay ipinalabas  ito at pinanood ko naman.

Nalungkot ako sa palabas na ito.

Nalungkot ako na mag-isa na lang si Ben sa pagtanda. Nalulungkot ako habang inaantay niyang matapos si Jules sa trabaho at nung umpisa na wala siyang ginagawa dahil hindi siya ineemail ni Jules.

Basta nakakalungkot ang palabas na ito.

image: zeenews.india.com

 

Duck Face at Rubber Duckie

Pwede ba?  Sinong isa’t kalahating hindi matino ang sasakay sa rubber duckie habang nasa dagat? Kahapon lang ay may muntik na makarating sa kalagitnaan ng Indian Ocean dahil sa kabulastugang ito.

Isa pa sa mga kabulastugan ang pagduduck face sa litrato na huwag na huwag mo na uulitin please.

image: http://www.poolspanews.com

 

Gumamela at Saging

Isa sa mga hindi ko maintindihan sa mga pangyayari dito sa isla ay kung papaano namulaklak ng gumamela ang puno ng saging? Parte ba ito ng climate change? Kung hindi, ay sino ang may kagagawan nito?

20160803_095104

 

81 thoughts on “Kung Anu-Ano Lang

    1. Hihihihi someone was riding a rubber ducky here at the beach and was taken away by the waves….a bit far…so there was panic here a few days ago….i mean…rubber duckies are meant for pools and tubs….

      Liked by 1 person

  1. Ahahaha napatawa mo ko sa mga anecdotes mong mga to lalo na sa kung sinuman yung muntik mapadpad sa gitna ng Indian ocean. Turista ba ito? Nakakatakot!

    Nakakaaliw rin ang mga parrots. Habulin ka talaga ng iba’t-ibang hayop. Good thing daw yan! Ibig sabihin mabuti kang tao! Trust in animal instincts haha!

    Lately ko lang rin napanood yung The Intern. Totoo nakakalungkot sa umpisa haha pero ako naman natuwa kasi sa huli nagkaron sila ng magandang friendship ni bossing anne and nabigyan purpose pa rin yung buhay ni De Niro bilang yun naman ang hanap nya dahil retired na siya. Parang mga lola lang na di mapakali sa bahay, gusto laging may ginagawa.

    Like

    1. Wahahahaha oo turista ang mga muntik na tangayin sa kalayuan LOL

      Akala ko kaya ako habulin ng hayop dahil kaamoy ko sila wahahahaha mas gusto ko na yung animal instincts kesa kaamoy ko sila lol

      Ewan ko ba parang lungkot na lungkot ako sa movie na yan ni Robert De Niro, magaling siguro kasi umarte ha ha ha…pero true…yung mga tumatanda naghahanap lagi ng gagawin at parang laging aligaga ha ha

      Ui try mo lang panoorin yung shaolin soccer…masyado siyang entertaining para sakin ha ha…parang kahit alam ko na yung joke tatawanan ko pa din hahaha

      Liked by 1 person

  2. Naiimagine ko pa rin yung turista haha! Natatawa pa rin ako. Usung uso kasi floaties pero ngayon lang ako nakakita ng rubber ducky ang kyot haha!

    Haha grabe di ko naisip yun ah sa amoy pala nagkasundo! haha!

    Totoo!! Ang galing kasi ang realistic ng pag-arte nila. Naawa rin ako sa kanya buti na lang mababait yung ibang bagets na interns.

    Gusto ko yan, yung nakakatawa. Nakikita ko lang yung OA na pagsipa nila sa bola kaya naaliw ako saglit. Panoorin ko nga!

    Liked by 1 person

    1. Hahahahah at hulaan mo kung ano ang nationality ng turistang itech….lol nagpa blind item

      Amoy isda na yata ako kaya hinahabol ng ibon hahahaha…

      Uu magaling lang siguro talaga si Robert de Niro

      Actually yungpagka OA ng shaolin soccer yung nakakatawa 😂😂😂😂

      Liked by 1 person

  3. HAHAHAAHHAH buti kapa kahit parrot hinahabol ka — and yes, nakakatuwa padin panoorin yung shaolin soccer, naalala ko bigla un bakla na nagayos sa babae tapos pinahiran sya ng kulangot. lol sorry

    Liked by 1 person

          1. Grabe. Pangarap ko pa namang magpunta sa Maldives, pero kung ganyan lang din ang epekto sa mga nagpupunta diyan, maghahanap nalang ako ng Pokemon dito sa Pilipinas.

            PS. Anong nahithit mo? WAHAHAHAAHAHAHA

            Liked by 1 person

          2. WAAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA

            Maraming puno ng saging na namumunga ng gumamela dito….pero hindi ko alam kung mabango ba ang gumamela dahil hindi ko ito inaamoy. Pero maraming dahon dito na kulay green at marami ring seaweeds.
            At wala kaming mahuling pokemon dito. 😂😂😂😂😂😂😂😂

            Liked by 1 person

          1. You can lose your wallet but not that kakulitan. Am just fine, been busy hibernating lol, jk, work and daddy duties, this weather is just crazy goood, except for the flooding. Jan ba? is it summer all year round? 🙂

            Like

          2. Hahahahha korek….

            Mas naniniwala ako sa hibernating kesa sa work lol….balita ko nga baha dyan

            May monsoon season din dito bro…june to august…pero after 15mins of rain…aaraw na ulit hahahaha…ang pinakamalala ko lng na nakita ay umulan ng isa o dalawang buong araw…then the next day parang walang nangyari…summer na uli haha

            Like

          3. Grabe ka sakin, masipag kaya ako. haha. Dito mejo maulan lagi, parang London lang ang trip ng panahon dito haha and btw, that’s what I thought, summer all year round sa Maldives. So walang baha jan kundi yung dagat lang right? haha, malaki pala ang baha jan.

            Liked by 1 person

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s