Kapeng Barako

Halos hindi mainom

Hindi lang dahil sa init

Kundi dahil din

Sa taglay na pait

 

Asukal at gatas

Kaunti pa

Hanggang sa makuha

Ang tamang timpla

 

Hanggang sa kaya na

Hanggang masanay na

Hanggang ang pait

Ay parang tamis na

 

Hanggang sa kalaunan

Ay ayaw mo na

Dagdagan pa

Ng gatas at asukal

 

Dahil ang pait

Ay naging tamis na

Dahil ang pait

Ay hinahanap-hanap na

 

Na ang dati’y hindi mainom

Dahil sa init at pait

Ngayo’y inaasam na

Sa umaga at sa tuwi-tuwina.

 

***

Migraine + extra dose of caffeine = X

31 responses to “Kapeng Barako”

  1. namiss ko tuloy uminom ng kape 😀

    Liked by 1 person

    1. Tara kape tayo haha

      Liked by 1 person

      1. Kaya nga namiss ko huhu kasi hindi na ako umiinom huhu

        Liked by 1 person

          1. ang puso ko kasi hahahahaha

            Liked by 1 person

          2. kala ko dahil sirena ka hahahaahha

            Liked by 1 person

          3. ahahahahahahahahahahahahaha. meron bang kumakape na sirena?

            Liked by 1 person

          4. Kala mo lang wala. Pero meron meron meron! 😂😂😂😂 korny 😬😬😬😬

            Like

          5. 🌽🌽🌽

            Liked by 1 person

  2. aww. sarap mag-kape!! pero pag ako gusto ko matamis at creamy! hehe saka decaf, lumalakas kabog ng dibdib ko e

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha mas matapang tapang nako magkape ngayon hahaha nasasanay na eh….hihihi naku dahan dahan sa kape

      Liked by 1 person

  3. Bakit ang kape, barako lang meron. Bakit kaya walang dalaga o kaya naman, misis? Meron kayang kapeng lolo o lola? Baka naman may kapeng tomboy o bakla naman?

    Liked by 1 person

    1. Hahahahahaha ngayong naitanong mo ay bakit nga ba? Hindi ito makatarungan Sir O!

      Liked by 1 person

      1. Hehehe! Don’t wori, isumbong natin kay Tulfo!

        Liked by 1 person

  4. Sa better half mo yan ano? Suwerte ni kapeng barako…

    Liked by 1 person

    1. wahahahahah…pwedeng literal na kape talaga ang tinutukoy ko? wahahah

      Like

  5. adik sa kape. Dapat pala hindi aysabaw ang pangalan mo. Dapat AYKAPE. WAHAHAHAHA

    Liked by 1 person

    1. OmG bumanat na naman si dakilang laagan bwahahahahhaah

      Liked by 1 person

      1. WAHAHAHAHAHAAHAHAHA. Trip lang. Nakakainggit kasi tingnan yung mga taong grabe ang passion sa pag-inom ng kape samantalang ako, naniniwala parin sa sinabi ng nanay ko na magiging aswang ako kapag iinom ako kape. Kaya heto, XO lang ang natitikman ko. WAHAHAHAHA

        Liked by 1 person

        1. OMG ha ha ha ha kung passion lang ang usapan, hindi ata ako kasama dyan…sa akin ang kape ay pampagising lang at pampagana ng creative mind…matitindi yung nadidifferentiate pa kung pure Italian Coffee pa or what, yun yung matinde ang passion…

          pero ang hindi ko magets ay kung pano magiging aswang kapag umiinom ng kape…edi dumami na sana ang mga aswang hahahahahah

          Liked by 1 person

          1. yan yung panahon ng Nanay ko noon. Pag-umino daw ako ng kape, magiging aswang daw ako. WAHAHAHAHA

            Liked by 1 person

          2. OMG. ngayon ko lang narinig yan hahaha

            Liked by 1 person

          3. Nakulitan sa akin nung bata pa ako. Echosera kase. Kung anong ginagawa niya, ginagawa ko. WAHAHAHA. Ayaw akong painumin ng kape kaya kung anong pinangtatakot.

            Like

          4. ECHOSERA ka pala kasi kaya tinatakot ka hahahaahhaha

            Liked by 1 person

          5. HAHAHHAHA. Capslock talaga ha. WAHAHAHAHA

            Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: