Lahat yata ng mga nag-aral tumugtog ng gitara ay hindi pinalampas ang kantang More Than Words. Parang hindi ka cool pag hindi mo alam to lalo na nung 90s.
Ang inyong lingkod ay nagsimulang mag-aral tumugtog ng gitara nung 1999 at isa sa mga unang natutunan ko ay ang INTRO ng More Than Words at yun ang dinala ko hanggang pagtanda ko. INTRO lang ang alam ko after 17 years of…wait what???? 17 years na akong marunong maggitara? Nak ng! Kung sineryoso ko lang dapat hassler na ko ngayon. Tssk. Kaso ang tamad ko. Hanggang ngayon di ko pa rin ma-gets ang Pentatonic chords. But anyway, after 17 years of playing the INTRO of More Than Words, 3 days ago ay naisip kong hanapin ang chords nito at araling tugtugin ng buo.
At ang susunod na kabanata ay RATED PG.
Dahil sarili ko lang ang kajamming ko dito sa isla, idadamay ko na lang kayo sa kalokohan ko. At makapal naman ang mukha ko sa blog kaya kahit sablay-sablay ay ipopost ko dito ang aking pagkanta at pagtugtog ng More Than Words after 17years of INTRO only.
Para sa mga mamimintas ng sablay na tono (at sa gitara kong hindi ko muna tinono bago ginamit LOL), ha ha…sareee. Hindi ako pitch perfect dahil hindi ako si Ms. Leah Salonga. Ako ay si Aysa the Maldivian Mermaid, kaya please lang, ok? Masaya lang ako sa kalokohan ko at sana ay may mapasaya din ako. And as long as I am making myself and someone else happy, I’ll keep trolling. Trolling. Trolling on the (t)river.
I’d love to hear from you!