Sa mundong ito, maraming mga bagay ang nahihiram. Hiram na damit, hiram na sapatos, hiram na kawali, hiram na ulam, hiram na utak, hiram na sandali at hiram na jowa. Sa maliit na mundong ito na puno ng paghihiraman, hindi ko maintindihan kung bakit lapitin ako ng mga taong mahilig manghiram – ng pera, gayung hindi naman ako a) mayaman, b) bangko at c) Bumbay.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang pahiram naman ako ng pera at hindi pautang naman ako ng pera.
Usually, yung mga true friends lang ang nagsasabing, huy pautang nga! (as in nagdedemand) Wala kong cash bayaran ko mamaya!
Pero yung mga hindi mo naman talaga friend pero either gipit sila o talagang makapal lang, mas madalas sila ang nagsasabing, pahiram naman.Â
May iba’t ibang taktika pala ang panghihiram na ito. Minsan nga lang, yung iba hindi marunong magsauli ng hiniram.
May mga nanghihiram na hindi tuwiran ang pagsasabi na nanghihiram sila at hindi na ibabalik pa ang iyong pera. Tulad ng ganitong linya – Isay, itago ko na lang yung pera mo para hindi mo magastos. Ayun, hindi ko nga nagastos dahil hindi ko na nakuha pa.
May nanghihiram naman na, may nahiram na sila sa’yo at hindi pa nga nila naisasauli ay manghihiram na naman. Alam kong may atraso pa ako sa iyo, pero malaki naman na yata ang sweldo mo dahil matagal ka na sa ibang bansa baka pwede mo naman ako isponsoran. Yung totoo? Saan sa linyang yan niya nabanggit na babayaran niya yung una niyang atraso?
Meron namang nanghihiram na hindi nakakapangdalawang isip pahiramin dahil marunong magbalik lalo na kung alam kong gipit lang talaga at emergency ang paggagamitan. Kahit pa ilang gives yung pagbabalik, ayus lang naman as long as marunong magsauli.
Kung akala ko ay quota na ako sa dami ng naringgan ko ng salitang pahiram, hindi pa pala. Ngayon lang ako nakakita ng may matinding stratehiya sa panghihiram. Yung tipong nagiinvest siya ng time at nagsusurvey pa para malaman kung may mapapala siya sa iyo o wala. Ang masaklap, ikaw na walang kamalay-malay ay unti-unti na palang nahuhulog sa kaniyang bitag at it’s too late na para tumanggi dahil parang nacorner ka na at wala ka ng kawala. Kaya pag tumanggi ka, alam na niyang nagsisinungaling ka. At ang masaklap, siya pa ang galit.
Naiinis ako pero at the same time ay humahanga sa tindi ng stratehiya ng nanghihiram na ito. Talagang ilang araw ang ininvest niya para dito.
Day 1. Kapag may goal siya, for example, may bibilhin siyang bagay, isesend niya sa iyo via messenger ang itsura nito at sasabihing, uy naka sale ‘to oh? Ang ganda talaga nito. Siyempre ako namang walang kamalay-malay, aakalain kong nagkukwento lang siya or humihingi ng opinyon ko kaya sasagutin ko naman na, ui oo nga maganda! at mura na ‘yan. Bilhin mo na!
Day 2. Magtatanong siya ng tungkol sa mga finances, accounts, etc., Uy paano ka sumesweldo? Cash ba?  Siyempre sasagutin mo naman with all honesty dahil hindi mo aakalaing part na ito ng strategy niya. Akala mo ay nagtatanong lang randomly.
Day 3. Maglalahad siya ng problema. Naku, wala akong cash nasa kapatid ko lahat. Ano ba yan, ilang araw bago ko matatanggap yung pera.
May dalawang pwedeng maging reaksyon dito:
   a) kapag manhid ang pinagsabihan, aakalaing nagkukwento lang ang nanghihiram na ito
   b) kapag may busilak na kalooban ang pinagsabihan, magvovolunteer ito na magpahiram
Buti na lang, ako yung letter A.
Day 4. Dahil hindi ko na-gets na nagpaparinig pala siya, nagsabi na siya directly ng – pahiram naman! Ako naman tinawanan ko lang siya dahil ayaw ko magpahiram.
Day 5. Ipagpapatuloy pa rin niya yung pagsasabi ng isyu niya pero tatawanan ko pa rin siya.
Day 6. Magiging desperado siya at magsasabing, mapapahiram mo ba ako? Pero sasabihin kong, ‘ganitong amount’ lang ang mapapahiram ko sa iyo dahil wala naman akong pera.
Day 7. Kokonsensyahin niya ako sa pagsasabi ng mga linyang, sana lang hindi magkaisyu yung pagpapadala sa akin ng cash. Na para bang, kasalanan ko kapag may bulilyaso sa money transfer nila para lang sa kapritso niya na wala naman akong kinalaman.
I mean, seriously? Hindi ko akalaing may taong ganyan.
(Hindi ito exactly ang nangyari, mas malala pa. Pina-light ko na lang, baka makita niya, randomly.)
I’d love to hear from you!