So dahil mapapadalas ang pakikihalubilo ko sa mga ka-ungguyan kong mga taga Altashushudad, kelangan kong i-enhance ang aking unggoy-ungguyan skills.
Sumali ako sa Presentation Skills Training.
Dalawa ang maeenhance sa mga aattend ng training na ito, paggawa ng presentation sa powerpoint at pagsasalita sa harap ng maraming tao.
Yung una, easy na sa’kin, ehem, yabang. Pero yung totoo, ilang taon na kasi akong gumagawa ng powerpoint presentations kaya hindi na ako hirap gumawa nito – at iyon din ang comment sa akin ng trainer. Maganda ang format ng presentation ko.
Dun naman sa pangalawa, dun ako sumablay.
Handang handa ako at excited ako sa ipepresent ko – Review ng XMen Apocalypse. Pero pagharap ko sa mga tao, nawala lahat ng pinaghandaan ko. Sigh. Nalungkot tuloy ako. Nalungkot ako kasi bakit hindi naging magandang-maganda ang presentasyon ko gayong handa naman ako? At bakit hindi ko nasabi ang mga naisip ko? Nalungkot ako, bakit mas magaling magsalita yung mga ibang kasama ko sa training?
At ang komento pa sa akin nung nagtuturo ay, wala na daw bang ihahaba ang presentasyon ko? Wala na ba akong masasabi?
Gusto kong sumagot na wala nang ihahaba pa yan dahil wala na akong masabi. Pwede ba pagsulatin niyo na lang ako? Bibigyan ko kayo ng mahabang-mahabang kwento kung gusto niyo.
Pero hindi ko sinabi yun at hindi naman tama na malungkot ako. Kaya nga ako tine-train sa pagsasalita dahil dun ako mahina.
Ganun pa man, sana ay mag-improve na ang aking alatshushudad ungguy-ungguyan skills para masaya at sana maging kasing angas ako ni JenLaw.

I’d love to hear from you!