Ang post na ito ay walang kinalaman sa Ninja Turtles.
Nagkaroon kami ng training session tungkol sa mga pagong at gusto kong maiyak.
Extinct na pala ang mga pagong dito sa banda dito dahil ginagawa palang “delicacy” ng mga local dito (Maldivian) ang mga pagong at ang masaklap ay walang nakalatag na batas para proteksyunan ang mga pagong.
Ngayon ko lang nalaman na out of hundred eggs ay iisa lang ang mabubuhay at magiging baby pagong. Ang masaklap nito, kapag nahuli ng mga local dito ang mommy pagong na nagdadalang pagong, eh parang they killed 2 birds turtles in one shot. Mahina o mababa na nga ang mortality rate (tama ba ang term?) tapos yung mga mommy pagong na buntis pa ang mahuhuli nila, eh ang saklap.
Hindi ko na din babanggitin ang mas masaklap pang hindi makatao at hindi makahayop na paraan na pagpatay sa mga kawawang pagong na ito.
Isa ang hotel namin sa iilang pinayagan na magtago at mag-alaga ng mga pagong sa bansang ito dahil sa aming Marine Life Conservation programs. Inaalagaan namin ang mga mommy at baby pagong at pinapakawalan namin kapag kaya na nilang makipaglaban sa mga masasamang elemento ng sangkatubigan at nilalagyan namin ng marka at radar para malaman namin kung saan sila naglalakwatsa. May mga natrack kaming pagong na nakaabot sa Indonesia at sa Australia pero ang pinakamagaling na parte ay kahit saan pala sila mapadpad, bumabalik sila sa kanilang pinanggalingan matapos ang ilang taon lalo na yung mga mommy pagong na manganganak.
Kaya pakiusap lang na iligtas natin sila dahil you’ll never know. Baka sa susunod ay ikaw naman ang iligtas nila, ninja man sila o hinde.
xoxo,
Aysa the Maldivian Mermaid
I’d love to hear from you!