Noon pa man ay alam ko na, na isa sa mga trabaho ng mga nasa Sales and Marketing ay ang pang-uunggoy. Hindi ko sinasabing mukha silang unggoy o mahusay silang mang-unggoy at hindi ko sinasabi na lahat sila ay nang-uunggoy, ang akin eh yung mga karamihan lang sa mga kakilala ko na nasa Sales and Marketing ay mahusay mang-unggoy.
Hindi ko talaga masyadong paborito ang departamentong ito dahil hindi talaga ako marunong mang-unggoy verbally,  written pwede pa. LOL. Pero dito talaga ako napadpad, so.
Nitong mga nakaraang araw ay napipilitan talaga ako makipag-ungguyan dahil iniwan ako ng boss ko at nagliwaliw kasama ng mga giraffe at zebra sa South Africa kaya ako na lang tuloy ang naiwang  unggoy dito este  nang-uunggoy.
As in seriously, dahil VIP ang ilang mga bisita ay kailangan kong asikasuhin, mayordoma style. Kulang na lang din ay maglagay ako ng puting table napkin sa kaliwang braso, magsuot ng bowtie at magbukas ng bote ng champagne (pronounced as sham-pag-ne – joke lang) eh butler na butler na ang peg ko. #HindiMadalingKumita
Hindi ko alam kung paano uungguyin ang mga hindi unggoy lalo na pag ang usapan na ay BREXIT tapos mga Briton yung kausap. Gusto ko talagang isingit yung mga teorya ko kung bakit nagkaron ng brexit kaso baka mawalan ako ng trabaho pag ginawa ko. Mga teoryang tulad ng ayaw ng mga Briton na mahaluan ng alien race kaya nagsosolo na sila papuntang MARS o kaya ay may secret deal ang China at UK para pabagsakin ang mundo. LOL.
Yung totoo ay wala akong kaamor amor sa mga gawaing pang-uunggoy pero hindi naman pala ganun kasama dahil nakakalibre ako ng dinner sa resto at nakakakain ng Lobster Bisque Soup at Sea Bass for dinner kapalit ng ungguy-ungguyan na ito. Kaso talagang mahirap maghukay ng ikukwento kapag dalawang oras ang dinner niyo lalo na kung hindi kayo umiinom ng alak dahil walang maimbentong kwentong barbero.
Pero sa totoo lang, ngayon ko lang narealize kung bakit yung mga friends ko na nasa linyang Sales & Marketing ay mabilis makalimot ng pangalan at ng pinag-usapan. Kasi sa dami ng pag-uusapan nyo habang nag-uungguyan kayo, hindi mo na talaga maalala yung iba.
Pero bago pa man ako maging unggoy dito kakasabi ng salitang unggoy ay may iiwan akong ilang tanong.
Sino nga ba si Annabel? At ano ang kinalaman niya sa mga monkey monkey?
Bakit nga ba monkey monkey ganung may plural form naman ang monkey na monkies? Ay monkeys pala?
At sino si Jensen Gomez at bakit ang ganda ng kanta niyang Tulad ng Dati?
PS: Ang ganda ng kantang Tayo Lang Ang May Alam ng Peryodiko. Kung may hihilingin akong mga kanta na sana ay ako ang nagcompose, isa ito sa mga yun.
Tayo lang ang may alam
Nando’n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo lang
credit to the owners of the videos, lyrics and photos

I’d love to hear from you!