Dumarating sa buhay natin na feeling natin ay wala tayong silbi sa mundong ito at napapaisip tayo ng kung ano-ano na hindi naman kailangan at later on ay nagiging life crisis kung ganun nga ba angΒ tawag sa pansariling isyu na iyon.
Kanina lang ay naisip ko na parang ang walang silbi ng trabaho ko kumpara sa dalawang kasama ko sa opisina. Bunsod siguro ito ng pagkatuklas ko sa difficulty level ng kanilang mga tasks na nagmukhang hopia yung mga daily tasks ko o kaya ay hindi ako masyadong busy kanina kaya kung ano-ano na lang ang naiisip ko. O kaya naman ay naiinggit ako sa kanila at gusto ko din matutunan ang ginagawa nila. O kaya ay naiinggit ako sa isa sa kanila Β na mahigit sa sampung taon na sa kumpanya at nililipat lipat sa iba’t ibang properties kasi “kailangan” siya dahil “kailangan” ang kaniyang expertise.
O baka kaya ako naiinggit dahil sa sort of importansya ng taong ito na willing gastusan ng company na i-relocate dahil importante siya at importante ang mga kaya niyang gawin.
Siguro kaya feeling natin ay wala tayong kwenta sa mundong ito dahil sa liit lang ng kakayanan nating gawin o dahil limitado lang ang kaalaman natin.
Pero hindi dapat ganon. Tinanong ko ang sarili ko (dahil habang tumatagal ako dito ay dumadami ang oras ko na tanungin ang sarili ko at sagutin din ang mga tanong na tinanong ko sa sarili ko) kung kaya ko rin bang gawin ang ginagawa ng kaopisina naming iyon at kung kaya ko rin bang abutin ang pwestong kinalalagyan niya ngayon pero narealize ko na hindi ko kaya dahil patungkol sa mga numero ang kaniyang pinaggagawa na alam kong mahina ako at narealize ko na iba naman din ang profile ko. Na kahit hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa niya ay may silbi pa rin naman ako kahit paano sa ibang paraan. At kaya ako nandito ay para gawin ang mga kaya kong gawin at hindi para gawin ang kaya niyang gawin.
Naalala ko tuloy yung kulay black na parang uod na gumagapang sa pader ng opisina kahapon ng umaga. Ito yung uod na kapag hinipan mo or ginalaw ay nagcucurl siya at medyo tumitigas ang katawan niya na obviously, proteksyon niya sa mga humans na magbabalak na tusukin siya ng isang pirasong walis ting-ting.
Ewwweeee para sa akin ang mga uod and the likes pero hindi ko siya pinatay dahil kahit ayaw ko sa kaniya at sa mga katulad niya ay alam kong may silbi sila sa ecosystem, kung ano man ‘yon. Hindi ko siya tinusok ng walis ting-ting. Dahan-dahan ko lang sinundot Β ng papel para malaglag sa pader at nung malaglag na siya at nagcurl na ang katawanΒ ay dahan-dahan kong winalis palabas ng office. Hindi ako harsh. No uods were harmed during the process.
Tulad ng uod, maliit man ang kontribusyon natin sa mundong ito ay hindi tayo dapat nalulumbay dahil gaano man ito kaliit o kakaunti o kahalaga ay may silbi pa rin ito. Tulad ng uod ay dapat din nating protektahan ang ating buhay, i-curl natin kung kailangan, kung iyon ang paraan para maproteksyunan natin ang ating sarili laban sa mga masasamang pwersa ng mga nanunusok ng walis ting-ting.
I’d love to hear from you!