Lately, may iniistalk akong travel blogger. Mej naiinggit ako kasi naiimbitahan siya for all expense paid trips kasi, sa sobrang dami ng followers niya, ok lang na gastusan siya ng mga hotels para lang ma-feature sila sa website niya.
So inisip ko kung pano ako maiimbitahan. Inisip ko din kung paano ako magkakaron ng madaming followers. Pero bandang huli naisip ko na hindi naman pala ako travel blogger, so bakit ko tinatanong ang sarili ko kung paano ako maiimbitahan?
Anyway, for sure, pinaghirapan ng blogger na iyon na maka-gain ng hundred thousand followers at para makilala siya sa larangan niya. Hindi ko naman hangad magkaron ng sobrang daming followers tulad niya at lalong wala akong balak maging travel blogger. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nainggit. Epekto siguro ng pagiging castaway.
Pero all in all, travel blogger man o hinde, isa lang ang moral lesson dito.
Work hard until you no longer have to introduce yourself.
Kung anong kinalaman ng picture sa quote, bahala na kayong humusga pero wala akong ibang ma produce na litrato kundi puro litrato ng dagat, sunset, buhangin, gumamela, santan at bougainvilla.
Teka, just a short lang to.
I’d love to hear from you!