Sa pagdaan ng panahon, ang mga kakilala, kaibigan, kasama sa trabaho ay lubusan nating nakikilala at di naglalaon ay nagkakalabasan ng tunay na kulay.
Gaya na lang ng huwad na kulay ng balat na mabilad lang saglit ay lumalabas na ang tunay na kulay.
Di ko naman ginugustong pumuti pero nakakaputi sa Dubai dahil maghapon nakababad sa aircon kahit di ka pa kumain ng glutha. Well, kahit hindi ka sobrang puputi, pag umuwi ka sa Pinas kapansin pansin ang kaibahan ng kulay mo.
Pagdating ko dito, wala pa akong isang buwan ay lumabas na ang aking tunay na kulay. At partida hindi ako nagbibilad. Ha ha ha. Pero natutuwa naman ako dahil gandang-ganda ako sa kulay ko. Wait ha, sabi ko gandang-ganda ako sa kulay ko, hindi gandang-ganda ako sa sarili ko. LOL
Sa mga nag-aakalang ang ginagawa ko dito ay mag snorkelling at mag scuba diving lang maghapon, ha ha, nagkakamali kayo. Ang tunay kong trabaho ay taga walis ng buhangin sa mga opisina. LOL.
Pero kung ang kulay ng balat na umiitim kapag nabibilad ay pwedeng ipa-Belo, ang ugaling may maitim na kulay ay hinding hindi masosolusyonan ni Belo.
I’d love to hear from you!