
Namimiss ko na ang goto kaya ito ang ihahain ko ngayon.
Siyam na araw na ako dito sa ibabaw ng Indian Ocean at medyo nakakapanibago.
Kape
Isang kahong Nescafe 3 in 1 lang ang dinala ko papunta dito. Ibig sabihin, may 24 sachets lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko pag naubos ‘yan kasi hindi ko masyadong trip ang timpla ng kape dito. Well, ako pala yung nagtitimpla pero hindi ko makuha yung gusto ko. Walang mabilhan ng 3 in 1 dito sa isla namin. Tinitipid tipid ko ang kape ko. Kung noon nakakatatlong kape ako sa isang araw, ngayon dalawa na lang. Isa sa umaga kung saan pinagtya-tyagaan ko ang kapeng hindi ko matimpla ng maayos at sa hapon ako umiinom ng 3 in 1. Ninanamnam ko ang lasa nito dahil pag naubos na ito, wala na.
Hapunan
Ilang araw na akong hindi kumakain ng hapunan. Minsan, pringles lang. Hindi kasi kami makakapagluto dito dahil wala namang kusina. Meron naman kasing canteen. Kaso lang dahil ramadan, puro Maldivian food ang hinahain kasi magbe-break ng fast yung mga Muslim. Hindi ko talaga makain yung pagkain nila. Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil naiintindihan ko sila. Maghapon na silang hindi kumain samantalang ako ay nakapagbreakfast at lunch at meryenda naman. So pagkakaitan ko ba sila ng natatanging meal nila for the day? So, nagfafasting silang mga Muslim sa umaga, ako naman nagfafasting sa gabi.
Writer’s Block
Akala ko, pagdating ko dito, sangkatutak ang maisusulat ko. Pero medyo naubusan ako ng inspirasyon kahit pa sobrang ganda ng view. Kahit pa paglabas ko ng office ay alon ng dagat at pagaspas ng mg dahon ng niyog na inuugoy ng hangin ang naririnig ko, hindi ako makapagsulat. Naisip ko lang, sa Dubai, ultimo pakikipagsiksikan ko sa tren at sa bus, ultimo pagkakatalsik ng mantika sa kamay ko habang nagpiprito ay nagagawan ko ng post. Dito kung kailan sobrang payapa ng loob ko ay wala akong naisusulat. Naisip ko lang, siguro mas madaling magsulat kapag nakakaranas ka ng struggles, pain, anger at kung ano-ano pang emosyon. Kaya ngayong hindi ako natetensyon o ano pa man ay parang hindi masyadong makulay ang buhay. LOL. Ang tanging emosyon lang na nararamdaman ko dito ay kaunting pagkainip. Pero kaninang umaga, nagising ako mga bandang alas singko nang biglang may kwentong pumasok sa utak ko kahit parang naalimpungatan lang ako. Nakakapagtaka talaga dahil ang mga inspirasyon ko sa pagsusulat ay dumarating sa unlikeliest of moments (tama  ba English ko? LOL, tagal ko na pala di nakapagpost ng English). Sinusulat ko pa lang siya, yung naisip ko kaninang madaling araw. Mahaba. LOL.
Inip
Ngayon ko lang naramdaman na sobra-sobrang maexcite sa tuwing tutunog ang telepono ko. Excited akong malaman kung sino ang nagmessage sa akin at nalulungkot ako pag kung ano-anong notifications lang ang natatanggap ko. Hindi kami nagchichikahan ng roommate ko dahil napakatahimik niya at ibang lahi siya. Hindi ko naman din pwedeng palaging guluhin yung nag-iisang Pinay na kasama ko dito sa isla. Dadalawa lang pala kaming Pinay dito.
Pagkain
Sobrang namimiss ko na ang goto and I’m dying to eat fried chicken sa KFC, sawsaw sa gravy. Saka sinigang na baboy, pritong dalagang bukid, pancit canton – instant man o hindi, Piatos na green, Ramen. Myghad, I’m literally crying. Hindi lang pala break-up ang nakakaiyak. Pati pala pagkasabik sa pagkain.

I’d love to hear from you!