Si Kiko at ang kanyang Creative Ways of Pagpapatiwakal

***fiction please***

Nais magpakamatay ni Kiko dahil iniwan siya ng kauna-unahang girlfriend niyang si Trisha.  25 years old na siya nagka girlfriend dahil mula high school ay kasali na siya sa veteran’s list ng mga nababasted. Sa edad na 25 ay pwede na nga sana siyang magretiro at kumuha ng pension. Pero nabuhay ang kaniyang loob ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinagot siya ni Trisha. Ibinigay niya ang lahat sa unang girlfriend niya pero matapos ang lahat ay iniwan din siya nito at ipinagpalit sa isang hunk. Payat kasi si Kiko. Hindi kasi siya mahilig kumain ng pandesal.

Nagpunta si Kiko sa tuktok ng building na may tatlumpong palapag.

Paalam Trisha. Paalam world. I will miss you all.

Dumipa si Kiko sabay nagpatihulog. Ang gaan ng pakiramdam niya. Pumikit siya. Inantay na lumagapak sa lupa ang katawan at tuluyan ng mawalan ng buhay. Nasaktan s’ya ng masabit sa sala-salabid na kable ng kuryente. Taliwas sa akala niyang mabilisan ang ganitong pagpapakamatay at di na siya makakaramdam pa ng sakit. Pisikal man o emosyonal. Hindi niya na foresee ang mga nagkalat na kable ng kuryente at hindi niya na consider sa pagpili ng building na tatalunan dahil isa siyang Accountant at hindi Electrical Engineer. Wala siyang alam sa mga kable at kuryente.

Matapos ang salabid-kable session ay naramdaman niyang tumigil ang kanyang pagbagsak.

Dumilat siya. Nakita niya ang mundo. Baliktad. Nakita niya ang mga nagkakagulong tao sa paligid. Pero lahat sila nakabaliktad. Ito na kaya ang life after death? Tanong niya sa sarili. Naisip niyang kabaliktaran ng mundong ito ang kabilang mundo. Kaya naisip niyang baka nga talagang patay na s’ya.

Pumikit siya at nag-antay ng susundo sa kaniya. Inisip niya kung sino kaya ang susundo sa kaniya. Mga lolo at lola niya kayang sumalangit na? Anghel kaya? Demonyo kaya?

Antagal na niyang nakapikit pero wala pa ring nangyayari. Wala pang sumusundo sa kaniya. Naririnig niya lang ang ingay ng mga taong nasa paligid. Hanggang sa marinig niya ang sirena ng ambulansya. Dumilat siya at nakita ang ambulansya at truck ng bumbero na may naka extend ng hagdanan papunta sa kaniya.

Nagpanic siya bigla. Shet! Sabi nya. Hindi pa ako patay? Sinampal niya ang sarili. Nasaktan siya. Tiningnan ang paligid at hinanap ang dahilan kung bakit hindi pa siya patay. Nakabitin pala siya ng patiwarik kaya baliktad ang tingin niya sa mga tao. Nakabitin pala siya sa poste ng kuryente. Sumabit ang pantalon niya sa isang nakausling pako ng yero sa poste ng kuryente. Tinanong niya ang sarili kung bakit may pako ng yero sa posteng kahoy pero hindi niya alam ang sagot dahil Accountant siya at hindi Engineer o Architect. Inisip niyang sana ay nawarat yung pantalon niya nung masabit  para tuluyan na sana siyang nahulog pero naalala niyang matibay pala ang suot niyang pantalon dahil ito yung nag-iisang pinag-ipunan niyang lilibuhing pantalon na ang tatak ay nagsisimula sa letrang L. Hindi ito bumigay dahil sa tibay nito. Isa pa, kung bumigay man ito, hindi rin siya mamatay kapag nahulog siya mula sa poste ng kuryente. Nanlamig ang buong katawan niya.

Anak ka talaga ng tatay mong walang kwenta! Sabi ng tiyuhin niyang bumbero na nagbaba sa kaniya mula sa poste ng kuryente. Bitter ang kuya ng nanay niya sa tatay niya dahil matapos itong buntisin ay nawala na lang ng parang bula.

Wala sa hinuha niya na tiyuhin niya palang bumbero ang susundo sa kaniya.

Hinatid siya ng tiyuhin niya sa kanila at galit na galit na isinumbong si Kiko sa nanay nito. Pag-alis ng tiyuhin niya ay agad pinagpapalo si Kiko ng nanay niya ng tsinelas nitong alpombra.

Pinagtawanan si Kiko ng mga katropa niya dahil sa epic fail niyang suicide. True friends talaga sila. Naisip nilang tulungan si Kiko na maka move on. Nabuo tuloy ang plano nilang boy’s weekend sa beach. Hahanapan daw nila ng bagong chicks si Kiko para hindi na ito malungkot at hindi na mag-isip na magpakamatay muli.

Pagdating na pagdating nila sa beach ay nagsimula na ang inuman session. May mga chicks silang pinakilala kay Kiko. Mamili ka, andami niyan! sabi nila. Pero ang tingin ni Kiko sa lahat ng mga babaeng nandon ay si Trisha. Imbes na mag-enjoy si Kiko ay lalo siyang nadepress dahil sa dami ng Trisha na nakita niya. Lahat ng babaeng nakakasalubong niya ay kamukha ni Trisha. Habang masayang-masaya ang tropa niya sa pag-inom at sa pangchichicks, umalis si Kiko ng hindi napapansin ng sinoman. Naglakad siya patungo sa beach. Tuloy-tuloy ang kaniyang paglalakad hanggang nasa parte na siya ng dagat na abot leeg na ang tubig. Tiningnan niya ang kagandahan ng sunset. Nasabi niya sa sarili niya na mabuti na mamatay ng ganito na ang huling makikita niya bago lisanin ang mundong ito ay ang kagandahan ng paglubog ng araw.

Paalam Trisha. Paalam world. I will miss you all. 

Pumikit siya at nagpatianod. Nakapikit siya ng napakatagal na panahon. Naririnig niya ang alon ng dagat. Napakapayapa. Nasa langit na kaya siya? Tanong niya sa sarili. Pero nagtataka siya kung bakit parang hindi siya nakakaramdam ng pagkalunod. Tunay kayang patay na siya? Maya-maya pa ay humapdi ang kaniyang mga hita, binti at mga braso. Hindi nagtagal ay namanhid na ang mga ito. Tinanong niya sa sarili niya kung parte ba ng death by drowning ang pagmanhid ng mga parte ng katawan pero Accountant siya at hindi Biologist kaya hindi niya masagot ang kaniyang tanong. Hinayaan niya lang mamanhid ang katawan at inisip na baka ganito din ang naramdaman ni Jack nung lumubog ang Titanic minus the lamig.

Maya-maya pa ay may narinig siyang boses ng mama. Tao bay! Tao nga! 

Dumilat siya at nakitang tinututukan ng flashlight ang kaniyang mukha ng dalawang lalake. Hinila siya ng mga ito at isinakay sa bangka. Manong patay na ba ako? Tanong ni Kiko sa isa sa mga lalakeng sumagip sa kaniya. Buhay ka pa bay, nagsasalita ka pa nga eh, sabi nung isang lalake. Pero bay, ano bang ginagawa mo at nagfofloating ka diyan sa lungga ng mga dikya bay? Pasalamat ka di ka napuruhan. At biglang naintidihan ni Kiko ang dahilan ng pamamanhid ng kaniyang katawan kahit pa Accountant siya at hindi Biologist.

Pagdating ni Kiko at ng dalawang lalake sa pampang ay nandon ang mga kaibigan ni Kiko na kahit nakailang case ata ng alak ay nawala ang kalasingan nung malamang nawawala siya. Mababanaag sa kanilang mga mukha ang matinding pag-aalala kay Kiko pero bigla silang humagalpak sa kakatawa nang makita ang itsura nito.

Inuwi nila si Kiko sa bahay nito at nang makita ng nanay niya ang itsura niya ay kinuha nito ang tsinelas na alpombra at pinaghahampas ang mga kaibigan nito at pinalabas ng bahay.

Naawa ang nanay ni Kiko sa kaniya dahil sa mga pinagdadaanan nito kaya naisip niyang ilabas naman ito for coffee at ng makausap ng masinsinan.

Nagpunta sila sa isang kapehan na may magandang ambiance. Dun sila naupo sa outdoor area kung saan may garden at may fountain pa. Inabutan sila ng waitress ng menu at nabasa ni Kiko ang dessert na tinatawag na Death by Chocolate.

Nag-usap silang mag-ina ng masinsinan at pinagsabihan siya ng nanay niya. Anak, alam ko masakit para sa iyo ang lahat. Pero anak, 3 weeks lang kayo naging magsyota. Ano ba pinaglalaban mo?

Nasaktan si Kiko sa tinuran ng kaniyang nanay. Hindi niya naiintindihan ang tunay na nararamdaman ni Kiko. Oo, tatlong linggo lang niya naging girlfriend si Trisha pero deep inside alam niya, what he felt was real. Hindi na lang nagsalita si Kiko at hinayaang magsalita ang nanay niya. Nung matapos silang magkape ay pinauna niya na itong umuwi at nagtungo siya sa grocery. Bumili siya ng sandamakmak na tsokolate. Tsokolateng may mani, may kasuy, may rice crispies, may niyog, may nougat, may caramel, may kape, may raisins at may marshmallows pero sinuri niyang maigi ang expiry date ng mga ito dahil ayaw niya ng expired na tsokolate.

Pag-uwi niya sa bahay ay dumiretso na siya agad sa kwarto at sinimulang kainin lahat ng tsokolate.

Paalam Trisha. Paalam world. I will miss you all. 

Kain siya ng kain ng hindi umiinom ng tubig. Binibilisan niya din para magkaroon ng chance na mabilaukan siya at ng hindi na siya makahinga pa. Nasabi niya sa sarili niya na mabuti na mamatay ng ganito na ang huling matitikman niya bago niya lisanin ang mundong ito ay mga matatamis na tsokolate na di gaya ng pag-ibig niya na mapait ang kinahinatnan.

Maya-maya pa ay inantok na si Kiko sa kabusugan sa dami ng nakaing tsokolate. Naramdaman niya ang pagsakit ng lalamunan pero hindi niya ito ininda dahil gusto niya na matulog. Naisip niyang baka senyales na ito ng kamatayan sa pamamagitan ng tsokolate (death by chocolate). Pumikit siya at ngumiti at inisip niyang hindi na siya gigising pang muli. Puro tamis na lang ang maalala niya pagdating sa kabilang buhay.

Nagising si Kiko at nasilaw dahil sa sobrang liwanag. Napangiti siya. Heaven at last! Sabi niya, ng biglang mawala ang liwanag. Pinatay ng doktor ang flashlight. Ma’am pwede niyo na hong iuwi itong anak iyo. May malay na. 

Tumingin si Kiko sa paligid at nakita ang nanay n’ya at ang reaksyon ng mukha nito. Kinuha nito ang tsinelas na alpombra at pinaghahampas si Kiko habang tinatanong kung anong naisipan niya para lantakan ang  1000peso-worth of chocolates sa loob ng isang gabi pero hindi siya makapagsalita dahil sa sakit ng lalamunan at sa kawalan ng boses. Nilagnat pala siya dahil sa tonsilitis na dulot ng pagkain ng napakaraming tsokolate at hindi pag-inom ng tubig kaya siya sinugod sa ospital.

Pag-uwi sa bahay ay nadepress pang lalo si Kiko. Bigo na nga siya sa pag-ibig, bigo pa siya sa pagpapatiwakal. Hindi na niya alam kung ano pa ang pwede niyang gawin para mamatay successfully ng biglang makita niya ang blade sa banyo. Maglalaslas na lang ako, sabi niya sa sarili. Kinuha niya ang blade pero imbes na isang malalim na guhit lang sa wrist ay inukit niya ang pangalan ni Trisha sa wrist niya. Nasabi niya sa sarili niya na mabuti na mamatay ng ganito na ang huling makikita niya bago niya lisanin ang mundong ito ay ang pangalan ng pinakamamahal niya.

Paalam Trisha. Paalam world. I will miss you all. 

Nawalan ng malay si Kiko ng makita ang dugo sa kaniyang wrist. Takot siya sa dugo dahil Accountant siya at hindi Doktor.

Nagising siya sa dilim. Ito na talaga kaya ang kabilang mundo? Luminga-linga siya at tumawa ng mahina dahil parang nanghihina siya nang biglang may narinig siyang click at biglang lumiwanang. Tumingin siya sa paligid at nakita ang tropa niyang nagtatawanan at ang nanay niya na nakapindot pa sa switch ng ilaw  habang hawak ang tsinelas na alpombra.

Napalunok na lang si Kiko at napapikit.

 

***

ito yung istoryang pumasok sa utak ko nung maalimpungatan ako kaninang alas singko ng madaling araw

59 responses to “Si Kiko at ang kanyang Creative Ways of Pagpapatiwakal”

    1. Hoy. Petsa na gising ka pa ha lol.

      Liked by 1 person

    1. 😂😂😂

      Like

      1. ganda sana gawing komiks n’yan (kung di lang eternally busy)

        Liked by 1 person

        1. Game na RP…kaya mo yan 😂😂😂😂😂

          Like

          1. gusto ko rin madestino sa isang liblib na isla, kahit 3 months lang hahaha

            Liked by 1 person

          2. Hahahahahah ikaw na kasi ang sobrang abala eh

            Like

  1. Hahaha gusto niyang magsuicide pero ayaw niya ng expired na chocolate XD

    Kung ako sa kanya magpapa-palo na lang ako ng tsinelas na alpombra sa nanay ko hanggang sa mamanhid na ako at di na maramdaman ang sakit na idinulot ni Trisha. Lol

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha may point ka o kaya dapat death by alpombra na lang lol

      Liked by 1 person

      1. Hahahaha may part 2 ba ito? 😃😃

        Liked by 1 person

        1. Wahahahahahaha ewan ko….pwede pa ba dugtungan to? Lol

          Liked by 1 person

          1. Siguro pag nagka-jowa ulit si kiko, tapos masawi ulit siya hahahaha

            Liked by 1 person

          2. Hahahahahahah yan tayo eh….sa comment section nagkakaron ng plano para sa sequel lol…..

            Liked by 1 person

          3. Hahaha naalala ko yung ni-plano natin noon na kwento di pa rin nangyayari hahaha

            Liked by 1 person

          4. Ikaw kasi gagawa non diba….moral support lang ako tapos si Ecs sa graphics wahahahahahhaha

            Liked by 1 person

          5. Me creative block pa kasi ako kaya wala akong maumpisahan. Saka na lang hahahaha

            Liked by 1 person

          6. Wahahahahah creative block 😂😂😂😂

            Liked by 1 person

          7. Hahahahaah 😃😆

            Liked by 1 person

  2. Dapat ba akong matuwa dahil buhay pa siya o malungkot dahil laging fail ang attempt niya?… LOLs

    Liked by 1 person

    1. Hahahahaha…..dapat tayong maawa sa kanya dahil maalpombra na naman sya

      Liked by 1 person

      1. Oo nga un ang nakaka awa dun. Hehehe

        Liked by 1 person

        1. 😂😂😂

          Liked by 1 person

  3. Ano ba kiko?! Hahaha! Kulit!

    Liked by 1 person

    1. 😂😂😂😂

      Like

  4. ang bilis mo pala mag type kapag naalimpungatan ka.

    Liked by 1 person

    1. Hahahahahah hoy gabi ko pa sya natype hahahaha yung idea lang pumasok sa utak ko nung madaling araw hahahaha

      Liked by 1 person

      1. akala ko pagkabangon mo bigla mo binuksan yung pc tapos ratatat-tatat-tatat. haha.

        Liked by 1 person

        1. Grabe ka naman….hahahahahah kape muna bago type lol

          Like

  5. ikaw na! Hindi na ako tumigil sa kakatawa. Di ko kinaya ang “Death by chocolates” WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

    Liked by 1 person

    1. 😈😈😈😈 wag mo susubukan yan ah yung death by chocolate 😂😂😂😂

      Liked by 1 person

      1. HAHAHA. Kakakain ko lang ngayon ng chocolate cake tapos may icecream pa na pabirthday ng aking kasamahan sa trabaho. 😀

        Liked by 1 person

        1. Nakuuuuuu wag ganooon 😂😂😂

          Liked by 1 person

          1. hahahaha. Ang daming pagkain dito. Ang hirap magpigil. HAHA

            Liked by 1 person

          2. Ok lang basta walang suicidal death by chocolate attempt hahahahaha

            Liked by 1 person

          3. WAHAHAHAHA. Sobrang sarap mabuhay lalo nat may maraming tsololate. Magpapakasal pa ako ng limang beses. DI pa ako suicidal. WAHAHAHA

            Liked by 1 person

          4. Hahahahaahha waaaah limang beses

            Liked by 1 person

  6. When shit happens, it really feels like the end of the world…

    Liked by 1 person

  7. May creative p[rocess pala ang suicide? ang sayantipik. hahaha

    Liked by 1 person

    1. Naku. Mas sayantipik ka pa rin haha

      Liked by 1 person

      1. wala na. missing in action ang creative process at pagiging sayantipik ko sa pagsusulat. block pa more. hahaha
        tagal ko na walang entry.

        Liked by 1 person

        1. Hahahahaha busy ka na ata kaya ganyan…may klase na ba ulit

          Liked by 1 person

          1. oo. tapos hanap work, seryoso na. hahaha

            Liked by 1 person

          2. wahahahahha seryoso na talaga haa

            Liked by 1 person

          3. seryoso na lang. may naririnig na akong sumbat sa bnahay eh. hahaha

            Liked by 1 person

          4. naku po. yun lang ha ha

            Liked by 1 person

          5. hahaha. yun lang. tanda ko na daw para tumambbay

            Liked by 1 person

          6. wahahahhahaha eh bakit nag-aaral ka naman eh

            Liked by 1 person

          7. mahal ng tuition eh

            Liked by 1 person

          8. mahal din baon haha

            Liked by 1 person

          9. di rin. mahal pamasahe at pangkain. nakakagutom maging matinong studyante. hahaha

            Liked by 1 person

  8. […] Binasa sa Burnay Segment ng Tambalan sa Love Radio ang aking maikling kwentong Si Kiko at ang Kanyang Creative Ways of Pagpapatiwakal. […]

    Like

  9. Ang galing-galing mo. Aliw na aliw ako sa istorya mo. 🙂

    Liked by 1 person

  10. […] sa Orchard Road. LOL. Natuwa ako sa post niyang iyon, ang sarap basahin. Pati na din yung Si Kiko at ang kanyang Creative Ways of Pagpapatiwakal nakakatuwa din basahin. So clever! […]

    Like

  11. […] iyon kase ako din nahirapan intindihin yung Singlish nila (Singaporean English). Pati na din yung Si Kiko at ang kanyang Creative Ways of Pagpapatiwakal nakakatuwa din basahin. So clever! […]

    Like

  12. […] Si Kiko At Ang Kaniyang Creative Ways of Pagpapatiwakal and Love Is Never Been are my achievers as they were read on air by the DJs of Love Radio as well as Bangketa which was recently read on air too. This post, Bangketa, is actually my entry to a short story writing competition which of course did not win. I never read it again since then as I felt that the story wasn’t good. […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: