Hindi pala madaling maging photographer ‘no?
Sinubukan namin magphotography session kahapon. Syempre ako lang yung camera man.
CAMERA MAN. (or woman?) oo pero di ko tatawagin ang sarili kong photographer. Camera man lang kasi ako lang yung may hawak ng camera.
Minsan akala natin madali lang ang mga bagay-bagay unless masubukan natin. Kala ko basta marunong ka kumuha ng anggulo at maganda camera mo eh pwede ka na sa larangan ng photographia.
Una ay nakakapagod pala. Naka isang oras at kalahati din kami kakahanap ng magandang background at anggulo. Bilang hindi kami propesyonal, wala pang mga props at make up and retouches and all. So palagay ko kung kasama yun, mahina ang 3 hours sa isang photo session.
Hindi din ako marunong gumamit ng mga photoshop at kung anu-ano pang programa para sa pageedit ng mga litrato. I don’t know photoshopping coz I only know shopping.
Ang sakit din na sa halos 300++ shots eh kaunti lang yung magugustuhan mong kuha bandang huli. Pero masaya yung mowdel ko kasi sa dami ng litrato, kahit everyday for the next 365 days ay makakapagpalit siya ng profile picture.
Kaya eto ang aking munting handog, mga litratong sariling sikap sa pagkuha at pag anggulo at pag-edit sa paint, LOL. Joke lang yung paint.
Saludo ako sa mga photographers. Taas ng respeto ko sa inyo mga ser at mam.
Yung last two shots ang pinaka paborito ko sa lahat. Feeling ko ang pro ko. LOL
Cameraman: aysabaw
Mowdel: Mama Maria
I’d love to hear from you!