Hindi lahat ng kababaihan ay pinagpala na magkaroon ng magandang hinaharap. May mga tulad ko na namumurublema kung paano magsusuot ng mga blouse o dress na may mababang neck line, tube at swim suit at kung anek anek na beach attire.
Pero hindi tayo dapat magpahuli kaya narito ang ilang tips sa pagpili ng mga swim suits at beach attire. (Saree, alam kong tag-ulan na sa Pinas pero summer pa rin kasi ang feels dito ha ha. Magagamit niyo naman ang mga tips ko next summer. LOL.
1.Beach Dress
Kapag alam niyo na nga na wala kayong cleavage, wag nyong piliin yung mga damit na lalo pang maghahayag sa katotohanang ito. Â Heto ang mga do’s and don’ts sa pipiliing dress.
Don’t


Hindi ko na siguro kailangan i-explain pa kung bakit hindi dapat ganyan ang bilhin niyong damit. Pero ieexplain ko na din. Wag n’yo na lang kasing ilabas ang dapat ay itago. JK.
No no talaga ang dress na walang strap. Believe me, ang hirap hilain pataas. Mawawala talaga ang poise. Minsan sa kakahila ko, gusto ko na lang din talagang hilain hanggang ilong ko para ipampunas ng uhog.
Do
Itong mga dress na ito ang swak para sa mga hindi pinagpala masyado ang hinaharap ganun din para sa mga hindi masyadong slim. Though, maganda talaga ang mga style na ito sa slim, medyo pasok din tayo sa ganyang style lalo na yung parang may mga kurti-kurtinang nakalaylay sa sleeve.



2. Swim Suit
Don’t
Sa pagpili ng swim suit, wag na wag kayong kukuha ng walang strap dahil baka malaglag. Wag din kayong kukuha ng masyadong malaking parte ng dibdib ang nakalabas. Una, wala namang cleavage. Pangalawa hindi kayo makakapaglagay ng foam o padding o puding o pandesal.


Do
Kailangang medyo mataas ang neck line ng swim suit niyo. Magandang paraan ito para makapaglagay din kayo ng foam o padding o puding o pandesal.
Isa pang importanteng tip ay ang pagpili ng swim suit na parang may kurtina. Maganda kasi ang epekto na nadadala nito. Kahit walang foam o padding ay nagkakaroon ng effects ang malakurtinang nakalaylay lalo na kapag naglalakad ka.
Kung ang issue mo lang sa buhay ay ang iyong hinaharap, carry na ang two piece. Pero kung ang issue mo rin ay ang kaunting baby fats, I suggest, take one piece kung hindi ka pa masyadong confident magflaunt ng iyong belly. But you know what, bakit mo ikakahiya ang baby fats mo. Pinaghirapan mo kaya yan. Pinaghirapan mo ‘yan ipunin at dalhin. So bakit mo itatago?


Kung hanggang ngayon ay hindi mo pa rin naintindihan ang ibig sabihin ng paliparan at kung ano ang kinalaman nito sa post ko, hay nako. Di ko alam kung paano ieexplain.
Pero kung na-gets mo, trust my recommendations. Take it from the expert.
(Ang post na ito ay hindi para mang-degrade ng korte ng katawan ng mga kababaihan. Nais ko lang maaliw sa kalokohang bunga naman ng isa sa aking mga national  issues sa buhay.  Pero totoo naman lahat ng tips ko ha ha)
PS. Wag kalimutang napakahalaga ng kurtina style sa dress man o sa swim suit.
PS uli: Omygash. Have I just posted something related to fashion? Is my blog slowly turning into…wait…what? Fashion blog??? DUH! JK.
I’d love to hear from you!