Habang kinakahon ko na ang aking mga libro dahil ipapadala ko na ito sa Pinas, di ko na madadala sa next destination ko eh, pinagkukuhanan ko ng litrato dahil mamimiss ko sila. Harharhar.
Hindi ata aplikable sa akin yung You are what you read. Ang seseryoso naman ng mga binabasa ko pero di nagrereflect sa tunay na buhay o kahit sa panulat.
Anyway, ibabahagi ko na lang itong mga libro ko para dun sa mga naghahanap ng babasahin, baka may makita kayong interesante eh basahin niyo rin he he.
Eto yung mga libro ng mga paborito kong manunulat. Si Khaled Hosseini, sinusulat niya mga istorya tungkol sa Afghanistan, mga pre and post war times. Si Tan Twan Eng naman, yung Garden of Evening Mists pa lang ang nababasa ko dahil kakabili ko lang nung Gift of Rain. Pero yung story niya ay post Japanese occupation sa Malaysia. Si Madam Alice Munro naman ay nakilala ko sa pammagitan ng blogger na si Ate San. Puro short stories naman ang sinusulat ni Madam Munro. Napaka finesse ni Madam Munro magsulat. Si Jonas Jonasson naman, satirical bumanat. Mga libro nya ang nakakapagpahagalpak sa’kin sa kakatawa. Di ko pa nababasa yung Hitman Anders kasi kakabili ko lang pero yung dalawang nauna niyang libro eh panalo.
Art of War naman ang dahilan kung bakit mahilig ako makipag-away. JK. Classic ito at kailangan mabasa ng lahat. Aplikable sa lahat ng aspeto ng buhay.
Sinulat daw ni Pareng Gabo ang One Hundred Years of Solitude sa loob ng siyam na buwan at matapos nun ay tadaaaaa…timeless classic na ang librong ito. Ito ang binabasa ko currently.
Di ako mahilig sa mga Detective Stories. Yung The Cuckoo’s Calling, nadampot ko lang dahil sale sa bookstore, ok naman. Yung Trilogy naman ni Larsson, antagal ko na nakikita yan pero di ko talaga binibili. Pero lagi niya pa ring binabalandra yung sarili niya sa akin kaya isang araw, binili ko na lang dahil sale. Tapos nung nabasa ko yung unang libro, sobrang bagal nung first half then action packed na yung second half kaya natuwa ako. Yung 2nd and 3rd book naman, soooobrang haba ng mga introduction ng sandamakmak na characters, susme. Tapos ung last part medyo nakornihan ako kasi lahat ng diskarte nila ay inaayunan ng panahon. Wala man lang plot twist. LOL.
Non fiction naman itong mga libro na ito pwera lang yung One Night in Winter, pero sinama ko diyan kasi Historical fiction siya and si Simon Sebag Montefiore naman ang nagsulat. Isa siyang kinikilalang historian ngayon, parang mas pinag-aaralan niya ang Russian History kasi may ni-release siyang librong Katherine the Great and the Romanovs na gusto ko ding basahin.
Maganda din yung 3 Cups of Tea, istorya ng isang American na gustong tulungan yung mga nasa remote area ng Pakistan and yung kay Maya Angelou naman, kwento niya kung gaano sila nadiscriminate noon sa America dahil itim sila.
Sa mga ito, maganda yung Honour, kwento about Turkish family, culture and tradition. Yung White Queen maganda, yung Red Queen depressing, tungkol ito sa agawan ng mga British family sa trono. Yung look who’s back, fiction, paano daw kung nabuhay bigla si Hitler sa modern world. Comedy pero tinamad akong tapusin. Yung Girls of Riyadh, obviously, istorya ng mga babae sa Saudi, kultura nila, struggles nila, etc., Yung The Promise Bird, Chinese story, nakakadepress. Para kang nanonood ng makalumang Chinese Film na mahaba at madrama. Yung Joy Luck Club, story ng mga Chinese Migrants sa America at yung Americanah, di ko pa nababasa.
Maganda yung To Kill a Mockingbird, syempre classic saka yung Outliers maganda din pati The Invention of Wings. Yung iba di ko pa natatapos basahin hahaha. Umpisa lang nabasa ko.
Di ko pa nababasa itong mga ito pwera lang sa PS I Love You ni Cecilia Ahern na sana ay hindi ko na dinampot sa bookstore. Sa lahat ng nabasa ko iyan lang yata ang isinusumpa ko hahhaha. Di na nga ako mahilig sa mga love story, sinira niya pa lalo ang maliit na chance na magbasa ako ng Romance Novels. Pero balita ko maganda daw yung movie adaptation.
Classics. Ang nabasa ko pa lang diyan ay Anakarenina (the best), Persuasion at Anne of Green Gables. Yung Great Gatsby, nakakalahati ko pa lang. Ang hirap kasi sa Classics, di pwedeng basahin ng di nakaconcentrate kasi nakaka nosebleed. Eh ang reading session ko madalas pag nasa tren ako, pasok at pauwi. Hindi ako pwedeng madistract pag classic ang binabasa hahha.
Akalain niyo may children’s books ako? Ha ha. Sabik kasi ako sa libro. Lumaki kaming walang masyadong libro sa bahay. Isang malaking dictionary lang, konting fairy tales saka isang set ng encyclopedia na nakakatamad basahin hahaha. Picture lang lagi ng Big Bang Theory ang binabasa ko kasi may picture ng parang naghihiwalay na kambal na sibuyas hahaha.
Siyempre mawawala ba ang sariling atin? Paborito ko diyan yung Para kay B, Responde at Madaling Araw.
I’d love to hear from you!