You Are What You Read (daw)

Habang kinakahon ko na ang aking mga libro dahil ipapadala ko na ito sa Pinas, di ko na madadala sa next destination ko eh, pinagkukuhanan ko ng litrato dahil mamimiss ko sila. Harharhar.

Hindi ata aplikable sa akin yung You are what you read. Ang seseryoso naman ng mga binabasa ko pero di nagrereflect sa tunay na buhay o kahit sa panulat.

Anyway, ibabahagi ko na lang itong mga libro ko para dun sa mga naghahanap ng babasahin, baka may makita kayong interesante eh basahin niyo rin he he.

 

Favorites

Eto yung mga libro ng mga paborito kong manunulat. Si Khaled Hosseini, sinusulat niya mga istorya tungkol sa Afghanistan, mga pre and post war times. Si Tan Twan Eng naman, yung Garden of Evening Mists pa lang ang nababasa ko dahil kakabili ko lang nung Gift of Rain. Pero yung story niya ay post Japanese occupation sa Malaysia. Si Madam Alice Munro naman ay nakilala ko sa pammagitan ng blogger na si Ate San. Puro short stories naman ang sinusulat ni Madam Munro. Napaka finesse ni Madam Munro magsulat. Si Jonas Jonasson naman, satirical bumanat. Mga libro nya ang nakakapagpahagalpak sa’kin sa kakatawa. Di ko pa nababasa yung Hitman Anders kasi kakabili ko lang pero yung dalawang nauna niyang libro eh panalo.

 

Art of War

Art of War naman ang dahilan kung bakit mahilig ako makipag-away. JK. Classic ito at kailangan mabasa ng lahat. Aplikable sa lahat ng aspeto ng buhay.

 

Hundred Years of Solitude

Sinulat daw ni Pareng Gabo ang One Hundred Years of Solitude sa loob ng siyam na buwan at matapos nun ay tadaaaaa…timeless classic na ang librong ito. Ito ang binabasa ko currently.

Detective

Di ako mahilig sa mga Detective Stories.Β Yung The Cuckoo’s Calling, nadampot ko lang dahil sale sa bookstore, ok naman. Yung Trilogy naman ni Larsson, antagal ko na nakikita yan pero di ko talaga binibili. Pero lagi niya pa ring binabalandra yung sarili niya sa akin kaya isang araw, binili ko na lang dahil sale. Tapos nung nabasa ko yung unang libro, sobrang bagal nung first half then action packed na yung second half kaya natuwa ako. Yung 2nd and 3rd book naman, soooobrang haba ng mga introduction ng sandamakmak na characters, susme. Tapos ung last part medyo nakornihan ako kasi lahat ng diskarte nila ay inaayunan ng panahon. Wala man lang plot twist. LOL.

History

Non fiction naman itong mga libro na ito pwera lang yung One Night in Winter, pero sinama ko diyan kasi Historical fiction siya and si Simon Sebag Montefiore naman ang nagsulat. Isa siyang kinikilalang historian ngayon, parang mas pinag-aaralan niya ang Russian History kasi may ni-release siyang librong Katherine the Great and the Romanovs na gusto ko ding basahin.

Maganda din yung 3 Cups of Tea, istorya ng isang American na gustong tulungan yung mga nasa remote area ng Pakistan and yung kay Maya Angelou naman,Β kwento niya kung gaano sila nadiscriminate noon sa America dahil itim sila.

Historical Fiction

Sa mga ito, maganda yung Honour, kwento about Turkish family, culture and tradition. Yung White Queen maganda, yung Red Queen depressing, tungkol ito sa agawan ng mga British family sa trono. Yung look who’s back, fiction, paano daw kung nabuhay bigla si Hitler sa modern world. Comedy pero tinamad akong tapusin. Yung Girls of Riyadh, obviously, istorya ng mga babae sa Saudi, kultura nila, struggles nila, etc., Yung The Promise Bird, Chinese story, nakakadepress. Para kang nanonood ng makalumang Chinese Film na mahaba at madrama. Yung Joy Luck Club, story ng mga Chinese Migrants sa America at yung Americanah, di ko pa nababasa.

Halo Halo

Maganda yung To Kill a Mockingbird, syempre classic saka yung Outliers maganda din pati The Invention of Wings. Yung iba di ko pa natatapos basahin hahaha. Umpisa lang nabasa ko.

Halo-halo 2

Di ko pa nababasa itong mga ito pwera lang sa PS I Love You ni Cecilia Ahern na sana ay hindi ko na dinampot sa bookstore. Sa lahat ng nabasa ko iyan lang yata ang isinusumpa ko hahhaha. Di na nga ako mahilig sa mga love story, sinira niya pa lalo ang maliit na chance na magbasaΒ ako ng Romance Novels. Pero balita ko maganda daw yung movie adaptation.

Classics

Classics. Ang nabasa ko pa lang diyan ay Anakarenina (the best), Persuasion at Anne of Green Gables. Yung Great Gatsby, nakakalahati ko pa lang. Ang hirap kasi sa Classics, di pwedeng basahin ng di nakaconcentrate kasi nakaka nosebleed. Eh ang reading session ko madalas pag nasa tren ako, pasok at pauwi. Hindi ako pwedeng madistract pag classic ang binabasa hahha.

Children's Classics

Akalain niyo may children’s books ako? Ha ha. Sabik kasi ako sa libro. Lumaki kaming walang masyadong libro sa bahay. Isang malaking dictionary lang, konting fairy tales saka isang set ng encyclopedia na nakakatamad basahin hahaha. Picture lang lagi ng Big Bang Theory ang binabasa ko kasi may picture ng parang naghihiwalay na kambal na sibuyas hahaha.

Tagalog

Siyempre mawawala ba ang sariling atin? Paborito ko diyan yung Para kay B, Responde at Madaling Araw.

86 responses to “You Are What You Read (daw)”

    • Ay maganda din yun…kakatapos ko lang din hahahahaha….nako yung Art of War…basahin mo na lol….yung aesops di ko pa nababasa….tinitingnan ko lang mga pictures hahahahahaha

      Liked by 1 person

  1. ate, para kay B lang ata yung nababasa ko palang sa lahat ng pinakita mong libro huhu. at para yun sa book report sa noon. mabagal ako magbasa (at kung minsan tamad haha o dahil hindi lang ako into novels) lol

    Liked by 1 person

  2. I am happy to note that you invest in books. I have met many young Filipinas working abroad whose main expenses are designer handbags, or designer whatever.

    I know of one… nang hindi ako nag-comment sa bag niya, nag volunteer ng info: ” Itong MK bag ko, $250 iyan.”

    Silent na tanong ko: may laman kayang $250 iyong bag, o naubos na sa kayabangan ang pera?

    >

    Liked by 1 person

  3. Waaahh mga totoong libro!!!nakakalaway, namiss ko tuloy ung koleksyon ko ng mga buks sa bahay namin, kukunin ko yun balang araw at ipapamana sa junakis ko, hahaha, bet na bet ko yung huling dalawang piktyur kasi half nun meron ako sa koleksyon ko, since time immemorial peyborit ko talaga magbasa, mas bet ko yung totoong libro kesa ebook,

    Like

  4. Repost: Ganyan din dati yung genre ng mga librong binabasa ko. Ngayon, nag-iba na. Agree ako na maganda nga ang Para Kay B ni Ricky Lee. At lahat ng libro ni Eros Atalia nabasa ko na. Hahaha. Except lang siguro yung re-publish ng unang libro niya (yung manwal sa mga napapagal ba yun?). Kahit balak mo na ipadala yang mga libro mo, may mga recommendation ako. Try mo ang Trese ni Budjette Tan at Kajo Baldisimo. Kaso komiks yun. Sa foreign, try mo si Neil Gaiman at si Haruki Murakami.

    Nasaan na kaya si Ate San? On hiatus ang site niya ngayon e.

    Liked by 1 person

    • Wahaahhaha parang san ako bibili nyang Trese at Kajo?

      Ui lagi ko ngang nakikita yang Haruki Murakami na yan….saka Neil Gaiman pero di ko pa nafefeel damputin hahahahaha

      Si ate San antagal na on hiatus 😯😯😯

      Liked by 1 person

      • Natigil na rin ako sa pagbabasa ng fiction except ang One Piece saka yung Hunter X Hunter syempre saka comics naman yun. Last kong nabasa ni Neil Gaiman ay yung Ocean at the End of the Lane. Kay Murakami naman last 2011 pa yung huli kong basa and the rest mga short stories niya. Yung Trese, may online naman. May gusto akong basahin na Filipino book yung Smaller and smaller circles ni F.H. Batacan. Kaso, puro mga nonfiction na yung the rest na binabasa ko.

        Liked by 1 person

        • Puro non fiction na lang? Marami ngang bagong pinoy authors kaso pag umuuwi ako at nagiikot sa bookstore…syempre yung mga kilala ko lang ang napapansin ko….minsan kasi ayoko dumampot randomly baka masayang pera ko…pero pag may nagmemention ng mga names…ayan titingnan ko na yan kung meron…

          Liked by 1 person

  5. Alam mo hindi ko pa nababasa ang Para Kay B. Gustong-gusto ko ‘yang basahin pero hindi ko afford n’ung nasa Pinas pa ako. Tapos ngayon namang may pera na nang konti, wala naman ako sa Pinas. Ay nako, may PDF ba n’yan somewhere out there? Haha. Kapag sinipag gagayahin ko itong post mo! πŸ™‚

    Liked by 1 person

  6. grabe!!!! dapat dumaan muna ko sa inyo bago ko umuwi that night para makakulimbat ako ng babasahin. πŸ˜€ at yung autographed painting ko, please pakiiwan, kukunin ko pag may time. LOL πŸ˜€

    Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: