Soup of the Day: Bulalo

Ang ating soup of the day ay Bulalo. Teka, soup ba to? Bakit andaming laman?

Hindi ako natatakam diyan dahil hindi ako kumakain ng bulalo pero due to insistent public demand ay iyan ang ihahain ko ngayon.

Tuloy po kayo sa aking karinderya!

image: http://www.knorr.com.ph

Habang pinapalambot pa ang laman ng baka, at ihahalo ko na rin ang sibuyas at mais, ay pag-usapan muna natin ang nakakabwiset na landlord ng aming opisina. Pinapakulo niya ang dugo ko gaya ng pagpapakulo ko ngayon sa sabaw na ito. Nasabi lang na may-ari siya ng opisinang nirentahan namin ay akala mo na kung sinong paimportante. Minsan may mga taong mapera at may sinasabi kuno pero parang hindi edukado at napaka unprofessional. Kahit pa ipangalandakan niya sa akin na European passport pa ang hawak niya, alam na alam ko pa rin kung ano ang ugat niya dahil sa asal niya. Kung noon, nangingimi akong makipagusap sa mga taong may sinasabi o may mataas na katungkulan sa kumpanya, ngayon wala na akong pakialam kahit CEO pa o VP o Director pa ang mga nakakausap ko. Nagbibigay galang lang ako sa mga taong karespe-respeto kausap. Hindi mo kailangang ipangalandakan sa akin kung ano ka para igalang kita. Ang tunay na kagalag-galang, hindi kailangan ipangalandakan kung bakit kailangan silang igalang.

Ihahalo ko na ngayon ang baguio beans at saba habang tinitimplahan ang sabaw. Nagkakalasa ang buhay kapag araw-araw ay may mga pangyayaring kakaiba. Kahapon ay kumain kami sa isang kainang tinatawag na Bibingkinitan. Kahapon pa lang yata ako nakatikim ng BIBINGKA. Ano ba ang pinagkakain ko sa loob ng tatlong dekada at kahit kailan ay hindi ako nakatikim ng bibingka?

Ilagay na natin ang pechay, takpan at hayaan muna ng ilang minuto pero hihinaan ko na yung apoy at baka ma-overcook ang gulay pag nasobrahan sa kulo. Nasobrahan yata ako sa mga pinagsusulat ko sa post kong More on English dahil nasindak ako paggising ko kahapon at napakahaba na ng seryosong diskusyon sa comment section. Tiningnan ko muli kung may mali ba akong naisulat. Nasanay kasi ako na gigising ako sa umaga at makikita sa comment section ko ang 101 ways ng creative pambabalahura kaya natetension ako pag seryoso ang usapan.

Budburan na natin ng paminta, at sabihin niyo sa akin kung tama na ang dami para ako ay tumigil na sa pagbudbod. Babawi ako kay Gwen ng Dubaiexpatnurse dahil bibinggo na ako sa kaniya. Ilang beses na siyang nasasagi ng mga posts ko pero di ko naman ito sinasadya.

Heto’t handa na ang bulalo.

Ano ba ang Tagalog ng Bon Appetite?

13 responses to “Soup of the Day: Bulalo”

  1. That looks absolutely delicious 🙂
    I would like to invite you to my blog party which is going on right now. It’s a lovely way of meeting and making new blogger friends. The party link is titled Summery blog party live link. Hope you do step in for a bit. Regards.

    Liked by 1 person

    1. Wow thanks….will check it out

      Like

  2. Waahh ang sarap ng bulalo! Naalala ko ang Leslie’s sa Tagaytay.

    Liked by 1 person

    1. Hahahahaha specialty nga daw ng Tagaytay ang bulalo

      Liked by 1 person

      1. Oo in fairness masarap at madami.

        Liked by 1 person

        1. 😂😂😂😂

          Liked by 1 person

  3. We love bulalo! Especially the marrow. 🙂

    Liked by 1 person

    1. 😄😄😄😄😄

      Like

  4. Nakakagutoooooom! Ikaw nagluto nyan? weeeeeh….

    Liked by 1 person

    1. Di nga ko kumakain ng bulalo magluluto pa

      Liked by 1 person

  5. Sagot ko sa tanong mo? Kumain ka na!!! Hehe

    Liked by 1 person

    1. Kumain ka na ba ang bon appetite? Hahahahahha

      Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: