Napilitan (haha) ako magpost ng ganito dahil sa post ni aubu22 tungkol sa kaniyang asawa na inspired by MEGumiho‘s post tungkol din sa kaniyang asawa na inspired naman ng post ko tungkol sa Koala Bear. All in all, kasalanan ko pala ito kaya napressure ako magpost.
Hindi ako nagkukwento tungkol sa asawa ko dito dahil wala naman masyadong kakwento-kwento. Kakakasal lang namin nung last quarter ng 2014, kumbaga medyo hilaw pa diba? Kaya nga hindi rin ako masyadong nagpopost ng anything related sa relationships and marriage dahil, wala pa naman akong masyadong masabi tungkol sa mga topics na ito.
Pinanganak kaming dalawa ng asawa ko sa parehas na araw, buwan at taon. Oras lang ata ang pinagkaiba. Destiny? Ewan. Kinasal kami nung 2014 sa birthday month namin, sayang lang din at hindi pwedeng isabay sa mismong birthday namin dahil wala sa sched ng Philippine Consulate dito sa Dubai.
Madalas namin pinag-aawayan ang pang-aagaw niya ng short, medyas at rubber shoes ko. Parehas kasi kami ng size. Kaya pag unisex yung sapatos ko, sinusuot niya. Ang hindi niya lang maisuot ay yung Converse ko dahil mag-aaway talaga kami. Grrr. Kaya nga magmula noong nang-aagaw siya ng mga short, medyas at rubber shoes ko, may bulaklak na palagi ang binibili ko para hindi na niya masuot. jk.
Pag nasa bahay kami, hinahayaan niya lang ako sa mga pinaggagagawa ko (na kalokohan tulad ng pagboblog) basta wag ko siya idadamay at hahayaan ko lang din siya sa paglalaro niya at panonood ng fliptop.
Masarap siya magluto lalo na ng paborito kong Seafood Aglio Olio pero gusto niya na ako lagi ang magluto kahit na lahat ng niluluto ko ay Sautéed lang sa Oyster Sauce.
Madalas kami napapagkamalang mag-ate (wag kayong tumawa tatampalin ko kayo ng bakya hahaha joke) at Madam ang tawag sa akin ng karamihan sa mga kaibigan at katrabaho niya (wag uli kayong tumawa tatampalin ko talaga kayo ng bakya).
May isang blogger na nagtanong sa akin dati kung ano ang pipiliin ko. Love o stability? Marami ang hindi a-agree sa akin dito pero ang pipiliin ko ay love.
Siguro kung dalaga pa ako at naghahanap pa lang ako ng mapapangasawa, mas matimbang sa akin ang stability. Pero sa ngayon love. Bakit nga ba?
Sa akin kasi parang kahit gaano kayo ka-stable, darating sa point na susubukin din kayo at mawawala lahat ng kung anong meron kayo, overnight. Yung tipong banig (ay, matress dito kasi Dubai ito eh), unan at kumot lang ang matitira sa inyo? Hindi siguro ako maiintindihan ng karamihan pero kasi ayon naman yan sa naranasan naming mag-asawa. Pero mas gugustuhin ko pang humiga sa banig at mag-agawan kami sa isang unan basta magkasama kami kaysa sa komportableng buhay pero magkahiwalay kami. Komplikadong istorya yan, pero batuhin niyo man ako ng bakya, at this age and at this point in life, naniniwala ako dun sa kantang Love Will Keep Us Alive.
Hindi ko balak paikutin ang ulo ng mga batang magbabasa nito. Wala akong balak na paniwalain kayo sa forever o ano mang romantikong konsepto. May kaniya-kaniya tayong love story eh, at ito ang sa akin.
Anu ba yan? Love story ba itong kinukwento ko? Bakit hindi nakakakilig? Pwe!
I’d love to hear from you!