Ilang beses ko ng nakita sa search term ko yung mga ganitong linya:
     more on English ba ang HRM?
     Kailangan ba magaling mag English pag kukuha ng HRM?
Inaalala ko tuloy kung tinanong ko din yan sa sarili ko bago ko kinuha ang kursong HRM noon. Pero parang hindi man lang pumasok sa isip ko yan. Mas iniisip ko noon kung makakakuha ba ako agad ng trabaho pagkagraduate ko kung HRM ang kukunin ko kesa kung kelangan ko bang mag English. Kasi parang mas madaling masalita ng English kesa maghanap ng trabaho.
In general, bakit ba masyado ngang worried ang karamihan sa atin sa paggamit ng wikang Ingles?
Hindi ko alam kung sino ang nagpauso ng term na nose bleed, pero kung sino man siya, medyo hindi siya nakakatuwa.
Minsan pala, nakakatawa naman talaga yung mga jokes nila sa TV or sa mga comedy shows na na-no-nosebleed sila sa mga nagsasalita ng purong Ingles pero ang nakakairita ay yung mga kabataang gumagaya.
May mga kabataan ngayon na kahit simple lang yung mga salitang Ingles na ginamit mo ay magsasabi agad na, anu ba yan nosebleed! Sabay tatawa. Minsan naiintindihan nila yung sinabi mo tapos magpapatawa lang kaya nila sinasabi yung nosebleed. Yung iba naman, parang ginagawa na lang nilang escape goat yung expression na nosebleed para makatakas sila sa nagIngles ng sa ganon ay Tagalog na lang ang gamitin.
Bakit nga ba masyado tayong conscious sa ating pag Iingles? Dahil ba sa mga grammar nazi sa Pinas? Hay nako lang.
Sa totoo lang, kung ikukumpara natin ang lebel ng ating Ingles sa ibang mga bansa (na hindi native English speakers) ay advanced na nga tayo kasi bata pa lang tayo ay gumagamit na tayo ng wikang Ingles. Kaya hindi ko alam kung bakit naging major major issue ito.
Nung nag-aapply ako ng trabaho sa Pinas, hindi ko pa rin talaga naisip na baka mahirapan akong sumagot ng Ingles kapag tinanong ako ng Ingles sa interview. Mas napepressure nga ako sa pag-iisip kung ano ang isasagot ko sa tanong na What is your goal in life? Kasi diyan sa tanong na yan, ako laging bumabagsak sa interview at hindi sa pag-iingles ha ha.
Nung unang beses ko ring naka-attend ng group interview nung nag-aapply ako sa SB noon, ninerbyos ako kasi mga galing sa exclusive schools yung kasabay ko. Pero hindi pa rin ako ninerbyos kahit (medyo conyo sila at) fluent sila magEnglish kasi bilang sa state U ako nag-college, itinatak ng mga Prof sa utak namin na yung mga galing excusive schools, may pera lang yang mga yan, kayo may utak (haha kaya ganon ako kaconfident, pero pampalubag loob lang pala yung sinasabi nila sa’min LOL). Medyo ninerbyos lang ako at nanliit sa itsura ko kasi halatang-halatang galing Baclaran lang yung suot kong damit saka ayokong lumapit sa kanila kasi parang ambabango nila, parang amoy department store ba? Samantalang ako, naamoy ko yung sarili ko na amoy usok ng jeep ha ha.
Dito naman sa Dubai, never naman ako nagka problema sa pag-iingles. Medyo nakakaloka nga ang Ingles dito. Mas marami kasing nagtatrabaho dito na hindi naman talaga native English speakers. Kaya may kanya-kanya ding bersyon ng English. Nagkaro’n ng time na na-assign ako sa department kung saan ay tatatlo lang kaming Pinoy at hindi pa sabay-sabay ng shift kaya talagang napalaban ako sa English-an pero gaya ng sabi ko, easy sa’tin yung ganyan. Hindi ka naman lalaban sa Oratorical Contest kaya hindi mo kailangan maging almost perfect sa pag-iingles.
Mula noon hanggang ngayon ay confidently beUtiful pa rin ako sa aking pagsasalita ng Ingles. Nakikipag-away pa nga ako sa amo ko kapag pinipintasan niya ang English ko. Haller, I’ve been English-ing since 1990 (Lol, kinder ako niyan) at walang makakapigil sa’kin.
Kung ang isyu niyo naman sa English ay yung accent niyo, hay naku. Bawat bansa naman may kani-kaniyang accent. So far naman, minsan pa lang napagtawanan ang accent ko bwahahaha. Yun yung bago-bago pa lang ako sa Dubai at tinawag ko yung Captain Waiter namin na Sri Lankan.
Sabi ko, Captain!Â
Sabi niya, say that again?
Ako naman si uto, inulit ko naman. Kako, Captain! Tapos tumawa siya.
Sabi niya, kaept’n and not kapteyn. (So medyo tama pala ang bigkas ni Daniel Padilla sa neseye ne eng lehet, sumobra lang siya ng konti).
At magmula noon ay nalaman ko na may iba’t ibang pronounciation ng English na medyo matigas nga mag-Ingles ang mga Pinoy pero ang mahalaga ay tama naman ang grammar at kaintindi-intindi naman, di tulad nung iba na sign language ang kailangan.
Pero ayus lang yan kahit medyo matigas ang accent natin, isipin niyo na lang na matigas din ang accent ng mga Russians, hindi masabi ng mga Japanese ang letrang ‘L’, at ang bigkas ng mga Arabo sa Pepsi ay Bebsi dahil wala silang letrang ‘P’ sa Arabic script. May kaniya-kaniyang kapintasan ‘yan kaya wag kayong mahiya sa accent natin ha ha.
At seriously, isang beses lang ako na nosebleed ng tunay ha. May isang British na nag-email sa akin ng ganito –Â and I hope that you’ve brought your brollie along with the weather the way it is. Sabi ko, pucha ano ‘to? Yung pala sinasabi niya lang na sana nagdala ako ng payong dahil maulan. Whew!
Kaya dun sa mga nag-aalala pa rin sa kanilang English, kakantahan ko kayo ng Let It Go. JK. Masyado tayong conscious dahil maraming mga mapagmarunong sa atin na mapagpuna ng mga tama at mali. Gaya na lang nung high school, na nagrecite ako at sinabi ko lang ang the things (ze THiNGs) ay nagtinginan sila lahat at paulit-ulit nilang ginaya ang pronounciation ko. Bigla tuloy akong nahiya na feeling ko ako yung mali pero tama lang naman.
Anyway, dun sa naghahanap ng sagot kung more on English ba ang HRM (at kung mapapadpad ka ulit dito sa site ko), naturalmente. Parte ng trabaho ng mga nasa Hospitality Industry ang pag-iingles.
PS. Di ko sinulat ito para sabihing magaling ako mag-ingles (dahil hindi naman talaga) or para wag na kayo mag-Tagalog or makuntento na kayo sa kasalukuyang kakayahan niyong mag-ingles. Para lang ito sa mga kailangan ng kaunting tulak sa likod para maging confidetly beUtiful sa pag-iingles.
I’d love to hear from you!