Minsan, nagiging dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan ay ang pagiging clingy ni GF. Ok lang naman maging clingy pero wag naman yung sobra at hindi na makatwiran.
Sa isang artikulo sa Washington Post ng kolumnistang si Carolyn Hax ay mayroong isang clingy GF na nanghingi ng payo at ito ang mga pangyayari:
Dear Carolyn: My boyfriend and I live together. He travels for work two to four days per week. When he’s gone I am lonely and depressed. I have asked him to consider a new job where he’s not on the road constantly. He asks me to get off his back and says he’s only trying to make a living. What do I do? – Traveling Joe
Traveling Joe: If he dumps you or dies, then what’s your plan? Find a new man to lean on?
Single-source dependency is misery, be it on a drug or boyfriend or anything else. It means you’re always begging someone for your happiness.
There’s nothing wrong with missing someone, maybe not even someone who wants you “off his back.” But when you have absolutely no resources for living fully in his absence, no friends/books/hobbies/causes/purpose, then you’re not just squandering valuable days of your life. You’re also denying yourself the most profound source of strength: seeing value in yourself, and your time, independent of anyone else.
Such value means you’re not beholden to any one person; you can address your own loneliness, avoid neediness, tell dismissive boyfriends to stuff it.
Please use this week’s solo time to list, seriously, on pen and paper, all the ways you can start taking care of you.
So si Traveling Joe yung humihingi ng payo kay Carolyn.
Sa pagkakasulat niyang “he asks me to get off his back” ay inaassume ko na ang tingin na sa kaniya ng boyfriend niya ay isa siyang Koala Bear na hindi bumibitaw sa sanga (which is yung bf niya). Ok lang maging Koala Bear, basta cute ka. Paano kapag nakakainis ka?
Napakaganda ng mga puntong binigay ni Carolyn tungkol sa self-dependency and all, dahil sadyang napakahalaga no’n hindi lang sa mga kababaihan, kundi para sa lahat. Pero kung ako ang magpapayo kay Traveling Joe ay mas tututukan ko yung aspeto ng pagiging sobrang clingy niya bilang para sa akin ay ito ang issue niya. Narito ang ilang tips kung paano niya maiiwasan ang pagiging sobrang clingy at kung paano siya magiging masaya at produktibo kahit wala si boyfie.
Tips : How to Become A Cute Koala Bear
1. Magtanim ng Monggo
Sa kaso ni T.Joe, mukhang naiinip siya sa ilang araw na pagkawala ng kaniyang nobyo sa bahay kaya ang maipapayo kong pinakamagandang gawin niya ay magtanim na lang siya ng monggo. Madali lang magtanim ng monggo. Kahit elementary students ay makakapagtanim nito. Ibababad lang ang monggo sa tubig ng tatlong oras, ililipat sa basang tuwalya o bulak at iwanang ganon sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Pagbalik ng boyfriend niya ay may Toge na siya kaya may libreng ulam na sila. Maaari siyang magtanim tuwing aalis ang boyfriend niya at magluto tuwing babalik ito.
2. Magbunot ng Kilay Gamit ang Tsane
Imbes na magpunta sa salon para magpathreading, magbunot na lang ng kilay gamit ang tsane. Matatanggal ang inip niya nito dahil matagal magbunot paisa-isa. Pero bukod sa malilibang na siya, hindi pa siya masasaktan dahil minsan sa bilis magthreading nung mga nasa parlor ay natatanggal pati balat ng talukap ng mata. At least siya, pwede niyang dahan-dahanin ang pagbubunot. Isa pa, makokortehan niya ito ng ayon sa gusto niya. Kapag naman natapos ng kortehan ang kilay at wala pa rin si boyfie, simulan namang bunutan ang kilikili.
3. Isuot ang Malalaking Tshirt ni Boyfie at Piktyuran ang Sarili
Kapag sobrang namimiss na niya si boyfie, isa sa mga pwede niyang gawin ay isuot ang tshirt nito para mafeel niyang kasama niya ito. Sunod ay piktyuran niya ang sarili niya at isend niya kay boyfie. Pero hindi dapat selfie ang kuha kasi pag selfie ay puro mukha niya lang ang makikita. Para saan pa at sinuot niya ang tshirt ni boyfie? Tandaang mayroong timer ang camera ng cellphone. Isandal sa baso para tumayo yung cellphone at ng makuhaan hindi lang ang mukha kundi pati na rin ang tshirt ni boyfie.
4. Kalma Lang sa Pagsesend ng Messages
Kapag napiktyuran na ang sarili, malamang ay isesend na agad ito kay boyfie. Pero teka lang. Alam nating lahat na sandamakmak ang piktyurs na kukunin niya kaya tandaang isa lang ang dapat ipadala kay boyfie. Tapos dapat ang mensahe lang na kasama nito ay:
Miss U.
Yun lang. Wag na wag ng dadagdagan pa, tulad ng Miss you boyfie, kelan ka uuwi? Ang tagal mo namang bumalik. Hanggang kelan ka pa diyan? Baka may babae ka diyan? Namimiss mo din ba ako?
Bakit kamo? Kasi pag Miss U lang ang message, madali lang replyan ng Miss U Too. Pero pag may open ended questions ka pang dinugtong, ikaw ba sa exam, gusto mo ba ng mga open ended questions?
5. Maging Parang Isang Unan
Gaya ng sabi ko nung umpisa ng post na ito, minsan nagiging dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan ay yung pagiging sobrang clingy ng mga babae or minsan ay ng lalake din. Sa kaso ni T.Joe, ipapayo kong maging parang unan siya para hindi siya kainisan at later on ay hiwalayan ni boyfie. Bakit? Sa istorya nila, madalas na nasa biyahe si boyfie at sa palagay ko ay naiinis na ito ng husto para sabihan siyang get off my back. Kapag ganito, minsan maging parang unan din dapat si T.Joe kasi ang unan, hinahanap hanap ng katawang pagod, physically. Komportable ang unan, at nandiyan kapag gusto mo lang ng pahinga at ng kaunting peace of mind. Kung magiging parang unan si T.Joe, hindi na niya kailangan pang mag-cling dahil siya na ang babalik-balikan ni boyfie.
(Take note lang na ang payo kong ito ay hindi, para laging i-please ng mga babae ang mga lalake. Ito lang ay kung nakakasira na ng relasyon ang pagiging clingy, na dapat magstepback din si T.Joe sa pagiging clingy niya at who knows kung nagger pa siya).
6. May Sarili Kang Buhay sa Labas ng Inyong Relasyon
Dito ko medyo uulitin ang punto ni Carolyn. Kahit pa halos mag-asawa na sila T.Joe at ang kaniyang boyfie dahil nag live in na sila ay dapat pa rin siyang magkaroon ng buhay sa labas ng kanilang relasyon. Hindi ko naman sinasabing mag ladies night out siya lagi or what. Pwede niya ring gayahin ang koala bear na natutulog ng 20 hours a day. At least ginawa niya yun para sa sarili niya. Pwede rin siyang ngumuya ng Eucalyptus para talagang Koalang koala na siya. Pwede siyang magkaroon ng plantasyon ng monggo sa bakuran o kaya pwede siyang magwalis ng bakuran nila at ng bakuran ng mga kapit bahay nila at ng buong baranggay. Hindi na siya nainip kakaintay kay boyfie ay naging isang kapaki-pakinabang pa siyang mamayan.
Hindi lang sa NASA madalas nababanggit ang SPACE. Sa mga relasyon din. Sana lang kung mababasa ito ni T.Joe kahit mukha namang imposible ay gawin niya ang mga payo ko para hindi na siya yung Koala Bear na ipagtatabuyan ng boyfie niya paalis sa sanga kundi isang Cute na Koala Bear na si boyfie mismo ang magsasabit sa sarili niya.
***
Salamat po Ma’am P sa article. Medyo nahirapan po ako. 😀
I’d love to hear from you!