Dear Ms. Pia,
Una sa lahat ay salamat sa napakalaking karangalang ibinigay mo sa mga Pinoy. Sobrang late na nitong mensahe ko pero better late than never.
Sa dinami-dami ng mga pictures mo na nagkalat online ay ito ang pinost ko dito sa isang kadahilanan.
Hindi dahil sa teddy bear o sa damit moΒ o sa iyong kagandahan. Ang tunay na dahilan ng pagpost ko ng picture mong ito ay ang iyong paa.
Tama ang iyong nabasa. Tungkol ito sa iyong paa.
May mgaΒ comments kasi tungkol sa size ng iyong paa. Β Ano nga po ba ang size ng inyong paa at saan ka bumibili ng sapatos?
Nais ko sanang iparating sa iyo ang hinaing ng mga katulad kong size 11 ang shoe size. Sa Pinas, hindi talaga ako makabili ng sapatosΒ dahil pinakamalaki na ang size 9 sa mga pambabaeng sapatos. Buti sana kung 9 and 1/2 yung size ko diba? Baka pwede pang ipilit dahil lumuluwag din naman ang sapatos afterwards. Pero hindi ako 9 and 1/2.
11.
Naiinis ako dahil may mga design ng sapatos sa Pinas na wala dito sa Dubai pero hindi ako makabili dahil wala nga akong size.Β Dito sa Dubai, wala akong problema dahil parang normal na normal lang ang size ko pero paano pag umuwi na ako saΒ Pinas for good? Kailangan ko bang lumabas ng bansa para lang makabili ng sapatos? O ngayon pa lang ay magpakahon na ako ng limpak-limpak na sapatos at ipalagay ko sa ref para ma preserve?
Hirap na hirap ako mula high school dahil kahit namamatay na ako sa inggit sa mga kaklase kong babae na barbie shoes ang pampasok sa school, ako top-sider or bulldog ang sapatos dahil sa panlalakeng sapatos lang ako nakakahanap ng size. Nasaan ang karapatang pang-paa ko diyan? Bakit wala akong kalayaang makapamiliΒ at makapagsuot ng sapatos na gusto ko?
Nung college naman ako ay may nadiskubre akong brand ng ladies shoes na may size 10, bilang size 10 pa lang ang paa ko noon. Medyo mahal siya pero dahil wala akong choice, dun talaga ako bumili. Pero pinilit kong patagalin ang buhay nung sapatos ko dahil mahal ito kaya mula 2nd year college ay nagamit ko hanggang makagraduate ako at dinala ko pa dito sa Dubai sa pag-aakalang wala din akong mabibiling sapatos dito. Ang brand na ito ay may branches sa Ali Mall at Megamall noon pero nung binalikan ko ilang taon na ang nakakaraan ay hindi ko na nahanap.
Ms. Pia, kaya ko sa inyo idinudulog ang aking hinaing dahil baka someday, you, your friends and this club, will decide to create aΒ clothing line or shoe line eh please paki consider naman yung mga katulad kong barko ang paa.
Alam niyo ba yung feeling na ok lang talaga tumaba dahil kung hindi na magkasya sa akin ang damit ko ay pwedeng bumili ng next size na shirt or pants o kaya ay magpapayat na lang ako para kasya pa rin sakin yung mga damit ko. Pero anong gagawin ko sa paa ko? Hindi siya pumapayat o lumiliit? Ano, magpapaka-lotus feet ako? Nasaan ang hustisya?
Wala na akong pakialam ngayon sa mga dating nakapipikon na kantiyaw na ang kasya lang daw sa aking sapatos ay yung higanteng sapatos na nasa gitna ng Marikina River. Ang pakialam ko na lang ngayon ay kung saan makakabili ng sapatos sa Pinas.
Isa pa, kung you, your friends and this club will not create a shoeline, baka pwede mo na langΒ impluwensyahan ang mga manufacturer ng sapatos sa Pinas na gawan din kami ng size. Makikinig sila sa iyo dahil isa ka sa mga pinaka maimpluwensyang tao ngayon sa balat ng kababaihan at ka-beki-han, at sa balat ng mundo at ng universe.
Sana ay mapansin mo ang aking munting hinaing tungkol sa aking karapatang pang-paa.
Nagmamahal,
Ako na Size 11 ang Paa
I’d love to hear from you!