Liebster Again and Again LOL

Hindi pa ba kayo nagsasawa sa kakanominate sa akin? Ha ha. Nakakatrauma na kaya. yung tipong tuwing may post sa reader ko ng kung ano anong award ay natatakot akong tingnan ito dahil baka kasali na naman ako.

img_0417

Though pwedeng pwede naman akong tumanggi tulad nung iba at sinasabing award free na yung blog nila eh tinatanggap ko pa rin ang kaawardan na ito dahil natutuwa ako sa Q&A portion.

Kaya heto na naman. Ako ay nagpapasalamat sa nag-nominate sa akin na si Anje ng Punjetry. Pakidalaw po ang kanyang blog para sa iba’t ibang klase ng mga posts, minsan masaya, minsan beast mode pero para makita niyo na din ang kaniyang little joy na si Alessandra πŸ™‚

Heto ang rules:

As usual, inonominate ko na naman yung mga bagong blogger sa paningin ko. And as usual, bahala sila kung sasali sila or dedemahin na naman nila ako gaya ng ginagawa ng iba ha ha. Heto na sila!

SweetSammy

TheDiaryof20s

Wakaba’s World

Cryptic Princess

Ms. Juan

Oblivion

The Author

Liz Calingacion

Wachasee

Jereemiarubim

Filipino Idiotcracy

 

Sorry have to exceed and add one more blogger here…

Bookstarterfuss >>> Pinoy pala siya ha ha

 

Heto ang 11 Questions ko para sa mga nominees:

  1. Why do you blog?
  2. Define love.
  3. Given a chance to go to Mars and live there, would you? Why or why not?
  4. Given a chance to live somewhere else other than the Philippines, where would thatΒ be and why?
  5. If you will invent something for the human race, what is it and what will be its function?
  6. Which X-Men character would you like to be and why? (ha ha ha kakapanood ko lang ng X-Men kagabi LOL)
  7. Song that best describes your life now.
  8. Describe yourself in 3 words.
  9. Your favorite cuisine.
  10. Dream job.
  11. One public figure who inspired your life and in what way?

As always, kahit hindi na-nominate, everyone’s welcome to answer the questions.

 

Heto naman ang mga tanong ni Anje na sasagutin ko:

 

If you’re not writing, what another passionate hobby do you like doing and why?

Mahilig ako magbasa. Pero dito na lang ako nahilig magbasa sa Dubai kasi noon sa Pinas, wala akong pambili ng libro kahit tag 150 pesos lang no’n yung mga libro ni Bob Ong, di ko kayang bumili.Β Andami kong hobbies, depende sa mood. Kumanta at maggitara, magdrawing, magtahi ng bag and pouch. Napagtripan ko ding magdrawing sa mugs kaso tinigilan ko nung nawalan na ako ng oven na pagsasalangan nito..

https://www.instagram.com/p/BAkr1Rvo2Dc/?taken-by=ay_sabaw

 

Why did you choose WordPress? Why not other blog sites?

Sinubukan ko ang blogspot dati pero medyo naguguluhan ako. Nung masubukan ko yung wordpress, feeling ko idiotΒ user friendly siya.

 

Are you comfortable meeting other bloggers in person?

Oo siguro. Β So far, isang blogger pa lang ang namemeet ko in person. Gusto ko nga sana maka meet up yung ibang mga bloggers pag uwi ko ng Pinas kaso, parang pag ginawa ko yun, mawawala na yung mystery.

 

When you started blogging, did you intentionally wanted to write for yourself only or for other people? Or both? Why?

Actualy, di ko naman talaga naiintindihan dati kung ano ang blogging. Ha ha. Narinig ko lang yung word na blog sa isang Marketing staff, tapos sinearch ko kung ano yun and then naisip ko lang subukan. Kaya nung umpisa, nagblog lang ako for the sake of blogging, di ko alam kung para saan ba ang mga pinagsusulat ko noon ha ha.

 

Has blogging changed your life?

Yes, kasi dami kong natututunan.

 

What age did you start writing?

27 years old. Hindi ako maahilig magsulat dati. Hate ko ang essay writing. Essay na sa akin ang dalawang sentences. Minsan sinubukan kong gumawa ng diary, new year’s resolution ba… pero madalas yun from Jan to April lang. Ningas kugon ako eh. Nagsimula lang akong magsulat talaga nung nagblog na ako.

 

What age did you start blogging?

27 years old.

 

What is in it in blogging that keeps you writing more?

Dami ko natututunan, dami kong nakikilala virtually. Mas masaya tumambay sa wordpress kesa sa fb.

 

What is the longest duration you stopped blogging and why?

Hindi naman ako tumigil talaga. Nawalan ako ng gana. Yung tipong isang post lang sa loob ng isang buwan. Feeling ko kasi wala naman nagbabasa ng blog ko at wala namang kwenta pinagsusulat ko. Noon kasi puro rant lang sinusulat ko. Halos 1 year yon na madalang lang talaga ako magpost. Naging active lang ulit ako, Oct last year.

 

Who do you think is the most influential blogger?

Good or bad influence ba ‘yan? ha ha. Paano ba masasabing influential yung blogger? Pag maraming followers? Di ko alam kung sino. Β Pero halos lahat naman kayo dito ay nakakaimpluwensya sa akin, in one way or another. May kanya kanyang talent ang bawat blogger dito. Kahit simpleng rant lang ang pinopost or tula, may kanya-kanyang estilo sila sa pagsusulat.

 

Bakit blog log log log log log?

Anong tanong ‘to? LOL

 

 

11 Random Facts About Me:

  1. Hindi ako kumakain ng cheese at beef at hindi ako umiinom ng gatas.
  2. Kung gaano ako kakulit dito sa WP ay ganun din ako in person. Pero pag di ako kilala ng tao, first impression lagi sa akin ay nakaka intimidate ang aura ko. Ang taray ko daw tingnan. Kaya nga walang na-love at first sight sa akin eh. Laging love at second sight. LOL.
  3. Nung nakilala ko ang Rock and Roll, tingin ko sa lahat ng iba pang music ay baduy lalo na yung hiphop at rap o anything similar. Hate na hate ko ang kahit anong may kinalaman sa mga ‘yon. Β Pero kung ano talaga ang ayaw mo ay yun ang binibigay sa iyo. Binigyan ako ng hubby na mahilig manood ng FlipTop ha ha ha. Dahil nakikinood din ako, dun ko na naappreciate hindi lang yang mga rap na iyan kundi pati lahat ng klaseng music.
  4. Hindi ako mahilig kumain sa mga buffet restaurants kasi ayoko ng halo-halong lasa ng ulam. Gusto ko isa lang ang ulam. Maximum na dalawa. Ayoko ng iba’t ibang putahe. Pag napipilitan akong magbuffet, isa o dalawang ulam lang talaga ang kinukuha ko.
  5. Matindi akong dapuan ng emosyon. Pag masaya ako sobrang saya,Β pag malungkot sobrang lungkot. Mapapansin niyo naman sa mga posts ko kung ano ang nararamdaman ko.
  6. Hindi ako marunong umimbento ng kwento. Lalong hindi ako marunong gumawa ng mga sci-fi stories. Hindi ako nakakapagsulat ng something na hindi ko naramdaman. Yung mga short stories ko dito or tula, maraming parts doon ang totoo, naramdaman o nakita ko, dinadagdagan ko na lang ng mga twistsΒ at yun na yung mga parts na inimbento ko. Yung mga istorya sa Palengke Chronicles ko, marami doon ang totoo, nilalagyan ko lang ng twist at patawa pero madami doon naexperience ko at nakita ko dahil batang palengke ako.
  7. Bukod sa batang palengke ako, konduktor din ako dati ng jeep. Minsan tagahugas din ng mga parte ng makina ng ten wheeler truck.
  8. Bilang HRM grd ako, paborito kong subject namin nung college ang Beverage Β Management kahit hindi ako marunong uminom. Pero gusto ko pag bartending na ang pinag-uusapan. Marunong ako magbato ng bote. DATI.
  9. Gusto ko talagang makakanta ng kahit isang kanta ng Evanescence. Kaso di talaga abot.
  10. Crush ko si Miggy Chavez. Siya talaga si Crush dun sa post ko ha ha.
  11. Crush ko din si Steve Badiola ng Typecast.

18 responses to “Liebster Again and Again LOL”

  1. Nakakatawa basahin to HAHAHHA

    Liked by 1 person

    1. omg. Pinoy ka pala? gusto sana kita i nominate kaso nagdalawang isip ako itag ka kasi kako Tagalog ang post ko hahahaha

      Liked by 1 person

  2. Ay haha ung blog ko po kasi ay isang book blog kaya ganern ang peggy HAHAHA

    Liked by 1 person

    1. gusto mo sumali? itatag kita?

      Liked by 1 person

  3. Hahahahaa bakit ba ayaw mong cinocompliment ka?

    Liked by 1 person

    1. hahahaha pambihira always present na lang ako. ang hirap kaya mag isip ng tanong para sa mga inonominate no

      Liked by 1 person

      1. Hahahaha gaguhin mo nalang mga tanong nang ma-inspire

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha ha sira ka talaga syempre dapat pang Miss U ang tanong para mahirapan din sila mag-isip hahahaha

          Liked by 1 person

          1. Confidently beUtiful with a heart? Hahaha

            Liked by 1 person

  4. Halaaaaaa! Di ako nainform ditoooooo wahahahahaha.

    Liked by 1 person

    1. Ay hindi ka ba nainform? Late ka daw kasi pumasok sabi ni Ma’am eh bwHahhahaha

      Liked by 1 person

      1. Hahahahahahahahahahah. Sorry na. Galing ng entry mo

        Liked by 1 person

        1. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

          Like

  5. […] quoted by Ligawnakerubin from Ms. Aysabaw,Β this award was createdΒ  to recognize and/or discover new bloggers and welcome them to the […]

    Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: