Hindi lang tayo sa pag-ibig nagiging tanga.
Minsan sa pag-order din ng kape.
Nagpunta kami kagabi sa paborito naming kapehan sa may Al Rigga. Yung Caribou Coffee. Madalas kasi tahimik do’n. Nakakarelax. Pero kagabi andaming tao at medyo maingay. Pero sabi ko ok lang, parang andami namang nakatambay na gwapo. (Landi level 99).
Apat kaming magkakasama kagabi. Yung dalawang guys, pumwesto na sa sofa. Kaming dalawang girls, pumila na sa counter para umorder.
Madalas na inoorder ko sa mga kapehan ay yung cafe mocha lang o kaya ay yung malamig na counter part nito. Pero kagabi, sabi nung isang kasama ko, ‘anu yang Hello Summer na ‘yan?’ Siya yung tropa namin na mahilig tumikim ng mga flavors of the month.Β Kung ano yung bago or yung special ay yun ang inoorder niya.
Tiningnan ko din yung poster. Mukhang ok naman kaya sabi ko sige yang na lang. Yung Hello Summer na lang orderin natin ha? Inulit-ulit ko pa habang nakapila. Bale tatlong Hello Summer na yung oorderin natin. Tumango naman yung dalawang senyoritong nakaupo.
Ikaw? tanong ko sa kasama kong nakapila.
Mint Condition Mocha yung sa’kin, sabiΒ niya.
Habang nakapila kami, panay ang sulyap nung dalawang poging kuya na nasa unahan ng pila habang nag-aantay sila ng sukli. Feeling ko naman, kagandahan ko yung tinitingnan nila. (GGSS level 99).
Usually pag nagfefeeling ako, may kabulastugang nangyayari afterwards.
Nung oorder na kami, sabi ko kay Kuya Cashier, isa nga pong Mint Condition Mocha na small saka tatlong Hello Summer na Medium yung isa walang whipped cream.
Nagulat si Kuya Cashier at biglang napalingon sa menu nilang nasa may bandang ulunan niya.
Nung makita ko yung reaction niya, naramdaman kong may mali sa inorder ko. Nagmadali akong tingnan yung poster ng Hello Summer. Ay eto pala ‘tong tiramisu drink na ‘to. Ano ba to? Bakit kasi mas malaki yung nakasulat na Hello Summer na ‘to? Magcocomplain ako sa managament niyo nito eh. Sabay tumawa ako ng malakas para pagtakpan ang akingΒ nawalang dignidad.
Kala ko ma’am may bago kaming drinks na hindi ko nalalaman eh. Sagot naman sa’kin ni Kuya Cashier habang natatawa at nagkakamot ng ulo.
At infairness naman sa kaniya, nagtry pa siya mag-upsell. Ma’am eh sandwhich or cookies? Eto oh baka gusto niyo, Hello Summer na sandwich ‘to, sabay turo sa poster na maliit na nasa harap ko.
Ayun may katandem palang sandwich yung Hello Summer tiramisu drink ko.
Pag upo namin ay nagtawanan kaming apat sa panibagong bloopers na ginawa ko. Pero hindi ko naman talagaΒ sinasadya. Kaya pala panay ang sulyap nung dalawang poging kuya sa pila ay naririnig nila yung kakaHello Summer ko. Akala ko pa naman ay naaakit na sila sa taglay kong alindog pero mali pala.
Kaya talagang napagtanto kong hindi lang tayo sa pag-ibig nagiging tanga.
*********
Ilang araw ng naglalaro sa isip ko ang quote na inimbento ko
Live a life worth writing.Β
It willΒ be worth reading.
Naks ah! Pero lately puro yata bloopers ang nangyayari sa’kin. Hindi ko sinasadyang maging katatawanan talaga sa totoong buhay. Dito lang dapat sa blog yun eh.
**********
Naisip ko lang, dapat bayaran ako dito ng Caribou Coffee dahil inaadvertise ko sila at the expense of my dignity. LOL. Kahit isang pares lang ng Hello Summer na tiramisu coffee at sandwich.
Saktong sakto ako sa tanong nilang “Every Summer has a story, What’s yours?” #MyBouStory
**********
Sumakit ang ulo ko kakaisip sa katangahang nagawa koΒ kaya heto na nga lang ang isang kanta pampalubag loob. (Feeling DJ level 99)
Life is Wonderful by Jason Mraz
It takes some silence to make sound
And it takes a loss before you found it
And it takes a road to go nowhere
It takes a toll to showΒ you care
It takes a hole to seeΒ the mountain
video:Β msy2e
I’d love to hear from you!