Ang landi ko.
Tanda ko na eh may crush pang nalalaman. Pwe!
Anyway, si Crush, ay crush ko na noong teenager pa ko at forever crush ko pa rin siya kahit may asawa na ako.
Isa siyang public figure ok? At hindi lang ako ang may crush sa kaniya.
So ayun nga. Si Crush ay medyo conyo not because hindi niya kayang sabihin ang letter R pero kasi siya ay rich kid o nasa altashushudad (gaya nga ng sabi ni Megumiho). Yung tipo bang barya lang sa kaban nila yung tuition niya sa Arneow?
Parang may nambash yata sa kanya o siya yung may binabash at nabanggit nya tuloy na maraming bagay siyang hindi alam pero for sure alam niya ang sinasabi niya tungkol sa politika.
Napaisip tuloy ako. Sa mga tulad ni Crush na hindi nakakatikim ng pagdurusa sa pagsakay sa MRT o kaya pagpila sa mga ahensya ng gobyerno para sa napakaliit na benepisyo o kaya naman ay yung magmakaawa para makakuha ng scholarship para makatungtong ng high school o kolehiyo eh ano ba ang nagiging basehan niya sa pagpili ng kandidatong iboboto?
Siguro ang pinakamalala lang na dinanas ni Crush eh yung matrapik sa EDSA while nakaupo siya sa loob ng kaniyang comfy car. Nasubukan niya kayang sumakay sa mga bus na biyaheng Fairview galing Baclaran? Yung mas express pa sa express?
Iniisip niya kaya ang mga bagay na yan habang pinipili niya kung sino ang iboboto niya? Mapa mayor man o Presidente or VP?
O baka naman ang factors na kinoconsider niya sa pagboto ay yung mga kandidatong kamag-anak nila o kaya ay kasosyo nila sa negosyo. O kaya yung mga panyero ng erpat niya?
Sabi din ni Crush, andami pa rin daw talagang bobotante. Marami pa rin naman talaga. Pero marami na rin ang nagiisip ngayon. Hindi dahil kusa silang nagiisip kundi napipilitan na sila. Desperado na sila ngayon na magkaron ng pagbabago dahil sa paulit ulit na pagmamanipula sa kanila ng nga pinunong nagtatago sa likod ng salitang demokrasya pero masahol pa sa mga diktador kapag hindi nakaharap sa publiko.
Hindi ko pinagdududahan ang kaalaman ni Crush pagdating sa pulitika bilang sa Arneow siya nagtapos. Pero ano kaya ang alam niya? Mga teorya? Para sa mga tulad ni Crush, ang pulitika ba ay parang negosyo din?
Kung anak mayaman din kaya ako at naka-elbow to elbow ko si Crush sa university o kaya sa mga lugar na madalas tambayan ng mga altashushudad, magiging parehas din kaya kami ng pipiliing kandidato? At may chance din kayang maging crush niya ako?
I’d love to hear from you!