So bumibusiness trip nga ako dito sa Singapore ‘no. Pero kahit saan ata ako magpunta ay magnet ako ng mga kakaibang experience. Dapat yata gumawa na ako ng travel blog. Ganito mga title, TravelKalokohan.com o kaya TravelBloopers.com. Mga ganyan siguro. Original yung concept no? Ako pa lang gagawa ng ganyan.
Paglapag nung eroplano dito sa Changi Airport, Β nabanggit ko nga sa una kong post na zombie mode ako. So kahit 2nd time ko na saΒ SG, eh medyo naligaw ako palabas ng airport. Palinga-linga ako. Ayan tuloy!Β Nagmukha akong kahina-hinala.
Bigla akong tinawag nung babaeng immigration officer. Siyempre kinabahan ako. Pinadaan sa scanner yung maleta ko. Tapos chineck pa yung passport ko. Sus naman oh! Ininterview pa ko kung saan ako galing at kung anong gagawin ko sa SG. huhu.Β Pero dahil wala namang laglag bala o tanim bala sa SG, nakalusot ako ng maayos dahil wala namang akong binabalak na masama. Hmp!
Pagsakay ko ng taxi kako, Orchard Road please. Hindi ako maintindihan nung taxi driver. Paulit-ulit ko binanggit, nilakasan ko pa boses ko ‘no pero di niya ko maintindihan. English naman salita ko so in the end pinakita ko na lang yung print out ng hotel reservation ko.Β Tapos ayun nalaman niya na kung saan ako dadalhin. Lately nung tinanong din ako ng mga colleagues ko kung saan banda yung hotel ko, sinabi ko na naman ay Orchard Road pero di nila ako naintindihan yun pala all this time mali ang bigkas ko. Akala ko kasi, Orchard as in Orchid. As in Or[k]ard yun pala ang bigkas nila ay Or[ts]ard.

Speaking of pronounciation and accent, grabe zombieΒ na nga ako di ba? Hindi ko pa maintindihan yung Singlish (Singaporean English). Bukod pa diyan kakaiba yung accent nila. Tapos sobrang soft spoken pa nila na kailangan ko pang ipaulit yung sinasabi nila at kailangan ko pang ilapit yung tenga ko para lang maintindihan sila. Pano kasi, bingi na ata ako dahil nasanay ako sa mga Arabo at Indianong pasigaw lagi kung magsalita kaya pasigaw din ako sumagot para malaman nilang hindi ako nasisindak sa kanila.
Pero nung malaman ko na yung correct pronounciation ng Orchard dito, sobrang confident ko na at nagyayabang na ko sa mga taxi drivers. LOL.
Speaking of taxi drivers, may isang madaldal na taxi driver na kamuntikan Β na akong madaig sa kaalaman pagdating sa Philippine Politics and Current Events. Medyo mahina yung boses niya kayaΒ di ko siya masyadong naiintindihan. Oo lang ako ng oo dahil sabog ako at para matapos na lang yung usapan ha ha. Pero madaldal talaga si kuya at bandang huli pinaulit ko sa kaniya yung tanong nung sinabi niyang you don’t know that? Syempre feeling ko kinikwestyon naΒ niya yungΒ kaalaman ko diba? So sabi ko, sorry say that again?
Your president, what’s his name? He had a Korean girlfriend right?
Sabi ko, yeah he was linked to Jinri Park.
Nampucha nung chineck ko online, kay Grace Lee pala nalink si Pnoy. Ha ha ha. I’m so sorry idol Jinri. LOL
Pero infairness dito kay kuya taxi driver, kilala niya talaga si Arroyo at kahit pa si Duterte. Sinabi niya pang hindi totoo yung issue na sinusuportahan ng Singapore ang Davao. LOL. Kuya, ikaw na ang best in current events ha ha. Tuwang-tuwa ako kay kuya. Sana tularan siya nung mga taxi drivers sa Manila. Imbes manggulang sa metro at mang holdap eh sana nakikipagdiskusyon na lang sila tungkol sa current events. LOL.
Pagtapos ng office hours,Β naglalamyerda na lang ako dahil wala akong gagawin sa hotel atΒ hindi naman ako makatulog agad.
Hindi ako adventurous eh kaya nga di ako pwede maging backpacker. Dito lang ako naglalakad sa area malapit sa hotel. Pag na feel ko na parang naliligaw na ako at hindi ko na mahanap yung starting point ko ay bumabalik nako.

Nakakaaliw maglakad dito sa SG. Dito lang ako nakapaglakad ng naka mini skirt at shorts ha ha. Ang safe kasi. Sa Pinas kasi, kahit nakapantalon ako putek, may kumakalabit pa ng wetpax kong hindi naman kasing laki nung kay Nicki Minaj. Sa Dubai naman, kahit open city naman and allowed mag shorts pero bawal ang super iksi eh never akong nag short or skirt na mas mataas pa sa tuhod ko. Kahit sobrang init ay balot na balot pa rin ako. Why? Kung nakadamit nga ako ng disente ay halos hubaran na ako sa tingin ng mga Pakistani at Indian, at kung hagad-hagadin ako ng mga Arabong nakakotse kahit katanghaliang tapat ay ganun na lang, (yung tipong ilang kilometro na ang natakbo ko eh hinahabol pa ako at nagpapasalamat ako na may grocery akong napagtaguan) paano na lang kung nag short pa ko diba?
Ngayon ko lang naramdaman ang kalayaang makapag short at mini skirt without reservations (dasal lang).
Mas safe pa talagaΒ ang pakiramdam ko dito sa SG kaysa sa sarili kong bayan. Saka dito kahit ano ang suot mo eh walang pupuna sa’yo. Ni hindi ka nga titingnan man lang kahit weird yung combination. I felt safe. I felt free. (Pucha, makapagsuot lang pala ng miniskirt at short ang pinaglalaban ko dito no?)
Naghanap ako kanina ng makakainan. Kagabi kasi nagutom ako ng midnight dahil ang dinner ko lang ay tasty bread na may palamang parihabangΒ ice cream na pinagkakaguluhan ng mga tao.

So naglakad ako at napadpad ako sa Japanese resto na nagpapatugtog ng Cueshe, Calalily, Alamid at Orange and Lemons. Nung una naghesitate ako kasi medyo mahal. Bale ang isang bowl ng ramen na Tan Tan Men ay 14 dollars plus umorder pa ako ng cold green tea na 2 dollars. Baka di i-reimburse sakin ng company kasi baka sabihin sa mahal na resto pa ako kumakain ah eh meron namang 10 dollars lang isang buong meal na. Pero sabi ko, yaan na yan. Kung ayaw nila i reimburse di wag. Basta gusto ko ng ramen. LOL.
Nag enjoy naman ako pero ang weird kasi nung lasa ng ramen. Para siyang may peanut butter pero ayus naman. Nagulat na lang ako nung magbabayad na ako eh 11.7 dollars lang yung bill ko. Gusto ko sana magsalita pero madalas pag umaangal ako ay mas napapahamak pa ako. Kaya tahimik na lang akong nagbayad at nagmadaling umalis ha ha. Wag n’yo kong tularan ha LOL.

So ayun nga dahil palakad-lakad ako, aliw na aliw ako sa mga 7-11 dito. Kukuha lang ako ng coke sa fridge nila ay may nakadisplay na redhorse sa tabi nito. Sa Pinas normal ito, kaso sa Dubai never ka makakakita nito dahil para makabili ng redhorse do’n ay para kang pupunta sa black market, underground talaga. As in nakabaon yung mga redhorse sa ilalim ng buhangin. Una kasi bawal yun. May lisensyadong dealer lang ng alak sa Dubai at dapat din may lisensya ka para makabili ng alak Β or sa hotel ka iinom kaso ubos naman ang budget mo.
Tapos nakakatuwa pa yung shawarmahan na may beer diyan sa tabi-tabi ng kalsada. And weird mga tohl! Sa Dubai, yung shawarmahan, fresh juice lang ang kapartner ha ha ha.

Ilang beses Β na akong bumalik sa 7-11 na malapit dun sa hotel pero never ko napansin yung tindahang katabi nito. Nung napansin ko na, akala ko tindahan ng mga bra kasi kakulay siya ng shop ng Victoria’s Secret or La Senza. Pink and black. Β Nung natitigan ko siya, kako bakit bakit madaming mga boteng may lamang pampaluwag ng sapatos. Tapos napansin ko sa tabi ng mga garapong may pampalaki ng sapatos, may isang board ng mga makukulay na condom at may poster ng mais na nagvivibrate. Kaya na realize ko na hindi pala pampalaki ng sapatos yung laman nung mga garapon.

Nung una nahiya ako picturan dahil baka kung ano na lang ang isipin nung mga nakatambay do’n sa labas nung shop. Andami pating Pinoy. Pero sabi ko sa sarili ko, pucha, minsan lang ako dito sa SG talo-talo na ‘to. Kailangan maipost ko to ha ha. Walang ganito sa Dubai hahaha. So bumalik ako. Nagsuot ako ng brown stockings sa ulo para walang makarecognize sakin para lang mapicturan ko’to. Joke. Hindi ako nagstocking sa ulo. Pero nagmabilis lang akoΒ at nagpasimple lang.Β Sorry Β mga kids, rated PG.
Ayun, so pwede na ba akong maging travel blogger nito?
I’d love to hear from you!