I’m So Lost Without You

Padalang na ng padalang ang aking mga posts di gaya nung unang dalawang buwan ng taong ito. Ha ha. Sabi ko na nga ba. Ningas kugon na naman ako sa Project 366 – 2016 daily posts. Medyo tinamad ako lately at nawala sa hulog dahil imbes na magsulat ng mga medyo may kwenta at madalas ay walang kwentang posts ay nagdodrawing ako ng nagdodrawing kaya itatago ko muna ang watercolor ko ha ha.

So dahil nga nawala ako sa hulog sa pagsusulat, heto humahanap ako ng inspirasyon para makapagsulat muli at syempre ang una kong tinakbuhan ay musika.

Sa youtube pag may pinlay kang isang kanta tapos naka auto play ka, either magpaplay yung lahat ng songs nung artist or yung songs nung mga related artists. Out of nowhere ay biglang sumulpot sa aking utak si Bryan Adams at ang kanta niyang Heaven. Pinatugtog ko ito. Nag-auto play. Matapos ang dalawang kanta ni Bryan Adams ay sumunod na nagplay ang mga kanta ng Bon Jovi at Guns & Roses. Tapos, para kasi sakin, pag naririnig ko ang Bon Jovi, di mawawala ang Air Supply. So, di ko na tinapos ang mga kanta ng Guns & Roses, pinlay ko ang Air Supply.

Video: ByranAdamsVevo

Oh – thinkin’ about all our younger years
There was only you and me
We were young and wild and free

Ha ha. Alam ko na iniisip nung iba dyan ha  Pu%@ ang baduy!  Ha ha. Oi. Hardcore rakista to LOL. Pero hindi na yata maiaalis sa akin ‘yan. Ang pakikinig sa mga ‘yan. Di maiaalis ‘yan sa mga tulad kong anak ng jeepney driver (dahil ito madalas ang tugtog nila sa biyahe at sa bahay) na bumibiyahe ng Sarao na jeep mula Montalban hanggang Cubao hanggang Sta. Mesa hanggang Mandaluyong hanggang Pasig at pabalik. Minsan hanggang Quiapo pa ‘yan. Seriously? Di ko alam kung anong klaseng prangkisa  o linya o ruta meron si Erpat no’n, pero for sure wala na niyan ngayon ha ha.

Video: BonJoviVevo

 I’ll be there for you
These five words I swear to you.
When you breathe I want to be the air for you.
I’ll be there for you
I’d live and I’d die for you
Steal the sun from the sky for you,
Words can’t say what love can do.
I’ll be there for you

Sabi ng isa sa mga pioneers ng ating OPM rock scene, eh tigil-tigilan na daw natin ang pakikinig sa ating nostalgic playlist kasi napakaraming bagong kanta ngayon na mas magaganda (though he’s pertaining to OPM, he quoted OPM is not dead eh).

Totoo naman. Move on din sa mga lumang kanta at marami namang bago.  Pero kasi pag naririnig ko itong mga ‘to, eh andami kong naalala ha ha.

Tulad na lang nung Sarao na jeep namin na kulay Silver with a touch of yellow. Tapos may mga sliver na Kabayo sa harap. Merong reflectorized na mga sticker dun sa rear mirror na nakasulat JunAi. Syempre pangalan namin yang magkapatid (nung dalawa pa lang kami) Jun at Aisa. Meron ding maliliit na airplane or jet na design sa gilid nung jeep namin na iyon. Di ko alam kung pinasadya ni Erpat yun do’n bilang tanda na yung jeep ang bunga ng dalawang taon niyang pag-aabroad o baka talagang design na yun nung jeep.

 

Sarao Jeep. image: wikipedia

Para sa mga kabataan ngayon, baka di n’yo na nakikita ang ganyang jeep. Yung Sarao na pituhan lang. Di ko sinasabing matanda ako kaya inabot ko yan, mas bata lang kayo. Kasi ngayon, onsehan na yung mga patok na Morales at LGS na jeep diba?

Morales Jeep. image: ialocinnicolai.tumblr.com

May nagtanong sa’kin nung nakaraan kung ano daw ang favorite album ko at ang sagot ko ay wala. Pano ba masasabi na paborito mo ang isang album? Kapag kaya mong sabayan lahat ng kanta or kapag marami kang naalala pag naririnig mo yung mga kanta ng album? Kung yan ang basehan edi siguro masasabi kong all time favorite ko ang best hits album ng Air Supply at Bon Jovi. Kasi naman, kahit anong kanta ata nila ang mapakinggan ko, minsan kahit hindi ko alam yung title, talagang masasabayan ko. Weird ba?

Pero ano ba ang naalala ko kasi pag naririnig ko yang sila Russel Hitchcock at Jon Bon Jovi?

Naalala ko yung mga araw na kinagigisingan ko yang mga musika nila. Lalo na kapag Sabado na walang pasok sa school tapos wala ding biyahe si Erpat. Yung pagkagising ko, habang nagpaplay yung music na iyan ay naririnig ko din yung palo-palo at brush ni Ermat na hirap na hirap magtanggal ng mga grasa sa matigas na maong na pantalon ni Erpat. Tapos pag nakita niyang gising na kaming magkapatid ay ipagtitimpla niya kami ng Milo at papalamanan niya ng Star Margarine yung pandesal. At pag tapos na kami mag-almusal ay tutulong kami sa pagbobomba ng poso (syet tama ba yung term? ha ha) para mabilis siya makapagbanlaw ng nilabhan.

image : richardtolentino.com

Yun yung mga araw na malamig at matamis pa ang tubig na nilalabas ng poso at di pa uso ang lasang chlorine na tubig mula sa gripo.

 

Video: AirSupplyVevo

I’m all out of love

I’m so lost without you

Ang weird ng mga memories ko sa mga kantang ito. Parang love song naman kasi ‘tong I’ll be There For you, Heaven at All Out of Love. Baka theme song nga ‘yan ng ibang lovers ha ha. Pero ito talaga ang mga kantang nakakapag-paalala sa akin nung mga hapon na naglalambitin lang kami sa estribo ng jeep habang nag-aayos si Erpat ng makina at dahil maiinis siya sa kalikutan namin, isasama na lang kami ni Ermat sa pagbili ng meryenda. Monay at softdrinks. At minsan may Nutri star at Pritos Ring pag di kami pasaway.

Nandito sa mga kantang ito ang mga alalaala ng minsang malaglag mula sa manipis na plastik yung bote ng softdrinks, sumabog at napunta sa hita ko yung bubog. Alaalang imbes ambulansya ay yung jeep ang nagdala sa akin sa ospital. Alaala ng pabalik-balik at pawala-walang malay habang tinatahi ng doctor ang aking hita. Ayan, di na daw ako pwede maging model dahil may malaki akong  higad sa hita.

Dito ko naalala yung pag-uwi ni Erpat sa gabi galing sa biyahe na amoy na amoy yung usok sa kanyang mga damit at nangingitim na puting goodmorning towel sa leeg at yung medyo gray sa alikabok na niyang Chuck Taylor na puti. Pinambabyahe lang niya yung Chuck Taylor ‘no?

Nandito rin yung mga alaala ko ng uhugin at kulangot days ko. Susme! Ipagpapalit ko ba ‘tong nostalgic playlist ko?

Hindi siguro.

41 responses to “I’m So Lost Without You”

  1. Nakakaloka na nga yung sobrang hahabang jeep eh. Lalo na pag dun ka umupo sa may labasan. Parang may magical na portal sa loob kasi ang daming pumapasok pero walang bumababa. Hahaha atsaka Yung capacity ng jeep ngayon depende na. Minsan kahit waluhan, porket may space pa, magdadagdag pa huhu. Pero ate, ang kyut ng jeep ng erpat mo. haha

    Liked by 1 person

    1. hahahaha oi hindi yang nasa picture ang jeep ni Erpat ah….wala lang akong makuhang image LOL…pero na imagine mo na siguro na hawig dyan yun ha ha ha…

      nagkaron din kami nung jeep na parang may portal sa loob sa haba LOL pero nabenta na din ha ha ha ha

      Liked by 1 person

      1. hahaha naimagine ko naman po lalo na yung silver na kabayo. haha ang alam ko pumasada rin yung papa ko noon, kaso wala pa yata ako sa mundo nung panahong yun. hahaha

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha parang in na in noon magka jeep eh ha ha ah ha

          Liked by 1 person

  2. Bakit kaya mas masarap at mas masaya ang buhay noon, noong wala pang major invasion ang teknolohiya sa buhay ng mga tao. Nakakamis, buti na lang may mga kanta na nagdadala satin sa mga nagdaang panahon na iyun. Nostalgia.

    Liked by 1 person

    1. Ha ha ha. Noon kasi naguusap pa mga tao…ngayon nagchachat na lang kaya mas masaya noon…

      Like

      1. You’re alive! Goodmoooorning 🙂

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha ha hapon na noooooooooooo 😀

          Like

          1. ah unga pala, kaggcng ko lang kase.lol

            Liked by 1 person

          2. ikaw pala! good mooorning haha aha

            Like

          3. Sunset is my sunrise and sunrise is my sunset. Wait, anong sabi ko? haha

            Liked by 1 person

          4. ha ha ha ha magkape ka nga muna tsong ha ha ha….galawang bampira ka ha

            Like

          5. Good idea, hahanap pa ako ng victim kase gusto ko magkape, yung kape na dark red..Rawwrrr. hahaha.

            Liked by 1 person

          6. Hahahahaha matapang-tapang na kape yan ah

            Like

          7. Bloood. Bloood. Blood. Blood. haha

            Liked by 1 person

          8. Joke. Check ya, later. magsulit ka na ulit namimis ko na gulo sa palengke at si Buding 😀

            Liked by 1 person

          9. ha ha ha oo nga…di ko pa malaman kung ano ang next episode ha ha ha…sige…laters na lang

            Like

          10. bigla ko napansin, kala mo kung sinong editor ako kung makapag-demand ng article sa’yo. haha. peace out tol.

            Liked by 1 person

          11. ha ha ha ha grabe siya oh…ok lang yun ahahhaa

            Like

  3. Hahaha ano po yung silver na kabayo ? Yung poso dito samin uso pa din hanggang ngayon. Tapos yung mga jeep naman , kailangang maghintay ng matagal, kasi sobrang hahaba ngayon ang tagal mapuno 😂

    Liked by 1 person

    1. Omg! Annegandamo. Di mo ba alam na noon…hinihila ng mga silver horses yung mga jeep dahil wala pang makina..para bang kalesa? Kaya nga may tinatawag na horse power bwahahhahahahaha joke lang…yung silver na kabayo ay design sa unahan ng jeep…tingnan mo yung mga sarao na jeep hahahaha…buti pa dyan may poso pa…samin natuyo na 😂😂😂 may forever pala kayo dyan…forever pagaantay na mapuno ung jeep haha

      Liked by 2 people

  4. Vhon Gatchalian Avatar
    Vhon Gatchalian

    Meron parin jeep na pituhan te. Classic nga yun eh, sobrang open pa. Kahit sa bintana ka na pumasok at lumabas pwede eh. 2 jeep lang yata meron non dito byaheng Cainta-Pasig, ewan. Yung driver ng jeep na ganon sobrang chill lang magmaneho, laid-back pa. Hindi pa trying hard na bass-boosted yung speaker, parang pang transistor lang yata yung speaker ng mga ganung jeep eh. Yung ibang jeep nag va-vibrate yung glutes mo tska pwet pag nagpapatugtog. Hahaha

    Liked by 2 people

    1. Hahahaha natawa ko sa pwede lumabas-pasok sa bintana…gawain mo ba yan Vhon Ruler hahahaha

      Oo chillax lang driver ng mga pituhan kasi ilang stop lang puno na sila hahaha boundary na….di tulad nung mga jeep na may thugs thugs thugs

      Liked by 1 person

      1. Vhon Gatchalian Avatar
        Vhon Gatchalian

        Try ko minsan ate aysa para maiba naman. Hahahaha! 😂😂

        Liked by 1 person

        1. Hahahaha exciting din yan….nagawa ko na din yan noon bwahahahaha…matinding pangangailangan 😂😂😂😂😂

          Liked by 1 person

          1. Vhon Gatchalian Avatar
            Vhon Gatchalian

            Ayyy. 😂 Haha!

            Liked by 1 person

  5. Tapos gusto ng government elbowin ang mga jeep 😦

    Liked by 1 person

    1. Dapat pwede pa rin ang jeep sa labas ng manila….sa manila lang naman ang issue eh

      Liked by 1 person

      1. Tatay ko jeepney driver dati kaya may sentimental value ang mga jeep sakin. Sentinental value talaga. Haha

        Liked by 1 person

        1. Hahahaha malaking parte kaya ng buhay natin ang jeep

          Liked by 1 person

          1. Truth. Pati jeep na walang malay pinapakelaman.

            Liked by 1 person

  6. akala ko rin yan yung picture nung jeep niyo. haha uy, walang makakatalo sa classic/nostalgic songs. sarap lang balikan at pakinggan ng paulit-ulit. so just keep playing ’em! 😀

    Liked by 1 person

    1. Haha di pa uso non ang picture picture…mahal pa develop at mahal ang film kaya di uso picturan ang mga jeep at kung anek anek hahaha

      Liked by 1 person

      1. wahahaha.. yung may takip na tela pa ba sa likod? ahahahah

        Liked by 1 person

  7. Interesting pictures. I was playing guessing games with your words.

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha….the post is about my nostalgic playlist which includes Bon Jovi, Air Supply and Bryan Adams and the memories with their songs…which are the jeepneys 😀 the vehicles on the picture 😀

      Liked by 1 person

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: