Ito ay para kay B
Pero di ito
Kwento ni Ricky Lee
Para ito sa paulit-ulit
Nating sinasabi
Tinatanong
At dinidibdib
Bigo. Basag. Bakit?
Itatanong mo
Sa sarili mo
Makailang ulit
Hanggang makapito
Kasalanan ko ba?
Anong nagawa ko?
Nagkulang ba ako?
Anong meron siya,
Na wala ako?
Itatanong mo
Sa sarili mo
Makailang ulit
Hanggang ika’y malito
Parang siyentipiko
Naghahanap ng sagot
At mga pruweba
Para magkaro’n ng solusyon
Parang makata
Naghahanap ng sagot
Sa mga taludtod at saknong
Na tila ba bugtong
Parang musikero
Naghahanap ng sagot
Sa kanyang mga liriko
Sa tono at tunog
Ito ay para kay B
At sa mga tanong na bakit
Bakit bumubuhos ang ulan?
Bakit bumabagyo?
Bakit nagka-tayo?
Bakit ako naiwan?
Bakit lumamig na ang kape?
Bakit nawalan ng tamis ang tsokolate?
Ito ay para kay B
At sa mga bagay na masakit
Na kahit anong iwas
Ay bumabalik pa rin
Muli
Ito ay para kay B.
Para sa iyong pusong basag.
Para kay B.
Broken Heart.
***
Angdami ko lang kasing nababasang rants ng mga bloggers na may pusong sugatan. Nanganganak ba kayong mga heart broken? Dumadami kayo eh 😀
I’d love to hear from you!