Loving You

May mga araw na weird. Yun bang magigising ka sa wrong side of the bed.

Pero may mga araw pang mas weird. Yun naman yung magigising ka sa right side of the bed.

Yung tipo bang 7:30 dapat ang alis mo sa bahay para pumasok tapos 7:15 na ay hindi ka pa nakakaligo tapos pakanta-kanta ka pang naghuhugas ng mga pinggang pinagkainan ng almusal.

Yung imbes 7:30 ka aalis sa inyo ay 8:00 ka na nakaalis tapos pabanjing-banjing pa ang lakad mo papuntang tren. At dahil tanghali na’t rush hour na, punong-puno na yung tren pero wala kang pakialam at parang ang gaan pa rin ng iyong pakiramdam.

Tapos pagbaba mo naman ng tren at pagsakay mo ng bus, itinulak ka na papasok pero parang wala ka pa rin pakialam at chill na chill ka lang.

Tapos pagbaba mo ng bus at paglakad mo papunta sa office ay mainit na dahil nga tanghali na at pa-summer na ay para kang naglalakad sa Luneta. Tapos feeling mo may cherry blossom sa gitna ng disyerto kahit puro buhangin at damo lang ang nakikita mo.

Pagdating mo sa office ay baskil ka na dahil sa init pero ige-greet mo yung boss mo ng masayang-masayang umaga at habang ipinagtitimpla mo siya ng kape ay kumakanta-kanta ka pa ng

…each day in spring time

loving you

is easy coz you’re beautiful….

Tapos paghatid mo ng kape niya ay tatambakan ka ng trabaho at sasabihin mo pang I’m so happy because I have a lot of work to do today – in a singsong voice.

Sabay napakabilis mong gagawin ang mga pinapagawa niya sa yo at ngayo’y tapos na at nagboblog ka na lang at kumakanta kanta.

At for the first time in your life, hindi ka maiinis kahit pa makita mo ang mukha ni Binay at Roxas sa iyong newsfeed.

video credits: BBC

48 responses to “Loving You”

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: