Manipis
Halos mabutas na
Ang swelas ng tsinelas
Na hindi malaman
Kung kailan pa
Unang napigtas
Maliwanag
Mata’y nasisilaw
Noong halos kumunot na
Paningi’y halos magdilim na
Sa gutom at pagod
Na laging iniinda
Pawisan
Ang katawang
Di kailanman
Nakaranas ng sarap
Ang pahinga
Ay saan maapuhap
Kalyo sa palad, sakong at talampakan
Dugo, pawis, kahirapan, hanggang kailan?
Pagbabago?
Tao?
Tayo?
Sa bawat sigaw,
Boses na uhaw, nakaririndi, nakapupugnaw
Dahas, pwersa, lakas, para saan?
Pagbabago?
Ikaw?
Ako?
Bayang kubkubin man ng dilim
Abutin man ng dapit hapo’y nangangarap pa rin
Lamunin man ng gabi
Tupukin man ng hamog at lamig ng madaling araw
Muli’t muli ay manganganak
Ang bukang liwayway ng panibagong araw
Na maghahatid sa atin sa katanghaliang tapat
Ng damdaming patuloy na umaapoy, nagbabaga,
Lumalagablab.
***
Ang post na ito ay isinali ko sa online poetry contest ng Drunken Poetry Nights na may temang Lagablab. Sumali ako kahit alam kong hindi naman ako mananalo at hindi rin ako makakarating sa kanilang reading night. At ayun nga, magagaling yung mga nanalo haha.
Anyway, nung malaman ko na ang tema ng contest ay Lagablab o White Heat ay agad kong naisip yung insidente sa Kidapawan kaya ang tulang ito ay para sa ating mga magsasakang patuloy at patuloy na tinatapakan ang karapatang pantao.
***
Lately panay ang pag-a-art is kool ko kasi natuto akong mag watercolor. ha ha. Pero matatapos din ang kahibangan kong ito pag nagsawa na ko haha.

Ang ganda ng tula, isang magandang lathalaing pampanitikan (if this sentence is gramatically correct haha) nice art too 🙂
LikeLiked by 1 person
ha ha. salamat Miggy…
LikeLiked by 1 person
tol, pano ba gumawa ng about page. gumawa ako kaso bakit di ko naman makita sa site ko? haha, buti na lang di nangangain ng engot tong wordpress. helppp
LikeLike
hahahahaha…baka naman di mo na-publish? kaya di lumalabas sa site mo?
LikeLike
na-publish ko eh.i “add a new page” tapos nakikita ko lang sya under my Portfolio, laki ng problema ko no?
LikeLike
meron ka namang about page? ayun nag comment ako hahaha
LikeLike
aw. haha.di ko makita sa page ko but at least andun pala. haha. takte. cge ok. good.
LikeLiked by 1 person
kamote kasi nagtatago siya…pag pumunta ka sa page mo, sa upper right merong maliit ng W na nasa loob ng bilog ha ha. pag pinindot mo un saka lalabas yung about page mo hahaha
LikeLike
Viola! andun lang pala. takte! malay ko bah! hahaha. salamat po titser. haha
LikeLiked by 1 person
bwahahahahahah meron kasing mga weird na layout ang wordpress na nakikipagtaguan pa muna yung mga pages ha ha ha
LikeLike
well, mas kilala mo ang wordpress kaya am gonna bug you whenever needed and you do not have an option. LOL. salamat. mukang iba-iba nga ng trip nung mga lay-out.
LikeLiked by 1 person
hahahha sige lang…just give me a buzz…
LikeLike
thanks pre, kampay!
LikeLiked by 1 person
and you’re welcome 🙂
LikeLiked by 1 person
I don’t understand a word of what’s written here, but I really like the painting, so I will like this post. 😛
LikeLiked by 1 person
Hahahaha…thanks 😂😂😂😂
LikeLiked by 1 person
Make more of these. 😀
LikeLiked by 1 person
Hahaha will try to…just learned how to use the watercolor haha 😂😂😂
LikeLiked by 1 person
I used to do something with watercolours when I was little. So many of them lying at home. 😛
LikeLike
Ganda😘
LikeLiked by 1 person
salamats he he
LikeLiked by 1 person
Galing talaga!
LikeLiked by 2 people
😂😂😂😂
LikeLike
Malalim at makabuluhang kata na akma sa panahon ngayon…. Sana nga may pagbabagong magaganap…
LikeLiked by 2 people
sana nga po…..
LikeLiked by 1 person
WOW!!! Fiiiiyeeer! Lupit nito ah.. Pati drawing sinama mo sa submission?
LikeLiked by 1 person
Hindi hahahha late ko na naisip yung drawing hehehe
LikeLiked by 1 person
May kasama pala tong tula. Parang ang sarap basahin. Kahit hindi ka makaabot sa reading, gawan mo rin kaya? 🙂
LikeLiked by 1 person
Pano? Yung parang podcast? Wahahahah ayaw ko…di ako marunong hahaha…ikaw na lang kaya? Hihihi dali na
LikeLike
Beautiful watercolor artwork.
LikeLiked by 1 person
salamat po hehe
LikeLiked by 1 person