Palengke Chronicles 8: Sundae

Ang Palengke Chronicles, si Aling Mertha at ang limang taong gulang na anak nitong si Buding ay pawang mga kathang isip lamang.

***

Busy talaga dito sa palengke pag Linggo ng umaga. Minsan kakabukas ko pa lang ng tindahan, mga bandang alas sais y medya ng umaga eh dinadagsa na ako ng mga mamimili lalo na ngayong papalapit na naman ang pasukan, andaming namimili ng uniform.

So kaninang umaaga nga ano, mga alas diyes, talagang kasagsagan ng dami ng tao at hindi ako magkandaundagaga. Tanong ng presyo dito, buklat ng stocks do’n, tawad si ate dito, tawad si kuya do’n, halungkat ever dito, bulatlat ever do’n. So para talagang binagyo yung mga stocks ko nung mga bandang mag aalas dose na. Sobrang gutom na’ko, as in nanginginig na ko sa gutom dahil hindi ako nakakain ng meryenda kaya dali-dali ko na lang kinain yung banana cue na inabot ni Mang Obet kanina. Hindi ko na nga nabayaran kasi busy talaga ako kaya inutusan ko na lang si Buding. Kako, ‘nak, bayaran mo nga ‘nak si Mang Obet ng banana cue ko kanina oh. Lumapit sa’kin si Buding at kinuha yung pambayad sabay sabing, Ma, weewee ako, penge lima. Inabutan ko naman ng pambayad niya sa cr, kasi nga dito sa palengke kada gamit ng cr eh may bayad.

Halos kakatapos ko lang magtupi ng mga stocks, magsabit ng mga display at magtapon ng mga sobrang plastik ay may dumating na costumer. Pasado ala una na di pa ko nanananghalian, itong si Buding ay kusa nang kinuha yung baon namin at kumain na lang mag-isa, kawawa naman ang anak ko di ko na maasikaso pero at least marunong na siya sa buhay.

So ito ngang customer eh kakaiba. Naka puting t-shirt tapos naka hapit na maong na pantalon. Tapos pag gumagalaw siya eh parang may kumakalansing kasi madami siyang mga bracelet at kung ano-ano pa. Tapos medyo blonde yung buhok n’ya at sobrang puti ng balat niya. Tapos naka-shades siya kaya di ko masyado maaninagan yung mukha pero mukhang maganda siya. Parang artista nga yung dating ni ate eh. Tapos ang bango niya sobra.

Bale may kasama siyang bata saka yaya ata nung bata. Una patingin-tingin lang si ate, sabay nagtanong, Miss, merrron ba kayong white na sandong pambata? Hala kako bakit ganito to magsalita, parang nilalamon yung R? Pero ang lamig ng boses niya ha parang boses nung mga mayayaman sa mga palabas sa TV. Tapos sabi ko, para dito ho ba?  Tanong ko sa kaniya sabay turo dun sa bata. Sabi n’ya naman na para nga daw dun sa bata yung sando.

So kumuha ako ng size na sakto para dun sa bata tapos paglingon ko, at ipapakita ko na eh si ate panay ang dutdot sa cellphone niya. So humarap ako sa yaya, kako, isukat natin para makasiguro kayo na kasya. Kinuha naman nung yaya yung sando at sabi niya, Amaranth come here. Huwow naman mga ate, ang susyal naman ng  pangalan ng bata, pero mas susyal yung yaya, nag-Iingles. Tapos hindi siya pinapansin nung bata ano, kain lang ng kain yung bata ng ice cream na nasa cup, Chocolate Sundae ata yung tawag do’n, yung nabibili diyan sa may fastfood diyan.

Amaranth, isukat na natin ito dali ng matapos na at makaalis na, sabi na uli nung yaya. Eh ayaw pa ring sumunod. Ang tagal nilang magyaya na parang nagliligawan. Nakatingin na lang kami ni Buding sa kanila sabay sabi ni Buding, ma, wewee ako penge lima. Binigyan ko naman at umalis siya.

Amaranth, if you won’t follow yaya, I won’t let you play with you tablet later. Sabi na nung nanay niya habang panay pa rin ang pindot sa cellphone. Pero sa wakas ay sumunod na rin yung bata. Nasukat na rin sa wakas sabay nagtanong sila ng presyo. Kako, kwarenta ho kada sando. So tumawad si ate, Miss, tatlo isang daan na lang. Ay sabi ko, nako ate hindi ho pwede at mag-aabono ako niyan. Kahit 110 na lang ho yung tatlo. Tapos para bang may kausap lang akong hangin ‘no, kasi nakatingin pa rin siya sa cellphone niya. Ako, malapit na’ko mainis eh, di pa ko nanananghalian eh. Sabay lumapit na naman si Buding. Ma, weewee uli ako, penge lima. Binigyan ko naman ano at parang napapansin kong binabalisawsaw ang anak ko pero di ko maasikaso dahil dito sa mga ito.

Dahil hindi ako pinapansin ni ate at panay cellphone lang siya, inulit ko, ah ate, 110 na lang po yung tatlo, tapat na ‘yon. Pero nakatingin pa rin siya sa cellphone niya. At hindi pa rin siya sumagot. Tumingin ako sa yaya, tapos sabi nung yaya, mas mura ba kapag mas maliit dito? Mukha naman kasing malaki yung size nito. So sabi ko, sakto lang iyan eh, pero sige para makita niyo isukat din natin yung mas maliit. Kahit gutom na gutom na talaga ako at nauubos na talaga ang pasensya ko ay nilabas ko pa rin yung mas maliit na size ng sando at pinasukat sa bata. Hindi na halos magkasya sa tiyan nung bata dahil maliit talaga at gusto kong matawa na dahil lang sa kabaratan nila ay ipipilit pa talaga yung mas maliit na size.

Ate, ito lang yung pwede sa tatlo isang daan oh, yung maliit kaso hindi naman kasya sa anak niyo. By size po kasi ang presyo niyan, paliwanag ko. Pero panay pa rin ang pindot ni ate sa cellphone niya. Naiinis na talaga ako sa babaeng ito. Sabay lumabas si ate ng tindahan nang walang sinasabi. Lumingon ako sa yaya, sabi niya sa’kin, saglit lang ho ah titingin muna kami sa iba. Anak ng teteng naman oh, halos isang oras tayo ditong nagsusukatan, nagtatawaran at nagtitinginan tapos eh hindi pala kayo bibili. Hay nako, babalik din kayo no dahil ako na may pinakamurang tinda dito. Ganda-ganda ng cellphone mo ang barat-barat naman. Susko, makakain na nga, ano ba ‘yan pasado alas tres na eh hindi pa ako nakakapananghalian, buti na lang si Buding eh nakakain na. Pero asan na kaya ‘yon? Panay ang cr niya kanina pa ah.

Maya-maya pa habang kumakain na ko ng malamig na kanin at sarsiadong sardinas eh bumalik na naman itong si ate na mukhang artista pero barat.

Ate kukunin na namin ‘yan, sabi sa’kin nung yaya. Sabi ko, 110 po ah, tapos tumango siya habang yung amo niya ay nakatingin pa rin sa cellphone.

Tapos dali-daling binihisan nung yaya yung bata dahil natapunan ng pala ng Chocolate Sundae yung tshirt nitong pink. Pinahawak pa sakin yung namantsahang tshirt nung bata, nakita ko yung tatak, KoshKosh ba ‘yon? Meron bang gano’ng tatak? Pero basta mukhang mamahalin.

Pero ayun diba, sa wakas nagbayad na sila at umalis na. Di mo talaga pwede husgahan ang tao ‘no? Minsan yung mga namimili sa’kin na nakabotang puro putik, may mga dalang bilao at amoy daing pa, yun pa yung pakyawan kung mamili at hindi pa tumatawad eh, samantalang si ateng mukhang artista eh, hay nako, ewan!

So tinutuloy ko na yung naunsyame kong tanghalian nang dumaan si Mang Obet, kako, pass muna ako dahil nagtatanghalian pa ako. Di nako makakameryenda ng banana cue. Tapos lumapit siya at bumulong , Mertha yung bayad mo pala kanina. Kako, pinahatid ko na kay Buding kanina ah. Hindi naman siya nagpunta sa’kin, sabi ni Mang Obet. So ako naman nahiya dahil baka akalain niyang di ako marunong magbayad so nag-abot ako ng bayad at kako, sensya na Mang Obet ha.

Tapos nakita ko na lang si Buding na paparating. Nanlilimahid yung itsura. May naninikit na tsokolate sa pisngi tapos yung sandong suot niya ay may mantsa ng Chocolate Sundae.

 

***

Palengke Chronicles 1 : Bokya

Palengke Chronicles 2 : Rebond

Palengke Chronicles 3 : Slimming Tea

Palengke Chronicles 4: Ekonomiya

Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad

Palengke Chonicles 6: Reunion

Palengke Chronicles 7: Notebook

31 responses to “Palengke Chronicles 8: Sundae”

  1. HAHAHAH, wais talaga si Buding. Marunong magsurvive! XD

    Liked by 1 person

    1. 😂😂😂

      Liked by 1 person

  2. Maria Michaela Jamora Avatar
    Maria Michaela Jamora

    tatalunin muna si Marcelo Santos III nito ba.

    Liked by 1 person

    1. hala grabe naman to haha

      Liked by 1 person

      1. Maria Michaela Jamora Avatar
        Maria Michaela Jamora

        hjahaha ang dami na niyan eh. hihihihi

        Liked by 1 person

        1. walo lang naman LOL

          Liked by 1 person

          1. Maria Michaela Jamora Avatar
            Maria Michaela Jamora

            nako,mag kaka chapter forever ka niyan, promise. hahaha tapos magulat na lang ako, nag upgrade kana hahah

            Liked by 1 person

          2. hahahahaha grabe ka naman…matinding hardwork ang kelangan diyan no…nakakatamad din minsan ha ha…yung upgrade…hay nako…gusto ko nga magka dotcom kaso sayang pera….ha ha

            Liked by 1 person

          3. Maria Michaela Jamora Avatar
            Maria Michaela Jamora

            ay oo. pero may league of followers and commenters and visitors kana. padamihin na lang hahah

            Liked by 1 person

          4. ha ha ha grabe naman sa league of followers eh iilan ilan lang tayo dito LOL

            Liked by 1 person

          5. Maria Michaela Jamora Avatar
            Maria Michaela Jamora

            sus. kisa namn sakin oh! hahaha atleast loyal ba. hahah

            Liked by 1 person

          6. Hhahahaahahah….ano ka ba…mas madali ka makaka-gain ng league of followers dahil sa type ng mga posts mo…kaso lulubog lilitaw ka kasi eh hahahaha

            Like

    1. 😂😂😂

      Like

  3. hahaha nag sundae si Buding! pero sa totoong buhay ba nag 123 ka na ba sa mama mo nung maliit ka? feeling ko totoong nangyari to eh hehehe:)

    Liked by 1 person

    1. Wahahahaha hindeeee…takot ko lang mapagalitan…nanghihingi na lang ako ng pangmeryenda haha….

      Nainggit si Buding kay Amaranth…pakain kain ng sundae lol

      Liked by 1 person

      1. hahahaa 🙂 Nakakatuwa, inisip ko din kung bakit wee wee ng weewee si Buding.. hahaha

        Liked by 1 person

        1. Wahahaha…nilalanse nya nanay nya porket busy hahahha….gusto ko idrawing si Buding na may mga tsokolate pa sa pisngi haha

          Liked by 1 person

          1. hahahaha sige.. gusto ko makita yan

            Liked by 1 person

  4. […] …at ang kaniyang chocolate sundae… […]

    Like

  5. ayoko ng banana cue, gusto ko ng pisbol na binababad sa maanghang na suka na sa aking palagay ay mahigit nang isang buwan sa lalagyan na may halong laway ng iba’t ibang tao… hahaha! gross ba?

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha yun daw ang mas nagpapasarap sa sawsawan eh yung halo halong laway na hahahahahha…masarap nga ung pisbol hmmmmmmm

      Liked by 1 person

      1. Oo nga daw, yung may laway ng ibang tao na may halong sipon pa! Hahaha!

        Liked by 1 person

        1. Yakeeee naman yung sipon Sir O hahaahhahah

          Liked by 1 person

          1. Hahaha! Pero totoo yun, lalo na pag bata ang sumasawsaw.

            Liked by 1 person

          2. 😬😬😬😬😂😂😂😂😂

            Liked by 1 person

  6. Hindi kaya nagka bungguan si Budiong at Amaranth? hehehe

    Liked by 1 person

    1. Hahahahaha nagkabungguan lang pala kaya dumungis si Buding….baka inagawan nya si Amaranth lol #bully

      Like

      1. Hahaha Ay! Mabait na bata si Buding sa tingin ko. Baka Si Amaranth sinumpong kakasukat ng sando sakto napadaan si Buding nung tinapon un choco sundae. Lols!

        Like

I’d love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: