So ilang buwan na akong nagaapply apply. Apply dito, apply don.
Ang hirap lang mag-apply. Hindi dahil sa walang trabaho, ang dami kayang vacancy for Executive Alalay. Ang problema, hindi ko maapplyan. Pano naman kasi, sa sampung trabaho, lima don ang naghahanap ng Arabic at minsan French speaker. Siguro magtatanong kayo kung bakit sa sampung taon ko dito ay hindi pa ako natuto mag-Arabic. Kung natuto ako edi sana winner ako sa application, no? Ang siste, madali matuto magsalita ng Arabic lalo kapag may kausap ka araw-araw, ang problema, pag Executive Alalay ka, dapat marunong ka din magbasa at magsulat ng Arabic dahil kailangan mong magproofread at kung ano-ano pang kabalbalan. Sinubukan ko pero susme, lifetime ata ang aabutin mo bago mo matutunan ang Arabic characters. Eh French? Bon jour! and Bon appetit! Kaya yung mga bata-bata pa dyan na may time and resources, hindi masama na mag-aral kayo ng foreign language lalo na yung mga nagbabalak mag-abroad. Magagamit niyo rin yan sooner or later. Malay niyo, maging spy pa kayo. Madalas tinatanggap na spy yung maraming alam na ibang lengwahe.
So ayun, out of 10, may 5 pang pwede kong applyan. Ang problema, siguro out of 5 na natitira, yung tatlo, naghahanap ng either British, Russian, o European Executive Alalay. In short, naghahanap sila ng blonde. Eh itim buhok ko. Pano na?
So all in all, out of 10, 2 na lang ang pwede kong applyan. Kapag yung isa dyan, nagrequire pa ng Executive Alalay with Driving License, tigok na naman ako dahil wala akong lisensya. At kung bakit wala akong lisensya? Asus, bago pa ko makakuha dito ng lisensya ay gagastos pa ako ng higit sa Php90k. Myghad.
So yung 1 na lang na natitirang job vacancy na hindi nagrerequire ng Arabic language, hindi nagrerequire na maging blonde ka at hindi nagrerequire ng driving license ay pag-aagaw-agawan pa ng napakaraming katulad ko. Tsk.
Pero ang nakakainis don, kahit anong ganda ng cv/resume ko at ng credentials ko, para kasing may jinx yung nationality, joke lang haha, pero parang hindi.
Yung recent interview ko, sinabihan ako ng Manager ng, syempre Tatagalugin ko na lang ha, yung totoo, nung makita kong Pilipino ka, gusto ko na sanang ilagay sa isang tabi yung resume mo. T*****a lungs diba? Dahil lang Pinoy ako? Though hindi ko minumura yung manager na nagsabi sa’kin niyan kasi to be fair, ambait n’ya para bigyan ako ng chance, given na Pinoy ako at kahit papano ay tiningnan nya ang credentials ko kaya napilitan siyang tawagan ako. Sabi n’ya pa na andami niya kasing hindi magandang experience sa mga Pinoy. Sabi niya, isa sa mga managers niya dati ang nagdrama na uuwi dahil daw may namatay na kamag-anak or whatsoever. Then after 2 days nandun na sa kabilang kumpanya nagtatrabaho. Pwede naman daw magsabi ng maayos pero bakit may mga ganyan pang kabalbalan.
Well, totoo naman. Sa tagal ko na dito, minsan nakakahiya na nga din. Hindi maiwasan ng ibang mga nationality na mag-generalize. Ang sakit lang kasi parang lagi kong kailangang i-prove sa kanila na hindi lahat ng Pinoy ay hindi niyo mapagkakatiwalaan. Noon, nung bagong salta ako dito sa Dubai, sobrang gusto ng mga employers na mag-hire ng Pinoy dahil maayos magtrabaho. Pero recently, pag nagtitingin ako ng mga job ads, may mga harsh talagang kumpanyang nagsasabing, WE DO NOT ACCEPT FILIPINO APPLICANTS. Ang sakit lungs diba? Parang nakakadurog ng pagkaPilipino ko.
Badtrip naman kasi yung iba nating mga kababayan. Tatanda na eh parang walang mga pinagkatandaan. Nariyan yung mahusay nga at matalino na sa sobrang talino ay nakakadiskarte sa pagdekwat ng pera. Yung iba naman, halos magmakaawa na diyan during the interview tapos pag nakapasok na sa company eh ayaw naman ayusin ang buhay. Iinom hanggang alas tres ng madaling araw tapos magsisick leave kinabukasan. Lintik kayo! Pinagdaanan ko din yang pagtungga hanggang alas tres ng madaling araw pero kahit puyat at bangag ay papasok ako dahil ginusto ko yan kaya pagdudusahan ko. Eh kayo? Kaya minsan kahit may sakit naman talaga yung ibang Pinoy na matino, hindi makakuha ng sick leave dahil pinagbibintangan agad na lasing lang kaya nagsasakit-sakitan. Yung iba naman diyan, pag sinabihan mong confidential ang information, after an hour alam na ng buong mundo. Para saan pa ang salitang confidential? Pano tayo pagkakatiwalaan niyan?
Hindi naman ako hater ng lahi natin. Nakakabadtrip lang yung mga ayaw ayusin ang buhay nila. Nagkakaron tuloy ng pangit na imahe ang mga Pinoy. Nadadamay ang karamihan dahil sa mga inutil na mga to.
Hoy kayo, binabalaan ko kayo. Kayong ayaw magsiayos ng mga buhay nyo. Pag ako hindi nakakuha ng trabaho dahil sa mga kabalbalan nyo, huhuntingin ko kayo hanggang sa kaibuturan ng mga panaginip niyo. Ilaladlad ko ang buhok kong hanggang ngayon talaga ay hindi pa napaparebond at mas mahihintakutan kayo sakin kaysa kay Sadako at mas mamamatay kayo sa sindak kesa kay Barbara. Pwe! Pero siyempre joke lang yang huhuntinigin ko kayo sa mga panaginip nyo dahil wala akong powers at mas joke yung part na mas nakakatakot ako kesa kay Sadako. Slight lang. Mas cute ako sa kanya ng konti. Hindi naman kayo mabiro.
Pero yun nga, ayusin nyo naman, mga kababayan kong mahal. Nag-abroad kayo para magtrabaho, hindi para magkalat.
I’d love to hear from you!