
Hindi ako marunong gumawa ng movie/series review pero ipopost ko ‘to kasi ambangis ng kwento.
So yung setting ng palabas ay during theΒ establishment of Joseon Dynasty, kapalit ng dati ay Goryeo. History ‘yan. Kaya ayoko na ungkatin pa dahil mahaba.
Parang isang buong lifetime nung bida na si Bang Won ang istorya pero kahit isang lifetime pa ang haba nito (as in 50 episodes. 1hr per episode) ay gustong gusto ko ito dahil sa ‘feels’ nito.

Bittersweet ang ending nito. Bitter dahil hindi talaga magkakatuluyan si Bang Won at Boon Yi pero sweet dahil kahit sobrang dami ng nabago sa buhay nila at kahit pa nagkaroon na ng asawa si Bang Won at naging hari na siya ay si Boon Yi pa rin ang mahal niya. Yun eh, yung undying love.
Pero siyempre, bukod sa undying love keme, overall ang ganda talaga ng Koreanovela na ito. Β Ayun lang.
I’d love to hear from you!