Palengke Chronicles 7: Notebook

Ang Palengke Chronicles, si Aling Mertha at ang limang taong gulang na anak nitong si Buding ay pawang mga kathang isip lamang.

***

Pagtapos ng graduation, ang pinaghahandaan naman namin sa palengke ay yung susunod na pasukan. Nagiistock at nagdidisplay na kami ng mga uniforms at mga school supplies  kahit kakatapos pa lang ng school year. Siyempre marami diyan na unti-unting namimili na ng mga gamit kasi hindi naman nila kayang biglain ang pamimili. Malaki-laki rin kaya ang gastos sa school supplies lalo na kung hindi lang iisa ang anak mo.

Si Buding ieenroll ko na yan sa Mayo. Excited ako ‘no at Kinder na ang anak ko. Pero yung mga school supplies niya ay saka ko na bibilhin pagtapos ng enrollment kasi ibibigay naman nung adviser nila yung requirements.

Kaso kahit na sobrang busy ko nitong mga nakaraan, napapansin ko ‘tong si Buding, pabalik-balik dun sa mga display na notebook nila Sione. Minsan nakatayo lang s’ya don at nakatunganga kako, ‘nak ano bang ginagawa mo d’yan? Eh hindi naman s’ya nagsasalita. Basta na lang tatakbo papunta sa’kin o kaya papalayo.

So sinilip ko yung mga display nila Sione. Ay kaya naman pala binabalikbalikan ni Buding. Puro pala litrato ni Dora at Barbie ang nasa notebook cover.

Nung bandang tanghali ‘no, medyo matumal kasi nanananghalian yung mga tao, tinawag ko si Buding. Biglang iniwan n’ya yung dalawang kalaro n’ya ng teks tapos tumakbo papunta sa’kin. Tinawag pa s’ya ni Buknoy, huy Buding talo ka, bayad teks ka muna!

Kaya pala ambilis manakbo ni Buding at tumatawa-tawa pa ay ayaw niyang magbayad ng teks. Walang nagawa sila Buknoy dahil ambilis magtago ni Buding sa likod ko. Napakamot ulo na lang tuloy siya at yung isa pa nilang kalarong si JunJun dahil lugi sila.

‘Nak anong gusto mong notebook? Barbie o Dora?’ Bigla siyang tumawa. Tapos naglakad kami papunta sa mga notebook display nila Sione. Nakakagaan ng pakiramdam makita yung ganitong reaksyon ng anak ko eh. Kaya kahit isang meryenda ang palalampasin ko para mabilhan siya ng notebook eh ayos lang.

So parang nahirapan pa s’yang mamili pero bandang huli ay yung Dora notebook ang pinili n’ya at yun na lang ang binili namin. Binilhan ko na rin siya ng isang lapis.

Ambilis ni Buding na nanakbo papunta sa tindahan dala yung notebook at lapis. Nakaplastar na agad sa may lamesa, excited masyado.

Pagbalik sa tindahan, sinulatan ko ng pangalan ni Buding yung unang hilera ng unang pahina nung notebook. Kako, ‘nak, dapat matutunan mo na isulat yung pangalan mo ha kasi papasok ka na eh.  Tapos, hinawakan ko yung kamay niya habang sinusulat naman namin yung pangalan niya sa ikalawang hilera.

Pag tapos no’n sabi ni Buding, ma ako na, dun ka na.

Aba! at pinaalis pa ako. Edi hinayaan ko na lang. May tiwala naman ako sa bilis ng pickup ni Buding at sadyang matalino naman ang bata. Baka nga kaya niya na talagang gayahin kahit isang beses ko pa lang siya tinuruan magsulat. Tapos andaming customer na dumating kaya na-busy din ako. Maya-maya binalikan ko si Buding. Hay naku! Hindi naman pala nagsusulat! Nagdodrowing lang ng mga bilog at linya. Kako ‘nak bakit di ka nagsusulat? Anu ‘yang dinrowing mo?

Pinakita niya sa’kin yung mga bilog at linya sabay sabi, ma, puno ‘yan.

Nilakihan at niliitan ko yung mata ko at tiningnan kung saang anggulo pwedeng maging puno yung dinrowing niya pero hindi ko talaga maitsurahan eh. Pero sabi ko, wow anak marunong ka na magdrowing. Pero dapat ganito yung puno, medyo parang kulot kulot yung dahon oh parang buhok ko diba? Tapos nagdrowing ako ng puno. Bigla tuloy nanariwa sa akin yung alaala ko nung kinder ako.

Sinabihan kami no’n ng adviser namin na si Teacher Mona na magdala ng oslo paper, lapis at crayons para sa arts subject namin. So excited naman ako kasi magdodrowing kami. At ayun pinagdrowing kami ng puno.

Ako naman masayang-masayang nagdodrowing sa isang tabi ‘no, guhit dito, kulay diyan nang biglang lumapit sakin yung kaklase kong si Miko na naka hairband na green at parang salbabida yung hairstyle. Bigla siyang sumigaw, Teacher Mona si Merta iba po yung dinodrowing! Edi siyempre biglang napatakip ako ng papel ko, dahil nagulat ako at feeling ko inaakusahan akong may ginawa akong kasalanan kahit wala naman talaga. Kako bakit ba nangengelam ‘to? Tapos sabi niya pa, di ba Teacher sabi mo magdrowing ng puno bakit ‘to si Mertha nagdodrowing ng robot?

Siyempre napahiya ako nung magtinginan lahat ng mga kaklase namin. Bigla ding tumingin si Teacher Mona kaya para depensahan ko ang sarili ko ay nasabi ko na lang na, Teacher, puno po itong dinodrowing ko. Pero halos mangiyak-ngiyak nako sa inis at kahihiyan no’n. Paulit-ulit kong tiningnan yung drowing ko pero puno talaga ‘yon. Puno talaga at hindi robot!

So kailangang hindi mapagdaanan ni  Buding ang mga kahihiyang ganon kaya dapat ngayon pa lang matuto na siyang magdrowing. Kako, ‘nak ganito talaga ang puno, gayahin mo ha tapos ipakita mo sa’kin mamaya. Tapos may biglang dumating na costumer na nagtatanong kung magkano ang sandong puti na pangpitong taon. Busy ako sa pagaasikaso sa customer nang biglang tumawag si Buding, ma!  Napatingin ako pati yung customer. Kako, ano ‘yon ‘nak?

Seryoso yung mukha ni Buding na para bang may nangyaring hindi maganda. Tapos tinaas niya yung notebook at tinuro yung drowing ko. Ma, puno ba talaga itong dinrowing mo?

***

Yung karanasan ni Aling Mertha nung kinder siya na napagkamalang robot yung puno niya ay hango sa tunay na buhay ng may-akda.

***

Palengke Chronicles 1 : Bokya

Palengke Chronicles 2 : Rebond

Palengke Chronicles 3 : Slimming Tea

Palengke Chronicles 4: Ekonomiya

Palengke Chronicles 5: Guhit ng Palad

Palengke Chonicles 6: Reunion

24 responses to “Palengke Chronicles 7: Notebook”

  1. Haha baka robot ulit!

    Natawa ako. Naalala ko din tuloy nung bata pa ako. Ang hilig ko sa may mga pictures na notebook, yung nga disney princess o di kaya Barbie kaya kung binibilhan ako noon ng notebook na tatak lang nung brand ang meron, asar na asar ako kasi pakiramdam ko hindi ako cool, na ang tanders ko kasi walang design yung notebook ko hahaha

    Liked by 2 people

    1. Hahaha. Oo diba parang pang tanders pag plain yung notebook haha

      Liked by 1 person

    2. nawawala kamo lahat ng comments ko sa mga posts mo

      Like

      1. Hala, kaya pala nanonotify ako tapos pag-ichecheck ko wala naman :/ Pasensya na. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa WP ko

        Like

        1. Haist. Nga pala ninominate kita sa sunshine awards hahaha…

          Like

          1. Hala, napressure ako. Wait, anong kailangan kong gawin :O

            Liked by 1 person

          2. hahaahahah…question and answer lang..wag ka mapressure…katuwaan lang…katuwa yung mga sagot eh haha

            Liked by 1 person

          3. Haha, nakita ko nga yung post. Ano ba yan.. Dapat pala lagi akong dumadalaw sa blog at muhkang madami akong namimiss na post! ><

            Like

          4. hahahaha..icocomment ko sana yung link sayo kaso nga naglalaho hahaha

            Liked by 1 person

          5. Sana magtino na yung WP ko. Nga pala, nasagutan ko na hehe 🙂

            Liked by 1 person

  2. Robot siguro na nagkatawaang-puno! Hahaha! Naghahanap ako actually ng mga notebook na may cover nila Jolina at Marvin. Parang mahirap ng maghanap ng mga ganon ngayon. Tsktsk

    Liked by 1 person

    1. Hahahaha parang wala ng Marvin Jolina notebook ngayon hahahaha….salamat sa pagbabasa ng series ko hahahaha

      Like

    2. Naalala ko pala dati, sa sobrang katipiran namin, puro spring notebook ang bibilhin tapos pagka tapos ng school year, Iipunin yung mga Hindi nasulatang pages tapos gagawing bagong notebook, itatahi. Ta-da! Naka tipid ng isang notebook! Ke galing ng nanay kong dumiskarte!

      Liked by 2 people

      1. Wahahahaha ui ganyan nga uso non…mahal kaya ng school supplies

        Liked by 1 person

        1. Talaga! Tapos laging akong napapagalitan noon kasi taon-taon kong nawawala yung 8 piraso kong crayons! E yung kapatid kong lalake mas masinop, isang set ng 8 crayons lang ang ginamit niya mula kinder hanggang grade 6! Ibang level! Haha!

          Liked by 1 person

          1. Hahahahah aba matinde yang kapatid mo ah haha. Legend yan lol

            Like

          2. Tama! Bigyan ng jacket! Haha!

            Liked by 1 person

  3. Naalala ko tuloy ang malungkot na pangyayari sa buhay ko nung Elementary, pinagawa kami ng paper mache, pagong ung ginawa ko (pinagpuyatan ko yun) sabay kinabukasan ung teacher sabi ang galing ko daw gumaqa ng butiki na paper mache, lakas mambasag ng trip, wahaha

    Liked by 1 person

    1. Hhahahahahahahaha. Hindi pala ako nagiisa sa mga karimarimarim na experience lol…pero grabe naman ung pagong sa butiki hahaha

      Like

  4. Siguro robot ang laging nakikita nung classmate mo na nagsabi na robot yung puno dinrowing mo… Ano pa man, the best talaga tong Palengke Chronicles, naalala ko nung kinder ako, first time ko umiyak kasi hindi ko maidrawing yung aso na pinapadrawing samen hahaha nadrowing ko naman kaso yung ulo nya bilog, stick yung katawan tapos pa-slant yung buntot… Hahaha..

    Liked by 1 person

    1. Wahahaha. Ewan ko nga ba. Baka mahilig sya sa robot haha. Ewan nga ba kung ineexpect ba ng mga teachers na makapagdrowing talaga ang mga kinder students ng mga animals hahahaa….ano ba malay natin diba? Usually naman bilog at stick lang ang drawing natin hihihi

      Liked by 1 person

  5. […] Palengke Chronicles 7: Notebook […]

    Like

  6. Te Aysa, nacurious po ako sa puno. Haha. Pwede sample. Hehe. Peace.

    Eniweys, relate mats ako sa mga comments. Haha. Iipunin ang mga luma para magkaron ng bago. Haha.

    Sabi na eh, hindi ako pangkaraniwang na bata nung elem days. Mas bet ko po mga walang design na notebooks. Haha. Magkaiba kami ni Buding. 🙂

    Ayon lang po, nashare ko lang. Saka nagbubuklat na naman ako Te Aysa ng old blogs mo. Sorry na.

    Like

    1. Naghalungkat na naman sya HAHAHAHA

      Like

Leave a Reply to aysabaw Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: