Ulan. Taon-taon kitang inaabangan.
Taon-taon ka rin naman dumarating
Pero dumarating ka lang kung kailan mo maibigan
At kung kailan mo maibigan ay dun ko lang nararamdaman
Na kahit malayo ako ay parang malapit din
Na kahit sa disyerto man ay may ulan din
Ulan. Taon-taon kitang inaabangan.
Pero madalang mo lang ako pagbigyan
Saglit ka na nga lang paparito’y nagmamadali pang lumisan
‘Sing dalang ng panahon na ako’y napagbibigyan
Na madalaw ang bayan na aking sinilangan
Na mamalagi sa tahanang aking kinagisnan
Ulan. Taon-taon kitang inaabangan.
At kahit madalang mo lang ako pagbigyan
Lungkot ko kahit paano’y naiibsan
Dahil pinapaalala mo naman
Nandun man sila at ako’y nandito naman
Ang langit ay iisa, nasaan ka man.
Ulan. Taon-taon kitang inaabangan.
Taon-taon ka rin naman lumilisan.
Ngunit sa iyong paglisan ay may markang iniiwan
Dagok sa lupang naging putikan
Kadalisayan sa dahong muling naging luntian
Kapayapaan sa damdaming may kulog at laging nakikidlatan.

***
dulot ito ng kakaibang pakiramdam na dala ng ulan dito sa disyerto na may kasama pang kulog at kidlat
28 responses to “Ulan”
Baha na dito sa amin haha 🙂
LikeLiked by 1 person
dapat wala nang pasok hahahaha joke
LikeLike
kaya nga, hahaha. Parang bagyo lang sa Pilipinas, sarap sana humilata at manood nlang ng flying dragons.hahaha
LikeLiked by 1 person
Oo nga. Napaka hindi productive ng araw nato. Trapik pa nyan mamaya pag uwian na haha
LikeLiked by 1 person
Ang Galing mo talaga, idol!
LikeLiked by 1 person
hala 😀
LikeLiked by 1 person
Sarap ❤ mas masarap pag may kayakap 😉
LikeLiked by 1 person
Oo nga. Sarap humigop ng mainit na sabaw hahahaha
LikeLike
haha is it just me but it has a weird double meaning hahahahahhh
LikeLiked by 1 person
HahHahhha…ewan sayo ha….ang gusto ko lang ay sabaw ng sotanghon o kaya noodles bwahahahaha naughty ka
LikeLike
HAHHAHAAHAHA fineeeee…. 😉
LikeLiked by 1 person
:p
LikeLike
Hay nako. Kaya pala ganyan reaction mo. Ngayon ko lang nabasa ng buo yung first comment mo na ‘ sarap may kayakap’ hahahaha kala ko sarap lang dahil yun lang ang nakita ko sa mobile haha (nag explain)
LikeLiked by 1 person
Hahahhaah ok nagets mo na din omg un comment mo
LikeLiked by 1 person
Oo hahahaha buset lang. Pero bakit ganon. Dito sa WP app…di ko nakita ng buo yung comment grrrrrr
LikeLike
Hahhhaa minsan struggle un format ng Wp
LikeLiked by 1 person
Haish. Ang sagwa tuloy. Haha
LikeLike
Anlakas ng hangin. Tapos nakakatakot yung kidlat parang tatamaan ka. 😱
LikeLiked by 1 person
Balita ko matindi daw dyan sa inyo ah….dito mild lang
LikeLike
ang dilim!napanood ko sa tv dito grabe ung naging baha dyan, yay, keep safe po!
LikeLiked by 1 person
Ha ha. Sa abu dhabi grabe ang baha eh….salamats….
LikeLike
Masarap namnamin ang ulan kung nagkataon na nasa bahay ka lang, walang pasok, walang lakad, walang gagawin. #BedWeather feels. Tapos movie trip. Sabay ang tanghalian mo ay Nilagang baka partner with tuyong isda. 🙂 hehehe
LikeLiked by 1 person
Hehehe oo nga eh masarap lang yung mga ganyang gawain pag maulan 😀
LikeLiked by 1 person
Hugot to definitely. And I understand where you’re coming from…Dubai. hehe
Seryoso na. Glad you are okay. I saw a lot of posts about how terrible the flood is in Dubai a few weeks ago.
LikeLiked by 1 person
ha ha…ang saya saya ko nung naulanan ako 😀
comedy nga mga tao dito nung nagbaha…ang OA ng mga reaction he he he…
LikeLike
Kita ko nga…
LikeLiked by 1 person
Loved this ❤
LikeLiked by 1 person
hihih thankie…
LikeLiked by 1 person