Ulan

Ulan. Taon-taon kitang inaabangan.

Taon-taon ka rin naman dumarating

Pero dumarating ka lang kung kailan mo maibigan

At kung kailan mo maibigan ay dun ko lang nararamdaman

Na kahit malayo ako ay parang malapit din

Na kahit sa disyerto man ay may ulan din

 

Ulan. Taon-taon kitang inaabangan.

Pero madalang mo lang ako pagbigyan

Saglit ka na nga lang paparito’y nagmamadali pang lumisan

‘Sing dalang ng panahon na ako’y napagbibigyan

Na madalaw ang bayan na aking sinilangan

Na mamalagi sa tahanang aking kinagisnan

 

Ulan. Taon-taon kitang inaabangan.

At kahit madalang mo lang ako pagbigyan

Lungkot ko kahit paano’y naiibsan

Dahil pinapaalala mo naman

Nandun man sila at ako’y nandito naman

Ang langit ay iisa, nasaan ka man.

 

Ulan. Taon-taon kitang inaabangan.

Taon-taon ka rin naman lumilisan.

Ngunit sa iyong paglisan ay may markang iniiwan

Dagok sa lupang naging putikan

Kadalisayan sa dahong muling naging luntian

Kapayapaan sa damdaming may kulog at laging nakikidlatan.

ulan
saree. di kita ulan eh. pero madilim. saree ulit. yan lang naman ang view sa opisina.

 

***

dulot ito ng kakaibang pakiramdam na dala ng ulan dito sa disyerto na may kasama pang kulog at kidlat

28 thoughts on “Ulan

          1. Hay nako. Kaya pala ganyan reaction mo. Ngayon ko lang nabasa ng buo yung first comment mo na ‘ sarap may kayakap’ hahahaha kala ko sarap lang dahil yun lang ang nakita ko sa mobile haha (nag explain)

            Liked by 1 person

  1. Masarap namnamin ang ulan kung nagkataon na nasa bahay ka lang, walang pasok, walang lakad, walang gagawin. #BedWeather feels. Tapos movie trip. Sabay ang tanghalian mo ay Nilagang baka partner with tuyong isda. 🙂 hehehe

    Liked by 1 person

I'd love to hear from you!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s