Babae. Babae. Babae.

Kahit anong kapal siguro ng make up na ipahid ko ay hindi ako makakahabol kahit man lang kaunti sa kagandahan ni Solenn Heussaff. Kahapon ko pa talaga siya iniistalk. Ay mali. Mula pala nung nilabas yung pre-wedding video nila at matapos ilabas yung mga pictures ng Bridal Shower n’ya kahapon.

 

 

Ang ganda n’ya. Ang seksi pa. Ang malupit pa, ang husay magpinta. Sinalo na n’ya lahat ng biyaya?

Hindi talaga ako maka get over kaya hanggang ngayon ay tinitingnan ko pa rin ang mga litrato n’ya. Tinitingnan ko ang abs n’ya sabay kapa sa bilbil ko. Oh my! Walang pag-asa. Panay ang sabi ko na – Ang seksi ni Solenn! Ang seksi ni Solenn! Ang seksi ni Solenn! Nagfeeling ako na baka pag inulit ulit ko ang pagsabi ng magic words (Ang seksi ni Solenn!) ay maging seksi din ako. Pero mali ako. Mali! Walang nangyari kahit anong ulit ko! Tumigil lang ako nung may nagsabi na sa’kin na, seksi ‘yan kasi may oras ‘yan magpaseksi. Saka kailangan n’ya yan sa trabaho n’ya. Eh ikaw?

Ok fine. Tablado.

Pero ok lang. Totoo naman. Si Solenn ‘yan eh. Ako ito. Bakit nga ba ang kulit ko? Feeling ko ba kakakulit ko ay makakahabol ako sa kaseksihan n’ya? Hindi! Hindi! At isa pang Hindi!

Braso pa lang. Tatlong kapatid ko na ang nakalong ng brasong ito. Ilang daang mabibigat na plato lang naman ang nabuhat ng brasong ito.

Binti pa lang eh. Kilo-kilometro na ang nalakad nito kaya mala mangga ang korte ng maskels nito.

Bilbil? Kailangan ko kasi lagi mag extra rice dahil nakakagutom ang dami ng ginagawa ko sa work.

Pero ano ba ang pinagsasabi ko dito? Bakit ba ako nagkukumpara? Wala namang point of comparison.

Napansin ko lang kasi. International Women’s Day pala ngayon. Marami rin sigurong mga babae ang tulad kong insekyora or inggitera or what (or baka ako lang dahil weird ako :p) kaya ako ay nagpapaalala lang, ano man ang itsura natin, ano man ang katayuan natin sa buhay, lahat tayo ay may iba’t-ibang kontribusyon sa lipunang ito at higit sa lahat, sa ating pamilya. Ang post na ito ay isa lamang pagbibigay pugay sa mga kababaihan (kamukha man ni Solenn o hindi).

 

P.S. I don’t have anything against Solenn. I really adore her. Hindi lang ako makaget over sa kagandahan n’ya kaya siya ang ginawa kong point of reference sa post kong ito 😀

26 responses to “Babae. Babae. Babae.”

  1. Happy Women’s Day, ate ☺

    Liked by 1 person

    1. hihihi Happy Women’s Day din 😀

      Like

  2. “Marami rin sigurong insekyora o inggitera or what” hahaha taas kamay. Happy Women’s Day po hahaha

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha…parang maraming kasapi ang organisasyon ng mga insekyora LOL.

      Happy Women’s Day din 😀

      Liked by 1 person

  3. Maraming babae — esp. younger ones in their teens & twenties — na hindi maka-get over sa inggit. Pinipilit maging seksy, to the point that it becomes an obsession. Mental condition, if you ask me.

    Liked by 1 person

    1. oo nga po eh. yung iba hindi na talaga kumakain para lang sumeksi 😀

      Like

  4. happy womens day sayo at sa iba pa.

    Liked by 1 person

    1. Salamats promking.

      Like

  5. Ika nga nila, beauty lies on the eyes of the beholder! Sigurado ako, ikaw ang pinakamaganda sa mata ng nagmamahal sa iyo…

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha. kahit sa mata nila hindi pa rin 😀

      Liked by 1 person

      1. Nyeh… And dapat ang title is: Babae, Babong, Chikababes!

        Liked by 1 person

        1. ha ha ha….ano yung babong? iniisip ko nga sana, babae, babaita, babaylan. kaso lang wag na kako haha

          Liked by 2 people

          1. Hahaha! Babong is “molang” babae. Yung chubby na yummy, ika nga.

            Liked by 1 person

          2. yaiks ngayon ko lang narinig yan ah 😀

            Liked by 1 person

          3. Shhhh… Sekreto namin ng mga boys yan. Hehehe! (Tawang ala George Estregan)

            Liked by 1 person

          4. Ate, ito nalang sana title. 😂😂hahaha.

            Like

          5. ito? Babae, Babong, Chikababes!

            Like

  6. Humble ka lang. Maganda ka din nman. We are all created unique and special. Marami kang qualities na wala din si Solenn. Hehe

    Liked by 1 person

    1. ha ha ha…we are all created beautiful naman 😀

      iisipin ko pa kung anong qualities na meron ako at wala si Solenn ha ha ha ha

      Liked by 1 person

  7. mabuhay ang mga kababaihan!ganyan talaga ang buhay, hahaha, unfair, may iniistalk din akong girl crush ko since high-school happily married at mommy na din xa pero ung ichura niya parang dyosa pa ding bumaba sa lupa samantalang ako mukhang busabos, hahahaha sige na lang, ganun tlaga, kanya-kanyang kaloob hehehehe

    Liked by 1 person

    1. Hahaha. May ganyan nga ano? Kahit nanganak na eh mala dyosa pa rin hahaha grabe ka naman sa mukhang busabos hahaha

      Like

  8. I love Solenn too! She’s so beautiful and talented. And ang bait pa. 🙂

    Liked by 1 person

      1. Kahit walang make up ang ganda nya..

        Liked by 1 person

Leave a Reply to Babae. Babae. Babae. – Ang Babaeng Tambay sa SM Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: