Kahit anong kapal siguro ng make up na ipahid ko ay hindi ako makakahabol kahit man lang kaunti sa kagandahan ni Solenn Heussaff. Kahapon ko pa talaga siya iniistalk. Ay mali. Mula pala nung nilabas yung pre-wedding video nila at matapos ilabas yung mga pictures ng Bridal Shower n’ya kahapon.
Ang ganda n’ya. Ang seksi pa. Ang malupit pa, ang husay magpinta. Sinalo na n’ya lahat ng biyaya?
Hindi talaga ako maka get over kaya hanggang ngayon ay tinitingnan ko pa rin ang mga litrato n’ya. Tinitingnan ko ang abs n’ya sabay kapa sa bilbil ko. Oh my! Walang pag-asa. Panay ang sabi ko na – Ang seksi ni Solenn! Ang seksi ni Solenn! Ang seksi ni Solenn! Nagfeeling ako na baka pag inulit ulit ko ang pagsabi ng magic words (Ang seksi ni Solenn!) ay maging seksi din ako. Pero mali ako. Mali! Walang nangyari kahit anong ulit ko! Tumigil lang ako nung may nagsabi na sa’kin na, seksi ‘yan kasi may oras ‘yan magpaseksi. Saka kailangan n’ya yan sa trabaho n’ya. Eh ikaw?
Ok fine. Tablado.
Pero ok lang. Totoo naman. Si Solenn ‘yan eh. Ako ito. Bakit nga ba ang kulit ko? Feeling ko ba kakakulit ko ay makakahabol ako sa kaseksihan n’ya? Hindi! Hindi! At isa pang Hindi!
Braso pa lang. Tatlong kapatid ko na ang nakalong ng brasong ito. Ilang daang mabibigat na plato lang naman ang nabuhat ng brasong ito.
Binti pa lang eh. Kilo-kilometro na ang nalakad nito kaya mala mangga ang korte ng maskels nito.
Bilbil? Kailangan ko kasi lagi mag extra rice dahil nakakagutom ang dami ng ginagawa ko sa work.
Pero ano ba ang pinagsasabi ko dito? Bakit ba ako nagkukumpara? Wala namang point of comparison.
Napansin ko lang kasi. International Women’s Day pala ngayon. Marami rin sigurong mga babae ang tulad kong insekyora or inggitera or what (or baka ako lang dahil weird ako :p)Â kaya ako ay nagpapaalala lang, ano man ang itsura natin, ano man ang katayuan natin sa buhay, lahat tayo ay may iba’t-ibang kontribusyon sa lipunang ito at higit sa lahat, sa ating pamilya. Ang post na ito ay isa lamang pagbibigay pugay sa mga kababaihan (kamukha man ni Solenn o hindi).
P.S. I don’t have anything against Solenn. I really adore her. Hindi lang ako makaget over sa kagandahan n’ya kaya siya ang ginawa kong point of reference sa post kong ito 😀
I’d love to hear from you!